Chapter 03

3.2K 173 3
                                    

MUMUKAT-MUKAT na bumangon si Syra mula sa pagkakahiga. "Napahaba yata ang tulog ko." Humikab muna siya at nag-inat ng dalawang kamay bago ipinasyang bumaba sa kama. Inayos niyang muli ang unan at comforter bago lumabas ng silid.

"Syra, narito ka pala," nabiglang wika ni Yusumi ng makita siyang pababa ng hagdanan.

"Hi, Ate Yusumi. Nakatulog ako sa paghihintay sa inyo nina Tita," aniya bago kiming ngumiti. "Napahaba ang tulog ko."

"Kararating lang namin. Nasa kusina si Mama kasama ang asawa ni Kuya Andrei, nagluluto ng dinner." Ngumiti ito ng kakaiba. "Sinundo namin si Ash sa airport. Kaso nagpapahinga na siya ngayon sa taas. Napagod sa biyahe."

"Ah," tumatango-tango niyang sabi. "Mabuti naman at naisipan na niyang sumanib uli sa pamilya ninyo."

Tumawa ito. "Yeah, right."

"Sige, Ate Yusumi, bukas na lang uli ako magpapakita sa inyo. Baka kasi hinahanap na ako nina Mama. Pakikamusta na lang sa kanilang lahat. Bye!"

"Hep. At saan ka pupunta?" ani Marcus na asawa ni Yusumi.

"Sa aking kaharian. Paalam!"

"Dito ka na mag-dinner Syra," habol pa nito.

"Next time na lang Kuya. Chao!"

Kung nagising siguro siya ng maaga baka nakita niya si Ash. Nanghihinayang tuloy siya. Okay lang iyan Syra Marie marami pa namang pagkakataon para makita siya, pakonsuwelo ng isip niya.

Nang mag-doorbell siya sa bahay nila ay agad din namang bumukas ang gate na maliit. Si Reynald ang nagbukas ng gate.

"Oh, saan ka naman galing?"

Pumasok na siya sa maliit na gate at nagpatiuna sa paglalakad. "Nakatulog ako sa kabilang bahay."

"Wow, huh? Ang kapal naman ng mukha at doon pa talaga dumayo ng tulog. May kuwarto naman siya rito sa bahay."

"Whatever." Dumiretso siya sa may kusina kung saan alam niyang abala ang ina. "Ma," ungot niya rito. Umupo siya sa isang stool malapit dito. Abala ito sa paggagayat ng bawang sa chopping board sa may kitchen island.

"Hmm?"

"Dumating na sina Tita Yumi kasama ang anak niya na bagong dating galing Japan."

"Nabanggit din sa akin ng katulong. Nakita mo ba siya?"

"Alin po? 'Yung Ash?" Tumango ito. "Hindi po, eh. Kasi nakatulog ako sa kabilang bahay. Biruin niyo po iyon Mama anim na oras akong tulog," exagerated niyang sabi.

"Paano kasi nagpuyat ka kagabi dahil sa panonood ng TV kaya parang bumawi ka lang ng tulog."

Napangiti siya. At least hindi ito nagalit sa kanya. "Ano pong lulutuin niyo ngayon?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Gusto ng Papa mo ng sweet and sour na tilapya."

"Wow. Masarap nga 'yon. Speaking of a gorgeous devil, nasaan po si Papa? Dumating na ba siya?"

"Nasa Study Room. May meeting sila bukas sa Millares Group kaya may-niri-review ang Papa Rey mo."

Tumayo siya at lumapit dito. "Mama, gusto niyo ng tulong?"

"Okay. Ituturo ko sa iyo ang pagluluto ng main menu natin ngayon. Para naman pagdating ng panahon at mag-aasawa ka na ay hindi ka naman nakakahiya sa asawa mo pagdating sa usaping kusina.

"Si Mama talaga napaka-advance mag-isip. Matagal pa po iyon. Mga after ten years pa."

Napatawa ito maging ang kawaksi nilang si Manang Choleng na katulong ng ina niya sa pag-gagayat ng sangkap sa lulutuin ng mga ito.

Ikaw Pa Rin | Published under Precious Hearts RomancesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin