"I'm sorry, anak." Hinaplos ni Mama ang aking pisngi at pinagmasdan ang aking kabuuan. Napahinto ang kaniyang tingin sa aking kaliwang braso kaya kaagad akong gumalaw.

"Goodness gracious. I'll make them pay for this," bulong niya nang mahalata.

Napabaling naman ako sa gilid nang lumapit si Papa sa akin, kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Sorry, anak. Hindi ko nagawang protektahan ka kahit na narito na ako. It felt like I failed again as a father."

Hindi ko siya matingnan nang matagal at diretso dahil naririnig ko ang boses ni Chelsea noong gabing iyon. Hindi pa rin magsink-in sa akin na may anak si Papa sa iba.

Yumuko ako. "Okay lang po." Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.

"Let's go," anila.

Nakarating na kami sa Clark High at papasok na sa drive way patungo sa loob ng eskwelahan nang naalala ko si Kuya Shan. Ang hirap isipin na ang kagaya niya ay may masama palang balak sa 'kin. Sa totoo lang ay itinuring ko na rin siyang parang nakatatandang kapatid ngunit ang tingin niya sa 'kin ay isang kaaway.

"Kuya, si Kuya Shan saan?" tanong ko kay Kuya na nasa tabi.

Nagkasalubong ang kilay nito ngunit napabuntonghininga rin bago sumagot. "Nasa usual spot niya, bakit?"

"Pakisabi sa kaniya na sumunod siya sa conference hall. Doon ba tayo, Lolo?" tanong ko at bumaling kay Lolo.

Nagtataka man ay tumango siya. "Why?"

"You'll know."

Ang akala ko pa naman ay ma-i-enjoy ko ang isang linggong break, pero ito ako at nakaupo sa isang swivel chair. P'wede naman akong umabsent at magsabi kay Lolo pero s'yempre hindi ako ganoong tao, kahit ngayong alam ko na si Lolo ang may-ari nitong eskwelahan ay hindi ko gagamitin ang kapangyarihaN para gawin ang kung anong gusto.

Gusto kong maging normal lang na estudyante gaya noong hindi ko pa nalalaman ang lahat ng ito.

Inilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto at napansing puro puti at itim lamang ang gamit. May mga painting na nakasabit sa gilid at malinis ang lugar. Puti ang mahaba at malawak na lamesa na nasa gitna may swivel chair na nakapalibot at sa harapan ay may projector at isang white board sa gilid.

Sa pinakagitna naman ay isang babasaging lamesa at upuan. Binasa ko ang nakalagay sa gitna ng lamesa. Mr. Owen Clarkson Reistre. Chairman of Clark High.

Napabaling ako kay Lolo na nakaupo doon nang magsalita ito. "Ang kapal naman ng mukha, sila na ang may atraso sila pa ang late! Aba'y walang hiya, hindi ba nila kilala ang pinaghihintay nila?!"

Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay ring napalingon nang bigla na lang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Chesca, Chelsea, Kuya Shan, Dean Hisman, may isa pang lalaki na hindi ko kilala ngunit base sa suot niyang suit at brief case na hawak ay marangal at mataas siyang tao.

Si Chelsea ay confident na humakbang at nakangiti pa. Napalingon din ako kalaunan kay Papa at Mama na pareho nang laglag ang pangang sinundan ng tingin si Chelsea.

Magkatabi si Kuya, Mama, at Papa sa kanang bahagi ng lamesa habang silang tatlo naman ay umupo sa kaliwa at nakaharap samin. Naupo na rin sina Dean Hisman at ang lawyer sa bandang gilid ni Lolo.

"Bakit narito ang guard?" tanong ni Lolo.

"Ari asked for him, Lolo," si Kuya.

Napabaling naman silang lahat sa 'kin.

"He's one of them," walang kabuhay-buhay kong sagot at nahuling nakapukol sa akin ang nanlilisik na mata ni Chesca.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now