Chapter 3

2 0 0
                                    

"Ikaw nanaman?" Tanong ko sa kanya. Nakahinga din ako ng maluwag nang makita kong siya lang pala yun. Kinabahan din ako dahil alam kong hindi ko kayang ipag tanggol ang sarili ko.

"Hey, I'm sorry about being such an arse earlier." Nakayuko siya sa harap ko.

Tumingin ako sa paligid. Tinignan ko kung may nakakakita sa amin. Wala lang. Hindi lang ako sanay na nakikita ako ng ibang tao na may kasamang ibang lalaki.

"Halika dito." At sumunod naman siya sa akin.

Nag lakad kami papunta sa likod ng dorm ko. Dito, mayroong playground para sa mga bata pero hindi naman nagagamit dahil puro high school at college students na ang nakatira dito sa dorm namin.

"Upo ka." Sabi ko pagkayari kong maupo sa swing. Agad naman din siyang naupo sa swing sa tabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa ngayon. Hindi ako komportable ngayon pero sa hindi ko malamang dahilan, gusto kong marinig ang sasabihin niya.

Nakatingin lamang ako sa kawalan at ganon din siya. Tahimik lang ako at tahimik lang din siya. Wala naman akong sasabihin sa kanya.

Makalipas ang limang minuto, nag simula din siya mag salita.

"I know her." Panimula niya.

Hindi ako sumagot. Hinintay ko siyang mag salita.

"I know you, too." Napatingin ako sa kanya. Bumalik nanaman yung kaba sa akin na naramdaman ko kanina.

Paano niya akong nakilala? Anong alam niya tungkol sa akin?

"Don't worry, Lucy. Your secret is safe with me. I don't judge you too." Napayuko akong muli.

"Siguro mas mabuti pa kung umuwi ka na lang, Adler." Pagkasabi kong iyon ay agad na akong tumayo. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa kamay.

"I still have something else to say."

Tumingin lamang ako sa kanya at nag hihintay sa sasabihin niya.

"I want you to be my girlfriend." Seryoso ito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya. Napailing na lamang ako at tuluyan nang umalis. Hindi na ako lumingon nang umalis ako.

Pag bukas na pag bukas ko ng pinto ay isang party popper ang pumutok sa mukha ko.

"Welcome, rommie!" Masayang bungad niya.

Pag dilat ko ay nagulat ako sa nakita ko.

"Pati ba naman ikaw." Yun ang nasabi ko.

Nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng pag tataka.

"Are you my classmate?" Nanatili lamang akong naka tingin sa kanya at hindi sumagot.

Hindi pa rin nag si sink in sa akin ang mga nangyayari ngayon. Pagkayari ni Adler kanina, ngayon naman ay si Sofia? Ano ba ang meron dito sa mga transferee? Bakit andito sila sa paligid ko?

"I'm sorry, I didn't catch your name. I'm Sofia, btw." 

Sa isip isip ko, oo kilala kita at nadinig ko ang usapan nyo kanina nung Liam. Fishy nga eh. 

"Dito ka titira?" Sagot ko.

"Yes, my driver just moved my things earlier while we were in class. Uy, sorry ha if I did not ask for your permission before moving in. Wala daw kasing contact number mo yung landlord dito, eh my driver needs to go back na to Manila asap." Tuloy tuloy niyang sabi habang pumapasok ako sa loob. Ibinaba ko ang bag ko sa higaan ko. Tuloy tuloy pa rin siya sa pag sasalita habang sumusunod sa akin.

"Ako si Lucy." At humarap ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at sumagot, "Nice to meet you, Lucy. I hope we get along. I promise, hindi ako magiging pabigat sayo dito." Inilahad niya ang kanyang kamay kung kaya inabot ko rin ang kamay ko para makipag shake hands. Humagikgik siya kung kaya napangiti ako.

Pagkatapos non ay kumuha na ako ng damit sa dresser at nagpaalam sa kanyang mag s shower lang ako.

Tinagalan ko talaga sa cr. Mga 30 mins ako nag shower kahit 10 mins lang ako usually nag sho shower sa gabi para sana pag labas ko ay tulog na siya o kundi man ay busy sa ibang ginagawa. Gusto kong umiwas na makipag usap sa kanya. Ayokong tignan niya ako o ano pa man. Sanay naman ako na may roommate pero ang huling dalawang nakasama ko ay hindi ko naman yata nalaman maski ang pangalan nila.

Gulat na gulat ako paglabas ko ay may carpet na sa pagitan ng kama namin, at sa carpet ay nakaupo siya habang may mga pagkain sa lapag galing sa isang sikat na fast food chain.

"Let's eat, Lucy." Sabi niya habang nakangiti. "Bumili talaga ako ng food para sayo, so we can chat too." Dagdag pa niya.

"Thank you pero kumain na kasi ako eh." Sagot ko. Mahihiga na sana ako sa bed at mag babasa ng paborito kong libro ngayon pero tumayo siya at hinawakan ako at niyayang maupo.

"Please, kahit kaunti lang. I want to be friends with you para may friend na ako sa Baguio High, diba? Kahit hindi ka na kumain. Let's just chat." Sabi niya. Pinag bigyan ko na lamang at naupo rin sa tapat niya.

"So, taga dito ka talaga sa Baguio?" Unang tanong niya.

"Hindi." Matipid na sagot ko. Gusto kong ma-bored siya na kausap ako para hayaan niya na akong mahiga at matulog ng payapa.

"Oh, I see. Ako, you already know na hindi talaga ako taga dito. Being friends, dapat honest diba and walang secret?" Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Alam niya rin ba ang tungkol sakin?

"Well, I really know Adler and Liam. Adler is my ex boyfriend. Supposedly, dapat married na kami after high school. Alam mo na, arranged marriage. Alam ko naman na hindi niya ako mahal, pero ako," tumingin siya sa akin at nakita kong mamumuo ang luha sa paligid ng mata niya, "I love him." Pagpapatuloy niya. "I need to follow him all the way from Manila to Baguio because I still want him. Naniniwala ako na may chance pa rin kami. Alam ko naman na pumayag lang siya sa kagustuhan ng parents nya na mag manage ng business dito para makatakas sakin. I am just taking a risk. Baka sakali, diba?" At binigyan niya ako ng bittersweet na ngiti. 

I hugged her. Yes, I hugged her. Kung wala akong sasabihin na maganda, siguro mas mabuti na friendly hug na lang ang itugon ko. I know she knows what to do. Maybe she just needs someone to listen.

"OMG," sabi niya at tumawa habang umiiyak. Nag hiwalay kami ng yakap at nagpatuloy siya ulit, "I never knew na ganito pala kasarap sa feeling na mag release. You know, I do not have girl friends. I only have Adler and Liam as my friends. Iba palang feeling pag girl talk, diba?" Ngumiti lamang ako sa kanya.

"I only have Connor as my best friend too." Sagot ko pa.

"Ohh, Connor." Sabi niya at nag pahid ng luha. Nag bago ang mood niya from dark to light ulit. "Siya yung bright kid." Dagdag pa niya.

"Siya nga." Sagot ko habang nakangiti. It makes me proud tuwing maganda ang impression ng mga tao kay Connor. 

Ops, speaking of Connor bigla kong naalala na may itatanong nga pala ako sa kanya kaya inexcuse ko muna ang sarili ko para matawagan ko si Connor. Lumabas ako para hindi madinig ni Sofia ang pag uusapan namin. Mga 4 na ring ay sumagot na rin si Connor.

"Uy, Lu gabi na ah?" Bungad niya.

"Uhm, Connor may gusto lang kasi sana akong itanong eh. Kasama mo ba si Mari?" Tanong ko. Gusto ko lang masiguro kung may iba bang makakarinig dahil baka hindi naman alam ni Mari pero dahil sa pag dududa ko ay baka ako pa ang maging dahilan para malaman niya.

"Hindi na. Kaka hatid ko lang sa kanya sa apartment niya." Sagot niya. Naka hinga ako. "Ano pala yung itatanong mo?" 

"Sinabi mo ba kay Mari yung tungkol sa nakaraan ko?" Hindi na ako nag paligoy ligoy pa at alam kong alam niya ang tinutukoy ko.

"Hindi, Lu. Trust me. She has no idea." Naniniwala naman ako kay Connor.

"Yun lang naman Connor. Thank you. Good night!" Sabi ko at hindi na hinintay ang isasagot niya. Pinatay ko na ang tawag. Papasok na sana ako nang magulat ako dahil nakita ko si Sofia sa tapat ng pinto.

Sigurado ako na narinig niya.

Nagulat ako kaya nagulat din siya.

"Oh, I'm sorry. I didn't mean to pry. Nag tapon lang ako ng basura. I didn't hear anything." Depensa niya.

Nauna na lamang akong pumasok at nahiga na. Nag talukbong ako ng kumot para hindi na siya mag tangka na kausapin ako.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Letters We Cannot KeepWhere stories live. Discover now