Chapter 04

3.2K 181 6
                                    

MULA sa terrace ay tanaw ni Syra ang pagdadatingan ng mga bisita ng mga Salcedo. Gabi iyon ng pa-welcome party para kay Ash.

Sa malawak na hardin gaganapin ang naturang party. Any minute from now ay magsisimula na rin ang party. Sigurado siya na maraming taga Salcedo Medical Center na mga doktor at nurses ang dadalo. Doctor kasi ang ama ni Ash na siya ring nagmamay-ari ng malaking ospital sa Pagbilao City.

"Hindi ka pa rin ba pupunta sa kabilang bahay? Nasa kabila na ang mama, papa at kapatid mo."

Kagat ang ibabang labi na humarap siya kay Manang Choleng. "Okay lang po ba ako sa suot ko?" Suot niya ng mga sandaling iyon ang dress na binili pa ni Reynald para sa kanya. Lampas lang iyon ng bahagya sa kanyang tuhod. Dahil kulay itim iyon kaya lalo siyang pumuting tingnan.

"Walang halong biro na maganda ka sa suot mo, hija. Kaya naman ang mabuti pa ay pumunta ka na sa kabilang mansiyon. Ang sexy mo pa. Kuu, baka ma-inlove sa iyo ang mga binata niyan. Dinig ko ay marami raw binatang doktor na guwapo sa kabila. Baka makatisod ka."

"Manang Choleng, huh. Wala akong pakialam sa kanilang lahat." Nag-effort siya sa pag-aayos dahil sa isang tao. "Pupunta na po ako sa kabila. Bye!"

Paglabas niya ng gate nila ay bahagya pa niyang nayapos ang sarili. Medyo malamig ng gabing iyon. Idagdag pa na nakalantad ang balikat at likod niya.

"Are you sure, mommy?" Maarteng wika ni Mandi sa mommy nito habang papasok sa gate ng mga Salcedo. Invited din ang pamilya nito sa naturang party.

"Of course. You're always beautiful. Sigurado ako na mapapansin ka ng anak ni Mrs. Salcedo. Nangunguna pa."

"Thanks, mommy."

Nangingiti na lang si Syra. Imbes na dumiretso sa mismong hardin ay dumaan siya sa gilid ng mansiyon papunta sa kusina. Abala lahat ng kawaksi at ang mga kinuhang crew para sa party na iyon.

"Oh, Syra, ano'ng ginagawa mo rito sa kusina?"

"Hi, Ate Helen! Wala naman. Napadaan lang."

"Asus. Alam ko na. Hintayin mo lang ako rito at kukunin ko lang ang sadya mo."

Akala niya pagbalik nito ay kasama na nito si Ash. Ngunit isang mangkok na buko salad lang ang dala nito para sa kanya. Napangiti pa rin siya at natakam.

Pinagkiskis pa niya ang mga palad bago tinanggap ang bowl. "My favorite. Ipapakain mo ba talaga sa akin ito?"

"Ikaw lang naman ang matakaw riyan. Sige at maiwan na kita rito. Marami pa kasing gagawin sa labas." Ibinigay na nito sa kanya ang kutsara bago umalis ng kusina.

Ngiting-ngiti na lumabas na siya ng kusina. Sa may back door siya muling dumaan at dumiretso sa may kubo. Malaking kubo iyon na may tulugan din sa loob. Doon niya planong lantakan ang buko salad. Bahala na muna ang party sa may hardin. Dahil malawak naman ang bakuran ng mga Salcedo kaya tiyak niya na wala namang maliligaw roon.

Kahit walang nakabukas na ilaw sa kubo ay pumasok pa rin siya. Gamay naman niya ang bawat parte ng kubo kaya alam niya kung nasaan ang upuan na paborito niya, ang rockin chair. Prenteng umupo siya roon at inumpisahan ng lantakan ang buko salad. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw.

"Mas masarap pang kumain dito kaysa makigulo sa kanila." Susubo sana uli siya ng bigla namang bumukas ang ilaw. Dahil sa pagkagulat kaya nabitawan niya ang kutsara na may lamang buko salad at nahulog sa kandungan niya. Napasinghap siya. "Shocks!"

Dumikit sa dress niya ang gatas mula sa buko salad. Dahil kulay itim iyon kaya naman kitang-kita ang gatas na bumakat na ngayon sa suot niya. Hindi siya lalong makakalabas nito. Inis na nag-angat siya ng mukha.

Ikaw Pa Rin | Published under Precious Hearts RomancesWhere stories live. Discover now