Chapter 19

355 26 22
                                    

Amelia Martini

PANAKANAKA akong sumusulyap kay Raf habang nagtitimpla ako ng gatas para sa kaniya. Ang buong akala ko ay mainit ang katawan niya dahil galing siya sa labas pero totoong may lagnat pala talaga siya. Kaya pala halos pareho kaming matutumba nang yakapin niya ako dahil pati siya ay walang lakas.

Nakahiga siya ngayon sa sofa dahil ayaw niya sa kwarto ko. Naawa nga ako sa posisyon niya dahil kung titingnan ng mabuti, halos bumaluktot na ang katawan niya dahil sa liit at iksi ng sofa.

Binilisan ko na ang pagtimpla ng gatas nang marinig ko siyang humatsing. Mabuti na lang at may dala siyang mga damit at nakumbinsi ko siyang magbihis pagkatapos kong punasan ang katawan niya.

"Drink this first so you can take a better rest." alok ko sa kanya ng gatas.

Agad naman siyang tumalima. Tinulungan ko siyang bumangon at maupo ng maayos saka ko binigay ang baso na may lamang gatas. Hindi kasi siya mahilig sa kape at lagi siyang umiinom ng gatas pampatulog.

Kahit na mainit ang bagong timpla kong gatas, madali niya itong ininom at nang tumigil siya ay halos nangangalahati na ang laman nito. Muli na naman siyang humatsing na sinundan naman ng ubo pagkatapos.

Nilagay ko muna ang gatas niya sa gilid saka ako naupo sa center table paharap sa kanya.

"Itaas mo ang kili-kili mo." saad ko saka ko pinakita sa kanya ang digital thermometer.

Parang bata naman siyang sumunod sa akin at nanlalantang sumandal sa sofa. Naawa ako sa mukha niya. The dark circles below his eyes are very evident. Medyo tumaas ang buhok niya dahil sanay ako sa gupit niyang clean cut, tinutubuan na din siya ng balbas at hindi ko alam pero mukhang nangayayat siya sa paningin ko.

"Staring is rude." halos pikit mata niyang saad.

"May sakit ka na nga, ang sungit mo pa rin."

Mapakla siyang tumawa. "Kung masungit ako, bakit mo ako inaalaagaan?"

"Siyempre dahil kaibigan kita."

"There's that word again. " bigla siyang umalis sa pagkakasandal at seryosong sinalubong ang mga mata ko. "Is that all I am ever going to be to you, Amelia?"

"Raf, may sakit ka kaya inaalagaan kita. Kahit pa sungitan mo ako hindi ako lalayo dahil-"

"Because I am your friend." umiling siya at madilim na tumingin sa gilid. "Times like this, napapaisip ako na sana hindi mo na lang ako papansinin."

"Raf naman, pwede bang huwag muna nating pag-usapan iyan. May sakit ka at alam kong pagod ka kaya magpahinga ka muna ng maayos." Inayos at sinuklay suklay ko ang buhok niyang tumatakip sa mukha niya.

"Stop." Hinuli niya ang kamay ko ay madiin akong tinitigan. "Dont make this hard for me. Mas nahihirapan akong tanggapin na kaibigan lang tayo."

Napaiwas ako ng tingin. Ensaktong tumunog naman ang thermometer. I heard him sigh as I removed it from his armpit. Hindi na gaanong mataas ang temperatura niya kumpara kanina nang dumating siya.

"37.6 Celsius." pagbasa ko sa nakikita ko. "May lagnat ka pa rin. Mabuti pa ay magpahinga ka muna."

"You're going to avoid me again."

One Step Closer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon