Chapter 24

1.2K 55 20
                                    

Stacey's POV

Saturday ngayon at di ko alam kung ano ang gagawin ko as in bored na bored ako ngayon sa bahay argh. Si kuya naman wala dito sa bahay dahil nasa barkada sya gigimik nanaman ata. Si Bella naman may practice sa sports, actually ako lang talaga nandito sa bahay si Mom nasa zumba at si Dad naman nasa office as always.




Puro scroll lang ako dito sa online foods pag kasi wala akong magawa kumakain ako minsan naman nanunuod ng tv o kaya nasa mga kaibigan ko, habang nagsscroll ako nakuha ng pansin ko ang picture ng adobo grabe nakakatakam talaga sya naisip ko sanang magorder at kainin yon pero naisip ko na kung ako kaya ang magluto? Pero nababahala din ako kasi di ako marunong magluto baka maulit nanaman yung nangyari dun sa cafeteria.




Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng may nag-pop na pangalan sa phone ko.




From: Ej

Busy ka?




Si Ej pala agad akong nagreply sa kanya, baka bored din sya?




To: Ej


Hindi naman, nagiisip nga ako ng pwedeng pagkaabalahan kasi bored na bored ako dito sa bahay.




From: Ej



Same. May naisip kana ba? Kung pwede sana aayain kitang lumabas, pwede ka?




Omaygosh date ba to? Di ko alam pero na-excite ako sa sinabi nya, magttype na sana ko ng maalala ko ang adobo hays gusto ko talagang matutong magluto nun kasi mukha talagang masarap sya pero masarap naman talaga ang adobo actually favorite food ko nga din ito.



Napagpasyahan kong itanong kay Ej kung marunong ba syang magluto ng adobo,Sana marunong sya paea magpapaturo ako sa kanya kung pano magluto.




To: Ej

Sure, nga pala maalam ka bang magluto ng adobo? Magpapaturo sana ako kung pano magluto nun natatakam kasi ako sa adobo ngayon.



Sana marunong sya sanaaa.



From: Ej

Yup marunong akong magluto non tara turuan kita,may sangkap kana ba?


Yes! Pero wala pa pala kong sangkap gosh.



To: Ej


Wala pa eh hehe.




From: Ej


Bumili muna tayo sa mall ng sangkap,wait gagayak na muna ako I'll be there in 20 minutes.



Di na ako nagreply at nagsimula na din akong gumayak. Hmm ano kayang magandang suotin?



Napagpasyahan kong magsuot nalang ng jeans at white t-shirt simple lang naman kasi bibili lang naman kami ng sangkap eh  nagsuklay ako at naglagay ng liptint sa labi konti lang naman at nagpisik ng pabango sa wrist,neck, at damit. Ready na ko intayin ko nalang si Ej dito sa terrace.



Saktong 20 minutes ay andito na si Ej.



*Beep beep*


Lumabas na ng kotse si Ej at lumapit ako sa kanya simple lang din naman ang suot nya naka  t-shirt sya na blue at pantalon di ko alam pero kahit ganun lang ang suot nya ay napaka-attractive nyang tignan.



"Ganda natin ngayon ah." Sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.




"Ngayon lang?" Biro ko sa kanya at parehas kaming natawa sa isat isa.



"Oo na lagi ka ng maganda."


Tinignan ko sya ng seryoso sa mata.


"Hmm parang napipilitan ka ata."



"Hindi po,pumasok ka na nga dyan excited na kong tuturan ka magluto at nagugutom na din ako."


"Di ka pa din kumakain?" Pumasok na ko sa loob ng kotse nya at pumasok na din sya, parehas kaming nag-seatbelt.





"Yup, nagpagutom para marami makain ko ng luto mo." Sabi nya at nag-wink sakin.




Uminit ang buong mukha ko sa hiya naku kung alam mo lang kung paano ako magluto pagsisihan mo yan.



"A-ah hehe di pa ko marunong magluto ah b-baka magulat ka sa lasa."




"Kaya nga tuturuan kita wag kang kabahan. Mukhang di ka naman mahirap turuan."






Nginitian ko nalang sya at nagsimula na nyang paandarin ang kotse papunta sa mall. Sana maging success na ito.




Accidentally I'm In love With The Playboy[Ongoing]Where stories live. Discover now