"Tangina!" sigaw ko sa kanya. Parang may anong namuo sa aking sistema. Galit! Sobra sobrang galit.

"Tangina!" sigaw ko ulit hanggang sa umiyak. Sobrang sakit, sobrang bigat ng dibdib ko.

Naikuyom ko ang kamao ko. Gusto kong magwala. Gusto kong manuntok, gusto kong sumigaw dahil sa sobrang sakit. Hindi ko kaya, gusto kong ilabas ang galit ko. Ngunit imbes na magkaroon ng lakas para magawa iyon ay mas lalo akong nanghina. Para akong hihimatayin, para akong malalagutan ng hininga.

"Sabi nila sa akin patay..." halos pabulong ng sabi ko. Wala na akong lakas.

Ramdam ko ang paninitig ni Kenzo sa akin. Hinarapan ko siya. Hinawakan ko ang kamag niyang nakahawak sa aking magkabilang tuhod. "Mahal na mahal ko ang anak natin, hindi ko gagawin iyon!" sabi ko, halos magmakaawa.

"Hindi ko gagawin iyon. Ang sabi nila patay..." paulit ulit na sabi ko. Halos mawala ako sa katinuan.

Nakita ko ang galit sa mga mata ni Kenzo. Mas lalo akong napahagulhol ng hilahin niya ako at yakapin.

"Hindi ko iyon ginawa...hindi!" paulit ulit na sabi ko sa kanya. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Halos araw araw akong namamatay. Sobrang sakit!" sumbong ko sa kanya. Para akong batang nagsusumbong sa kanya.

"Kenzo...ang baby ko!" hagulgol ko. Mas lalo niya akong niyakap. Narinig ko din ang iilang mura niya.

"Buhay si Kianna" madiin niyang sabi. Halos malukot ang damit niya dahil sa pagkakakapit ko.

"Niloko nila ako! Niloko nila ako!" sigaw ko. Gigil na gigil ako. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa oras na makita ko si Daddy at Ate. Gusto kong gumanti, gusto kong manakit.

Mas lalo akong nanghina, hanggang sa ang buong bigat ko ay napunta na kay Kenzo. Bigla akong nawala sa katinuan ko, napatitig na lamang ako sa kawalan habang patuloy pa din ang pagagos ng aking mga luha.

"Pagbabayarin ko ang gumawa nito" madiing at galit na sabi ni Kenzo. Wala na akong pakialam. Halos hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko, ang ramdam ko lang ay ang yakap niya sa akin.

Tumahan na ako. Pero naiyak ulit ng paulit ulit kong inirerehistro sa sarili ko ang mga sinabi ni Kenzo. Ang anak namin? Buhay? Sa loob ng halos pitong taon matapos kong manganak ay malalaman kong buhay siya? Halos magpakamatay ako makasama ko lang siya. Paano nga kung natuluyan ako nung mga panahong iyon? Mas lalo lang kaming hindi magkakasama? Mas masakit iyon.

"Mahal ko siya, Kenzo. Mahal na mahal..." paninigurado ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

"Igaganti kita. Hindi ako makakapayag!" galit at madiing sabi niya. Sumumsob ako sa kanyang leeg at duon umiyak. Iniyak ko ang lahat ng sakit, wala na akong pakialam. Pinaghalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil buhay ang anak namin, malungkot dahil wala ako sa tabi niya habang lumalaki siya. Ipinagkait iyon sa akin.

Nang makabawi ng lakas ay kaagad akong humiwalay sa kanya. Kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha. "Gusto ko siyang makita..." pakiusap ko.

Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi. "Akala ko ayaw mo sa amin" malungkot na sabi niya.

Marahas akong umiling. Bumagsak ang mga mata ko sa sahig. "Gusto kong umuwi dito nung nalaman kong buntis ako. Pero hindi ako pinayagan ni Daddy. Uuwi ako sayo kasi magkakababy na tayo, pero..." hindi ko na naituloy ng muli akong hinila ni Kenzo para yakapin. Walang kapaguran ang luha ko, patuloy pa din ito sa pagtulo.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now