"Yun lang? Amoy lang ng perfume?" Pang-uusisa ni Tracy.

Tumango naman si Ayesha at hinintay na sumagot ang kaibigan.

"Ano naman ngayon kung parang mamahalin. Pwede naman siyang bumili sa gilid gilid or di kaya magorder siya sa Shopee makakabili ka naman ng pabango na kaamoy nung mga imported."  Saad naman ni Tracy.

Oo nga naman! Pwede naman kasing ganun nga ang nangyari, bat ba kasi parang naging big deal to sakin? 

Eh ano namang pakialam ko sa pabango niya?

"Yah. Your right baka nga ganon. Anyways yun lang naman " pagkasabi niya nun ay agad namang tumayo si Ayesha para magpunta sa swivel chair niya ng magsalita nag kaibigan

"Bakit? Hindi ba siya mawala wala sa isip mo?" Tanong ni Tracy.

"Yung amoy ng pabango?" saad pa nito.

"Pag ba may naamoy kang ganoong klaseng pabango ay maalala mo si Mr. Green Eyes? Hmm?" makahulugan at mapanuksong tanong ni Tracy sa dalaga.

Bahagyang natawa si Ayesha dahil sa sunod-sunod na tanong ng kaibigan.

Yun ba?  Yun ba yung dahilan ko? 

Kaya nagawa ko pang magtanong sa kanya?

Hinarap naman ni Ayesha ang kaibigan at ngumiti ng sarkastiko.

"Magtrabaho ka na nga lang! Wag mo akong guluhin!" saad naman ni Ayesha bago naupo sa kanyang swivel chair.

Muli niyang ibinaling ang tingin sa kaibigan at nginitian ito. "May meeting din pala ako mamaya. Pwede bang ikaw nalang pumunta?" nakangisi nitong saad.

"Nakalimutan mo na bang ikaw ang nagpatawag sa akin dito? Technically ikaw ang nangulo sa akin." taas noong saad ni Tracy. "Tsaka sino ba yang ka meeting mo? Gwapo ba?" saad pa nito.

"Oo. Gwapo siya." saad naman ni Ayesha.

"Hapon eh. Gwapo ba si Mr. Noz---" hindi na niya natapos ang sasabihin at natawa na lang sa reaction ng kaibigan

"No! A big No!" Umiiling iling na saad ni Tracy with matching cross arms pa.

"Ikaw ang pumunta ayoko makita yung hapon na yun" sabay walk out ni Tracy palabas ng kanyang opisina.

Natawa nalang si Ayesha sa inasal ng kaibigan at nagpatuloy nalang sa pag trabaho. Nang dumating ang lunch time ay naisipan ni Ayesha nasa cafeteria nalang kumain instead na sa loob ng opisina niya para makapag surprise inspection din siya by department after niyang kumain.

Hindi naman nito palaging gawain ang mag inspection sa mga department pero dahil isa lang naman ang meeting niya at mamaya pa yun kaya isiningit nalang niya ito sa schedule niya.

Sinimulang maginspect ni Ayesha sa HR department, board of directors at maraming pang department hanggang sa napadpad siya sa Maintainance Department.

Pagkapasok mo ay bubungad sayo ang loob ang isang simpleng office setting. 

May couch, mini table, at isang long table kung saan doon pwedeng kumain ang mga nagtratrabaho. Mayroon din itong comfort room at maliit na lavatory at locker room for boys and girls dahil may Utility workers din silang mga babae pero may mga edad na.

Naabutan niyang naguusap usap ito nang makita siya ay napatigil ang mga ito at isa-isang bumati sa kanya. 

Napansin din niyang nakatingin sa kanya si Mr. Green Eyes kaya umiwas siya ng tingin

"Good afternoon po, Ma'am. Napadaan po kayo?"tanong sa kanya ng supervisor

"Ahm... I- Im having an inspection for every department po kaya dinaan ko nalang din po dito. Kamusta po ang mga feedback sa mga empleyado?"

Therapeutic CureWhere stories live. Discover now