Chapter 16

363 28 25
                                    

Amelia Martini

MAYA MAYA lang ay naramdaman ko ang pagbagal ng andar ng kotse, sinundan iyon ng tuluyang pagkapatay ng makina.

Umalis ako mula sa pagkakasandal upang tingnan si Blaine. "Bakit ka huminto?"

He calmly removed the keys and put it inside his pocket. "I told you we're lost."

"Hindi ka nagbibiro?" hysterikal kong tugon.

Sa lahat ng naliligaw, siya itong napakakalmado.  Hindi ba siya kinakabahan sa paligid namin ngayon? Wala akong nakikitang bahay at tao pero ayaw ko ring makakita ng kahit sino sa paligid dahil kadudaduda kung tao ba iyon o hindi. May kaunting ilaw mula sa poste iilang metro ang layo mula sa amin at walang ibang sasakyan na dumadaan.

"Blaine, wala ka bang gagawin?" muli kong untag sa kanya na sana naman ay matauhan siya na nasa kaligtnaan kami ng dilim sa lugar na parehong hindi kami pamilyar.

"What do you want me to do?"

"What?" I unbelievably gasped at him. "Call someone or go outside, maghanap ka ng mapagtatanungan."

"Do you really want me to go out?"walang kagana gana niyang sagot. Tinuro niya pa ang paligid. "I'll go out but you have to stay here, bantayan mo itong kotse."

"Huwag!" pinigilan ko agad siya nang akmang bubuksan niya na ang pinto. "Don't leave me here alone."

Bumalik naman agad siya sa kanyang postura at napatingin sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Agad akong napabitaw mula doon. Sa lahat ng oras na pwede kaming maligaw, bakit ngayon pa at bakit siya pa ang kasa-kasama ko?

This situation is a demonstration of how to low key ruin my day. Ngayon tuloy ay gusto ko ng maniwala sa sinabi niya na kung hindi lang sana ako na-late, naging mas maayos siguro ang lahat. I could be in Alkansas right now catching up with Winslet and enjoying a hot chocolate drink but now, I am stuck in the middle of nowhere instead. At imbes na magsaya, kaba at takot ang nararamdaman ko.

"Amelia, are you okay?"

"Seriously? That's your question? Hindi ko alam kung nasaan tayo, Blaine at ang dilim na ng paligid! Do you really think I am okay?" hindi makapinawalang saad ko sa kanya.

He sighed with disbelief. "What do you want me to do, then?"

"H-hindi ko alam!" nauutal kong sagot dahil bigla akong napaatras sa pagiging iritado niya. "Try calling someone."

"I dont have my phone with me."  simpleng sagot niya na parang wala lang.

"Nevermind!" inis na kinuha ko ang sarili kong telepono mula sa bulsa ko at muntik ko nang maitapon iyon nang makita ko na hindi na ito umiilaw. Wow, is this how I am gonna die? Getting stuck in the vast darkness, no phone and alone with my ex boyfriend.

"Ang galing!" paulit ulit ko pang pinindot ang screen ng cellphone ko pero hindi pa rin talaga.

"Amelia, masisira ang cellphone mo sa ginagawa mo."

"Anong gusto mong gawin ko?" I glared at him.

"Calm down, Amelia." kahit gaano pa ka-kalmado ang pagkakasabi niya noon, hindi parin napawi ang takot at pangambamg nararamdaman ko.

"Calm down, really Blaine? Tingnan mo nga kung anong nasa paligid natin! My brother's probably worried sick right now!" napapadyak ako sa inis.

"And you think my own brother is not worried?"

Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa."Bakit ba napaka-kalmado mo? If you can't think of anything, ako na mismo ang lalabas para humingi ng tulong. I want to get out of this car, of this place already!"

One Step Closer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon