Chapter 3

354 18 3
                                    

Amelia Martini


KINABUKASAN, naging tahimik ang buong araw ko. Maagang umalis sina Kuya at Blake at nang magising ako, si John Andrew na lang ang naabutan kong nakahilata sa sofa bed.

Ginising naman ako nila Kuya nang umalis sila pero dahil sa sobrang antok ay hindi ko pinili munang bumangon. Bandang alas otso na ng umaga ako umalis sa kama, diretso bihis at labas sa bahay para mag-jogging.

Mabuti nalang talaga at hindi masyadong mainit, makulimlim sa labas at hindi ako nahirapang tumakbo. Sa susunod, aagahan ko na ng gising para mas malayo ang marating ko. Hindi naman talaga ako nag e-exercise especially noong nagta-trabaho na ako dahil wala akong oras. Nagigising ako na wala pang araw at gabi na kung makuwi ako sa bahay. Minsan nga ay  umaabot kami ng madaling araw sa dami ng mga gawain sa opisina.

Takbo ako ng takbo at paminsan minsan ay humihinto ako. Ang daming dumadaan sa isip ko. On top of my head, I am already thinking of how to start working for my student visa but at the same time, I dont want to. Kapag inumpisahan ko na iyon,ibig sabihin tuloy na tuloy na talaga ako. Natatakot ako kahit na buo na ang desisyun ko. First time na malalayo ako ng ganito sa mga magulang ko. Iniisip ko na lang na nandoon naman si Raf at kahit papaano ay maiibsan ang pagka-miss ko dito sa Pilipinas.

Speaking of Raf, bumabagabag parin sa isipan ko paminsan minsan ang sinabi niya sa akin kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung nagbibiro ba siya o hindi. Nakakalito kasi ang mga pinagsasabi niya, hindi naman siya ganoon kapag nalalasing. Pero inisip ko rin na baka dala lang talaga iyon ng alak at ng mga nangyayari sa paligid namin. Maybe he's just pressured. That's all.

Ilang ikot ang ginawa ko sa maliit na plaza na malapit sa tinitirhan ko bago ako magpasyang umuwi. Tirik na tirik na ang araw at pawis na pawis narin ang buong katawan ko.

Nang makabalik ako sa bahay, tahimik parin ang paligid pero nang madatnan ko ang sala, wala ng tao doon. Sigurado akong nandito pa si John Andrew dahil nasa center table pa ang case at relos niya. Baka kumakain lang iyon. Hindi ko muna siya hinahap, bagkus ay nagtungo ako sa sarili kong silid para maligo.

Halos abutin ako ng isang oras sa banyo dahil sa masyadong pag-eenjoy ko sa ilalim ng shower. Ilang taon akong nagtrabaho at minsan lang ako magkaroon ng mataas na oras para sa sarili ko. Wala akong pasok kapag Saturday at Sunday pero kapag Sabado ay lumalabas ako kasama sila Kuya o sila Mommy. 'Pag Sunday naman, halos buong araw akong tulog.

Fresh na fresh at relaxed ang muscles ko ng magtungo ako sa baba. Magulo parin ang sala kaya naisipan kong ayusin muna ang mga gamit na kumot at unan. Ganoon ba talaga lahat ng lalake? Makalat? Ni hindi man lang nila naisipang iligpit itong sofa bed o ang kumot na ginamit nila kagabi.

Habang tinutupi ko ang mga kumot, narinig ko ang mga yabag pababa dito sa sala. Sumilip ako ng kaunti sa hagdanan at tama nga ako, nandito pa si John Andrew. Base sa ayos niya, mukhang bagong ligo din siya.

Nagpupunas siya ng buhok nang mapansin niya ako. "Amy, ako na diyan."

"Huwag na, malapit narin naman to. Pakibalik nalang nitong sofa doon sa gilid pagkatapos ko."

"Ikaw bahala." tinapos niya ang pagtutuyo ng buhok habang nakamasid sa akin. "Anong oras sila umalis?"

"Mga six ata? Sabay na umalis sila Kuya at Blake. Hindi ka na nila ginising dahil himbing na himbing ka ata."

"Eh ikaw? Kakagising mo lang?"

Pinatong ko ang mga natuping kumot at kinarga iyon para ilagay sa kabilang upuan."Kanina pa po akong alas otso gising. Nakapag-jogging na nga ako. O, ayusin mo na itong sofa."

One Step Closer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon