Kabanata 9

1K 58 17
                                    

Bumangon nalang ako mga bandang 7 pm at nagpasama kay Christine kumuha ng dinner namin kasi yung iba daw kanina pa kumuha ng pagkain.

Palabas na sana kami pero biglang sumigaw si Isabelle. "Wait lang Cassandra at Christine! Sama ako sa inyo, hindi pa din ako nakakakain eh," paliwanag naman ni Isabelle.

Nagulat naman ako dahil biglang lumayo sa akin si Christine at kinausap si Isabelle.

"Anong meron sa inyo ni Andrei? Alam mo naman na gusto ni Cassandra yun 'diba?!" Singhal ni Christine kay Isabelle.

Umiling na lang ako nung tinitigan ako ni Isabelle. "Hindi ko gusto si Andrei," depensa ko naman.

Kinaltukan ko nalang si Christine nang mahina.

Humalakhak naman bigla si Isabelle.

"Nainis ka ba nung inabutan ako ni Andrei ng sopas kasi akala mo para sa'yo yun? Are you jealous because of me Cassandra?" Tanong naman sa akin ni Isabelle.

Mabilis naman akong umiling. "No, I'm not jealous, ang bata ko pa nga para sa love na 'yan."

She laughed again. "Really Cassandra? There's no age for love."

I'm still silent.

"Hindi nga ako nagseselos!" Sigaw ko pa sa kanya.

"Talaga bang hindi ka nagseselos?" paniniguro ni Isabelle.

Bigla namang dumating si Kuya Jeffrey kasama yung mga kartunista. "Sino yung nagseselos Isabelle?" Tanong naman bigla ni kuya Jeffrey.

Mariin ko namang tinitigan si Isabelle. Mukhang nakuha naman niya yung ibig sabihin ko na huwag niya nang sabihin kung anong pinag-uusapan namin.

"Wala po yun Kuya Jeffrey, nagpa-practice lang po kami ni Cassandra para sa play namin after ng contest," ani Isabelle.

Tumango naman ako at ngumiti para maniwala agad si Kuya Jeffrey at tumawa na lang siya.

"Huwag nyo muna i-stressin sarili nyo nasa contest kayo, wala sa room nyo. I-relax nyo yang mga utak nyo kasi pagbalik natin sa school sunod-sunod mga hahabulin nating lessons," paliwanag ni Kuya Jeffrey.

Pagkatapos ng sermon ni Kuya Jeffrey umalis na kaming tatlo dun. Bigla namang nagsalita si Isabelle. "Kung nagtataka kayo kung bakit ako binigyan ni Andrei kanina ng sopas, the reason is boyfriend ko siya," proud naman na sabi ni Isabelle.

Bigla akong nanigas sa sinabi ni Isabelle. Boyfriend niya pala si Andrei? Kaya naman pala hindi na nakapagtataka na maging sweet sa kanya Andrei. Kaya napatahimik nalang ako pagkatapos niya sabihin yun.

Nagsalita naman si Christine nung nakarating na kami sa canteen. Siya na kukuha nung pagkain ko kaya inantay ko nalang siya sa may labas.

Nawala talaga ako sa mood. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Christine at Isabelle. "Cassandra? Parang nanahimik ka 'ata bigla?" tanong naman bigla ni Christine.

Nginitian ko nalang siya. "Wala Christine, sumakit lang ulo ko bigla," sagot ko naman

"May bumabagabag ba sa'yo Cassandra?" si Christine.

"Or maybe iniisip mo yung sinabi ko sa'yo kanina Cass?" Humalakhak ulit si Isabelle.

Natahimik nalang ako. "Don't tell me naniwala ka talaga sa sinabi ko Cassandra?" Sabi naman ni Isabelle.

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon