Chapter 09

2.7K 168 6
                                    

KAHIT nakaalis na si Mary Ann ay hindi pa rin siya pumasok sa loob ng bahay. Nakatayo pa rin siya sa may labas ng gate na maliit. Siguro naman ay tama ang naging desisyon niya para sa nalalapit na event ng kanilang village.

Pagbalik niya sa loob ng bahay ay dumiretso na siya sa may pool area.

"Tutugtog nga pala si Ate Syra ng piano," malakas na anunsiyo ni Reynald ng makita siya. Binilatan pa siya nito.

"Kung ganoon ay tara na muna sa loob," anang kanyang ama.

Iningusan na lang niya ang kapatid. Nagpatiuna na siya papunta sa kinaroroonan ng grand piano. Akala siguro ni Reynald ay uurungan niya ang plano nito. No way. Magpapasikat muna siya kay Ash.

Umupo ang mga ito sa may sala. Habang ang mga bata naman ay nakapalibot sa kanya. Tumikhim muna siya bago umupo sa harap ng piano. Pagkatapos ng ilang sandali ay nag-umpisa na rin siyang tumipa sa teklado ng piano.

Intro pa lang ng tinutugtog niya ay umangal na agad si Reynald.

"Akala ko ba ay hindi mo alam 'yan?" He demanded.

Nginisian lang niya ang kapatid. She played the song, Ikaw Pa Rin. Siyempre pa mabilis na naka-relate ang mga magulang nila. Humimig pa ang kanyang ama. Siya naman ay focus lang sa pagtugtog. Ang musikang iyon ay alay niya para kay Ash na tahimik lang siyang pinanonood sa isang tabi.

Nang matapos ay nakatanggap pa siya ng masigabong palakpakan sa mga ito.

"Salamat po."

"Ang galing mo po talaga Tita Syra," ngiting-ngiting puri sa kanya ni Sumi.

"Salamat Sumi."

Matapos siyang batiin ng mga ito ay nagsibalikan na rin sa labas ang mga ito. Hindi siya sumunod. Ganoon din si Ash na ni hindi man lang siya nilapitan para batiin kahit labas sa ilong nito.

"Masarap 'yung dessert na ginawa ng mga mama natin," inporma niya kay Ash na nilampasan ito.

"Hindi riyan ang papunta sa pool area niyo."

Papunta nga naman kasi siya sa may main door ng bahay nila. "Magpapababa ako ng kinain ko sa labas."

Naglakad ito hindi papunta sa may pool area kundi papunta sa kanya. "Saan? Sa labas?"

Nagulat man sa paglapit at pag-uusisa nito ay hindi siya nagpahalata. "Sa may burol malapit dito. Gusto mong sumama?"

Marahan itong tumango kaya napangiti siya. Kung ano mang himala ang mayroon ngayong gabi ay lubos siyang nagpapasalamat dahil makakasama niya ito ng sila lang dalawa.

"Hindi ka pa siguro nakakarating doon. Maganda kasi roon kapag gabi. Tara."

Hindi na yata mabubura ang ngiti niya sa labi ng magkasabay silang lumabas ng mansiyon nila. Mukhang in good mood ito ngayon. Kaya susulitin niya ang gabing iyon. Kakalimutan na muna niya ang nangyari ng huli silang magkaharap.

Tahimik lang silang naglakad ng magkasabay sa kalye.

Paakyat na sila sa burol ng hawakan nito ang kamay niya. Bigla tuloy ang pagtibok ng mabilis ng kanyang puso. Ramdam na ramdam din niya ang kuryenteng tumawid mula sa kamay nitong nakahawak sa kanya na muntikan na niyang ipiksi kanina dahil sa pagkabigla. Parang gusto niyang tumili.

"Aalalayan lang kita," defensive nitong turan ng mapansin ang naging reaksiyon niya.

Hindi na lang siya komontra at nagpaalalay na rito paakyat sa burol. Nang makarating sila sa taas ay agad din nitong binitiwan ang kanyang kamay. Gustuhin man niyang komontra ay isinaisip na lang niya iyon.

Ikaw Pa Rin | Published under Precious Hearts RomancesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang