Chapter 01

5.9K 220 3
                                    

KAGAT ang ibabang labi na muling itinayo ni Syra ang halamang nakapaso na natumba dahil sa pagtakbo niya. Isa iyon sa mga inaalagaang halaman ni Tita Yumi Salcedo, hindi niya ito tunay na kamag-anak pero nasanay siyang Tita ang itawag dito. Kapit bahay nila ito sa Valle Encantado Village sa Pagbilao City.

"Tsk. Lagot ako nito kay Tita Yumi."

Napakamot siya sa batok habang tinititigan ang halaman na nabalian ng sanga.

"Kasi naman Syra dalaga ka na pero takbong-takbo ka pa rin."

Nakayukong humarap siya kay Yusumi, pangalawang anak ito ni Tita Yumi at Tito Andro. Family oriented tulad ng panganay nitong kapatid.

"N-Nakita mo pala ako." Napalabi siya ng tumingin dito. "Makakaya ko kaya ang galit ni Tita Yumi?"

Tumawa ito. "Para kang others. Si Mama, magagalit sa iyo? Hmmm. Parang bago iyon."

Bumuntong hininga siya. Nakokonsensiya lang naman siya dahil araw-araw niyang nakikita ang ina nito na inaasikaso ang beloved nitong mga halaman. Humarap uli siya sa halaman at niyuko iyon.

"May nabali kasing sanga, Ate Yusumi."

Lumapit ito sa kanya at nakiyuko rin sa halaman. "Oo nga. Nabali nga. Don't worry sis maiintindihan naman iyan ni Mama." Tumayo na ito ng tuwid at humalukipkip. "My God. Twenty three ka na Syra pero daig mo pa ang anak ko sa kilos mo."

"Sobra ka naman, Ate Yusumi. Medyo clumsy lang ako minsan," apila niya. "Pupuntahan ko lang si Tita Yumi para mag-sorry. Ahm, sa tingin mo saan ako makakabili ng katulad ng halaman na iyan?"

Nagkibit balikat ito. "Sa Japan."

Napamulagat siya. "What?" Tumikhim siya kapagkuwan. "Wala pa akong budget papuntang Japan. Hihingin ko muna ang kapatawaran ni Tita."

Hindi na niya hinintay na magkomento ito. Nagtatakbo na siya papasok sa Salcedo mansion. Syempre pa maingat ang ginawa niyang pag-takbo.

Sa edad niyang twenty three, ay nakaugalian niya na kalaruin ang mga bata sa bahay na iyon. Malapit lang talaga siya sa mga bata at isa pa ay ubod sa ka-cute-an ang mga iyon palibhasa magandang lahi ang pinagmulan.

Graduate na siya sa kursong Tourism sa Mori High University sa Pagbilao City kung saan sila nakatira.

Dahil mula ng magkaisip siya sa mundong ibabaw ay pag-aaral ang inatupag niya kaya naisipan muna niyang magpahinga ng isang taon bago sumabak sa trabaho.

Sa kusina niya natagpuan ang hinahanap.

"Tita Yumi."

"Yes, my dear?" anito na patuloy pa rin sa paghahalo sa nilulutong adobong manok.

Paano ba niya sasabihin dito ang totoong nangyari? She inhale again bago ubod tamis na ngumiti.

"Tita, kasi po...." Nakagat na naman niya ang ibabang labi. "'Yung isa po kasi sa halaman ninyong nakapaso sa may garden nadanggil ko po. Eh, medyo nabalian ng sanga 'yung halaman. Sorry po talaga, Tita. Hindi ko naman po talaga sinasadya." Yumuko pa siya tanda na talagang nagsisisi siya sa nangyari.

"Ano ka ba namang bata ka. Hindi mo naman iyon sinasadya kaya, It's okay. There's nothing to worry about, hija, kaya 'wag mo ng kaisipin iyon. Maliwanag?"

"T-Talaga po, Tita Yumi? Hindi ka po galit sa akin?"

"Hindi ako marunong magalit. Put that on your mind. Understand?" Hinaplos pa nito ang pisngi niya.

Ngumiti na uli siya. "Salamat po, Tita." Yumakap muna siya rito ng mahigpit bago ito hinalikan sa pisngi.

"You're so sweet, hija. Dito ka na mag-lunch, Syra," anito ng muling harapin ang niluluto. Kahit may mga maid naman ang mga ito ay mas gusto pa rin nito na ito ang nangingialam sa kusina.

Ikaw Pa Rin | Published under Precious Hearts RomancesWhere stories live. Discover now