ANG SIMULA

11 2 0
                                    

Cover credit to: Zedge.net

Chapter 1

Ang lahat ay nagdidiwang sa loob ng kaharian ng ZANTORIA dahil nanalo ang Pangkat ng tao laban sa Grupo ng mga ORCS sa gawing hilaga na gubat sa THORODAN, malapit sa kaharian ng ZANTORIA.

Matagal ng panahon mula nung mag ka away ang mga tao at ang mga ORCS dahil sa dahilan ng gustong angkinin ng mga ORCS ang lahat ng bansa na kanilang makikita at sa dahilan na hinahanap nila ang Kapangyarihan ng Walang Hanggang Buhay ng Bukal ng VREASHA,
ang balita ng lahat ng nakaka alam dito? kahit isang patak lang mula dito ay makakamtan mo na ang buhay na walang hanggan, hindi ka tatanda at mamatay? At ikaw ay lalakas at magkakaroon ng malakas na kapangyarihan sa lahat ng nabubuhay sa mundo! kaya marami ang naghahangad sa bukal ng buhay at ito'y matatagpuan lamang sa lugar sa loob kung saan nakatayo ang kaharian ng ZANTORIA.

Palihim na nagtatayo ang mga ORCS ng kanilang mga Kuta upang mapalapit sila sa mga tao at madali silang maka sugod. Iniipon ni KHARZUG ang mga tauhan nya at sa gabi ay magpaplano ng malaking Pagsugod laban sa kahiran ng mga tao.

Ang ZANTORIA ay isang maganda, malaki at maaliwalas na kaharian na pinamumunuan ng Hari na nag-ngangalang GIRART at May sandatahang kawal na umaabot sa isang daang libo.

Bawat isang Batalyon ay may dalawampu't limang libong kawal at pinamumunuan ng isang pinuno, at nahahati ito sa apat na batalyon, ang apat na batalyon na iyon ay May isang pinaka mataas na namumuno at ang Namumuno dito ay si ARKAN.

Si ARKAN ay isang Makisig at Malakas Punong Pinuno, madami na syang pinagtagumpayang laban, ang mga laban sa mga mananakop ng kaharian.

Hindi sya tumatalikod sa hamon ng panahon at handang ipagtanggol ang Hari at ang kaharian ayon sa sinumpaang tungkulin sa kanya. Siya ay may asawa ito ay si MIRIELA, at anak nila si ARAMIZ.

HARING GIRART ang Hari sa Kaharian ng ZANTORIA, isang magaling, magiting at malakas na hari. Lahat ng tao na kanyang nasasakupan ay nagpupuri dahil isang magiting na hari at handang itaya ang buhay para sa bayan.

Si ARAMIZ ang anak ni ARKAN at MIRIELA, isang magiting na bata, pangarap nyang sumunod sa yapak ng kanyang magiting na ama, ngayon pa lamang ay nagsasanay na sya upang magaling na mandirigma.

Isang hapon sa kaharian ng ZANTORIA ay nagpatawag ng Pagpupulong si ARKAN sa lahat ng pinuno ng bawat batalyon, upang sabihin na lihim silang Magpapa trolya sa Silangan ng kaharian nito, ngunit madaming Naka ambang panganib sa kanyang plano? Sinabihan nya ang mga pinuno ng bawat batalyon na magdadala lang sya ng tamang mga bilang ng sundalo dahil alam nya naman na hindi pa nakakapasok ang mga Kawal ng mga Orcs sa bandang yun kaya't walang dapat ipag alala, ngunit nag sabi ang isang pinuno sa unang batalyon.

"Pinunong Arkan! Lubhang mapanganib ang iyong pinaplano? Kung di man mga grupo ng ORCS ang iyong maratnan duon? ay baka may mas malalakas at malalaki pang halimaw tulad ng mga TROLLS o di kaya'y mga DRAGON?" ang sabi ng pinuno sa unang batalyon.

"Hindi kami natatakot?" "Wala ka bang tiwala sa iyong mga tauhan?" "Napaka dami na nating napagtagumpayang laban sa bawat panahon? Ngayon ka pa ba mawawalan ng tiwala?" Ang sabi ni Arkan.

"Ngunit di sa ganun aking pinuno? Napaka dilim sa lugar na yun? Ang mga Halimaw ay sampung beses ang lakas kumpara sa tao kapag dumako na ang gabi ? At ngayon pa lang ulit tayo susubok sumugod na mag patrolya sa gabi! Kung aking maalala ay Pitong taon na ang nakakaraan nung tayo'y manalo laban sa mga halimaw na LEVIATHAN? Hindi na ulit natin nagawa yun pagkatapos nung mga panahong iyon? Aking pinuno? at kanina sa mga ORCS ngunit maliwanag pa kanina! Ang sabi ng pinuno ng unang batalyon

"Huwag kang mag alala dala natin ang apoy ng sulo na kinuha pa natin sa Bulkan ng mga Taong Ibong galing sa mga lahi ng HARPIES ito ang magsisilbing ilaw dahil ito ay kinakatakutan ng lahat ng Halimaw sa gubat!" Ang sabi ni Arkan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ARAMIZ (On - Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon