100

256 23 21
                                    

〻❬ 3rd person's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

" Jeongyeon, bakit mo sinabi yun? Diba kaya nga tayo nag pa-presscon para itanggi yung dating rumor niyo? Bakit mas lalo po pang diniin yung issue? Ugh— " panimula ni manager Nayeon at pinagsa-sabihan nito si Jeongyeon dahil sa ginawang eksena sa presscon.

" Hayaan mo na muna, baka kailangan muna ni Jeongyeon ng time para mag-isip. Pero sa totoo lang, malaking problema ito. Pwedeng ma-apektuhan ang career nilang dalawa. " sabat naman ni manager Sejin.

Nakayuko si Jeongyeon habang kinakausap siya ng kanyang manager. Si Jimin naman ay tahimik lamang na nakikinig. Mukhang pagod na siya sa mga nangyayari.

Nang biglang tumahimik sa kwarto ay nagsalita na si Jeongyeon.

" I like Jimin, totoo yung nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ba ako pwedeng magmahal? " pangangatwiran ng dalaga.

" Pero career niyo ni Jimin ang nakasalalay dito. May mga fans na hindi magugustuhan ang balitang ito at pwedeng ma-apektuhan ang status niyong dalawa. "

" I don't care, basta gusto ko si Jimin. At gagawin ko yung gusto ko. " sambit naman ni Jeongyeon na naka poker face na ngayon. Napahilot naman sa sintido ang manager niya. Si manager Sejin naman ay may kausap na sa telepono. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na si manager Sejin upang makipagusap muli.

" Kinausap ko na si PDnim, sabi niya ay bahala na daw kayo. Kung talagang gusto niyo ang isa't isa ay hindi na kami makikialam, basta sana ay hindi na madagdagan ang issue na ito. Wala na tayong magagawa, kung itatanggi pa natin ay wala ng maniniwala. " pag-aanunsyo nito na ikinagulat ng manager ni Jeongyeon at ikinabahala naman ni Jimin.

" What? No! Hindi pwede, i don't like he— " saad ni Jimin pero naputol ito nang magsalita si Jeongyeon.

" Really? Thank you so much manager, i'm sorry for what I did. Hindi na ako gagawa ng ano pa mang gulo. " sagot naman ni Jeongyeon at ngumiti.

" Hindi na namin kayo pipigilan, i'm happy for the both of you. "

" Hindi pwede, itatanggi ko 'to. Ayoko, hindi ko gusto si Jeongyeon! " biglang sigaw ni Jimin kaya nagulatang dalawang manager.

" Pero hindi na natin pwedeng itanggi yung issue, Jimin. Mas lalong gugulo lang ang lahat." sagot naman sa kaniya ni manager Sejin.

" You can just act as if like both of you are dating, hindi nanatin pwedeng bawiin yun. " sabi naman ni manager Nayeon.

" This is freaking messed up. " sambit ng binata at lumabas na upang makapag-isip isip.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERWhere stories live. Discover now