"Hindi ko sinabi sa kanya. Aksidente niya lang nalaman" sagot niya sa akin. Napanguso ako, maybe Mandee really want to pursue Kenzo. Iyon nga ang nakita ko nuon bago ako umalis after taking the board exam. Naghalikan sila hanggang sa pumasok sila sa condo ni Kenzo. Hindi ako naniniwala na walang nangyari.

"You want her to be, Kianna's Mom?" mapait na tanong ko. Ayoko sanang magtunog ganuon pero kusa iyong lumabas sa aking bibig.

Napasinghap si Kenzo sa aking likuran. Kinalas niya ang yakap niya sa akin at iniharap ako sa kanya, titig na titig siya sa aking mga mata, halos tumagos iyon sa aking ikaibuturan.

"Not exactly her, Sera. I tried to date girls, because I want to give Kianna a complete family. Kasi akala ko kinalimutan mo na kami" paliwanag niya, ramdam ko ang sakit sa kanyang boses. Ang isiping pareho ko silang itinapon dahil ayoko sa kanila ay talaga naming masakit. Kung ako din ang nasa sitwasyon ni Kenzo nuon, hindi ako aasa sa kanya. Magmomove on ako para sa sarili ko at para sa anak namin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi para iwasang magsalita. Marahan na lamang akong tumango. Kung pagaawayan lang namin ang lahat ng ito, walang mangyayari sa amin. Hindi ito ang panahon ng sumbatan. Nasaktan at nahirap ako, ganuon din si Kenzo. Biktima lang kami ng kasinungalingan ng itinuring kong pamilya. Pinaglaruan nila kami, hindi ko ito palalagpasin.

Hinaplos niya ang pisngi ko kaya naman nagangat ako ng tingin sa kanya. "Hindi ko kayo kinalimutan. Kahit inakala kong patay ang anak natin..." marahang sabi ko. Mariing napapikit si Kenzo hanggang sa napasinghap siya.

"I'm so sorry. If I tried to forget you..." paos na sabi niya. Kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Halos pumungay iyon para lang paniwalain niya ako.

"You need to. Hindi mo din naman alam ang totoo...normal lang na iyon ang gawin mo dahil galit ka sa akin" sabi ko. Halos manginig ang boses ko dahil sa nararamdamang sakit.


Bayolente akong napalunok ng hawakan niya ang pagkabilang braso ko. Marahan ang pagkakahawak niya duon na para bang ayaw niyang masaktan ko.


"But I failed. Ikaw pa din Sera, walang nakapantay..." paninigurado niya sa akin. Uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako nakapagsalita kaya naman muli niyang hinila ang katawan ko palapit sa kanya.


"Babawi ako. Lahat ng taong nawala, babawiin natin" paninigurado niya sa akin. Uminit ang dulo ng aking mga mata, wala na akong nagawa kundi ang suklian ang yakap ni Kenzo sa akin.


I've been longing for this, for how many years. Yung pakiramdam na may nagmamahal at nagproprotekta sayo. Ramdam na ramdam ko iyon sa yakap niya sa akin. Pakiramdam ko, ayos na. Nuon pa man, nung nagaaral pa lang kami. Ganito ba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya.


Kusang tumulo ang luha ko. Akala ko hindi ko na ulit mararanasan ito.


Kumalas ako ng yakap sa kanya ng mapansin ko ang paglabas ni Yaya Annie mula sa play room ni Kianna. Medyo nagulat din siya ng datnan niya kaming nasa ganuong posisyon. Mabilis kong pinunsan ang aking mga luha.


"Gagawan ko lang ng mirienda" sabi niya sa amin. Napaawang ang bibig ko, gusto ko din, gusto kong ako ang gagawa ng mirienda niya.


"Sasama po ako" magalang na pagprepresinta ko. Mas matanda siya sa amin.


Naramdaman ko ang hawak ni Kenzo sa aking siko. Tipid na ngumiti si Yaya Annie sa akin. "Halika, tuturuan kita" marahang sabi niya sa akin kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Buong akala ko ay ayaw din niya sa akin.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now