Kabanata 27

736 25 3
                                    

"Hep-hep! Magtatalo na naman kayong dalawa, iniwanan ko lang kayo kanina, ganyan na kaagad?" Ate Ricci asked.

Andrei smirked. "Ano naman kung iniwan mo kami kanina Ate Ricci? Wala namang nangyari."

I laughed and tapped her back. "Don't worry Ate Ricci, everything is fine."

She sighed. "Okay, kumain na kayo diyan, lalo ka na Cassandra para kang lantang gulay."

I just nodded and show her a wide smile. "Yeah, I know. Just please, don't tell this to mama, paniguradong papauwiin ako nun ng wala sa oras, wala yung pakialam kung may training ako o wala."

Matapos naming kumain, nagpalit nalang ako ng t-shirt at naglagay ng kanting pulbos sa mukha at nagtali ng buhok para naman magmukha akong tao at hindi magmukhang dugyot.

Sakto namang dumating sila sir at ma'am kaya nagpaalam na kami na umalis para makapunta na sa training room dahil malapit na din ang call time namin, nakakahiya naman kasi kung mali-late pa ako e hindi na nga ako pumunta nung umaga.

"Maayos na ba pakiramdam mo Cassandra?" Sir Bryan asked me.

"Yes po, don't worry I can handle myself po and Ate Ricci is there with me naman. I'll be okay po sir," nakangiti kong tugon sa kaniya.

After that scenario, I decided that I will attend the training, no matter how hard it is for me because of my situation.

I will always remember that I'm not alone in this battle, I have them. I have my co-journalists who supports me at my weakest.

Sabi nga nila, piliin mo ang taong nandiyan para sa'yo kung kailan kailangan mo ng karamay, hindi yung taong kailangan ka lang kapag may kailangan sila.

We reached the training area. Buti nalang hindi pa nagsisimula dahil meron pang taga ibang district na nagla-lunch palang sa ngayon.

"Ate Ricci, are we going to have a activity this afternoon? Baka mamaya kasi mabigla yung utak ko." I asked her while brushing my hair, hindi kasi ako naligo kaya ganun.

"As far as I know Cas, mahilig daw si Sir Aszhel mang-imprompt eh, kaya halos lahat dito kanina nagkakagulo at masyadong nagpapadala sa kaba dahil sa strict nga daw si sir at masyadong nambibigla.

Napatango nalang ako ng wala sa oras kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga ako.

"Cass," tawag niya sa akin pero nanatili pa din akong tulala.

Hindi ko alam ang gagawin ko, ang alam ko lang, sobrang nanginginig ang buong katawan ko, hindi naman ako ganun ka-pasmado, pero nasobrahan ata sa pamamasa ang mga kamay ko.

Ganito ako kapag kinakabahan, nababalisa at nalulutang nalang sa mga pangyayari sa paligid.

Kinalabit ako ni Ate Ricci kaya mabilis akong napalingon sa kanya.

"What's the matter ate?" I asked her.

Napailing lang siya. "I called you for many times na pero you didn't bother to look at me, is everything okay Cass?" may bahid ng pag-aalala ang kanyang tono ng pananalita.

I smiled at her. "Everything is fine ate, it's just.. I'm nervous regarding the lecturer later."

She laughed and tapped my head. "Jusko naman Cass, Wala kang dapat alalahanin, magaling ka. Proven and tested."

Muli niya akong kinindatan. "Saka kaya nga tayo nandito sa training 'di ba? Para matuto at maitama natin ang mga pagkakamaling nagagawa natin sa mga articles natin, so you don't have to worry about it, okay?"

I nodded. Maya-maya pa ay nakita kong pumasok na yung ibang editorial writers, maka-sundo ko kaya 'tong mga 'to? I hope so.

Pagkapasok nila sa loob nakita ko yung isang lalaking medyo matangkad at maputi na sumunod.

Siya yung lecturer namin? Ampogi naman.

Nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita. "Okay editorial writers, complete na ba?"

Napatango-tango nalang ang lahat. "As well the first placer ng editoryal na nagkasakit kanina, andito na din ba?"

Ngumiti ako bago sumagot. "Yes po, I'm here po sir!"

He smiled back to me. "Good to see you Ms. Golez."

Ampogi naman ng lecturer namin, why naman ganiyan sir?

"So hindi ko na papatagalin, since andito na yung magiging lecturer nyo for this afternoon, let's all welcome, Mr. Ashzel Dela Cruz!" nakangiting pagpapakilala nung lalaking pogi.

Luh? So hindi si sir na pogi yung lecturer namin? Si sir panotchi pala? Takte naman!

Naisip ko nalang na kalabitin so Ate Ricci. Mabilis naman siyang lumingon paharap sa'kin. "Bakit Cass? Sumama na naman ba pakiramdam mo?" she asked me with a concern voice.

"Kasi akala ko Ate Ricci, yung poging teacher yung magiging lecturer natin, gaganahan na sana ako eh," nanghihinayang kong tugon.

Napatawa naman siya ng mahina. "Loka-loka ka Cassandra, facilitator natin 'yan si sir," natatawa nya pa ding tugon.

Napakamot nalang ako sa ulo at napailing-iling sa katangahan ko.

Maya-maya onti pa, nagulat ako dahil tinawag ako nung lecturer namin. "Yung girl na nakatali sa may likod na nakajogging pants at kanina pa natawa." saad nung lecturer.

Napatingin naman silang lahat sa'kin. "Ako po sir?" kinakabahan kong tugon.

"Yes, you. How can you define editorial in a short meaning?" he asked me.

Saglit akong natulala bago napagdesisyunang sumagot. "Editorial is the s-soul of the n-newspaper," nauutal Kong sagot at hindi makatingin ng diretso kay sir, impromptu nga ampotek!

Nakita ko namang may sumilay na ngiti sa labi ni sir pagkatapos kong sumagot kaya medyo gumaan yung kalooban ko.

"Very good. Akala ko sa ingay ka lang magaling miss. What's your surname? I'm gonna put a star in your surname here. Everytime na makakasagot kayo or navevery good ko outputs nyo, lalagyan ko ng star. Hamon ko sa inyo yun, pa ma-motivate ko kayo dahil ang pinaka maraming star, siya ang magiging best editorial writer for the week. Ayos ba kayo sa challenge ko editorial writers?" pasigaw niyang tanong sa'min.

Sabay-sabay naman kaming nagsitanguan sabay ngiti.

"Luh? Hindi ba kayo nakakain at puro tango lang? Gusto ko yung sigaw!"

"Ready kami sa hamon mo sir!" sabay-sabay na sigaw naming lahat.

"Dahil ready kayo, pwede na muna kayong mag-meryenda for 30 minutes dahil mag-oovertime tayo ngayon at sisiguraduhin kong dudugo 'yang mga utak nyo!"

Takbo kaming lahat palabas. Nakakagutom din 'yon mamaya panigurado. Kaya nagbili nalang muna kami ni Ate Ricci ng foods and drinks and pumunta sa billeting room namin para mag-relax at ma-ready ang sarili later.

Pagkapasok namin sa room nadatnan namin yung mga cartoonist dun. Napakunot nalang ako ng noo.

Huh? Ang aga pa ha? Bakit wala sila sa training area nila?

"Wala na kaming lecture, pahinga na daw muna kami. At basta makapagpasa daw ng 2 drawings tomorrow then ayos na," paliwanag ni Andrei.

"Luh? Wala namang nagtanong, bakit ka nagpapaliwanag diyan?" nagtataka kong tanong.

He suddenly burst a laugh. "Well, medyo kabisado ko na yung kilos mo Cassandra. Kunot ng noo mo palang nung madatnan nyo kami dito, alam ko ng nagtataka ka kung bakit andito kami at wala sa training area."

"Woah! You know me well pala ha? Then what's my dream job?" I asked him.

"Maging journalist, tapos ako yung artist mo."

"Kapal Andrei ha? Sorry but doctor ang gusto ko."

"Hindi ka naman gusto."

"Argh! Ewan ko sa'yo! Naninira ka talaga lagi ng mood."

"Ikaw ang sumisira, hindi ako."

Nilagpasan ko nalang siya at naglakad na papalapit kay Ate Ricci.

Ayokong masira yung sandaling oras namin kaya kumain nalang ako para may gana ako mamaya.

Watch, then I will make you fall in love with me Andrei. Walang halong biro.

Itutuloy...

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon