CHAPTER EIGHT

5 1 0
                                    

Today is Sunday so I decided to go to church. Nakasanayan ko nang mag simba tuwing linggo dahil sinanay ako ni Mama, dapat daw lagi tayong mag simba tuwing linggo dahil iyun na nga lang daw ang araw na hinihingi sa atin ni Lord for us to be united to pray for ahim. Also we should always went to church every Sunday to give thanks to the Lord for the past week he gave to us.

Simple lang ang suot ko ngayon, I'm just wearing a simple white dress that falls down upto my knees, I paired it with my sandals and I just let my hair falls down naturally.

Nag aabang na ako ng Jeep na parating ng biglang may kumalabit sa akin, agad naman akong lumingon pero wala namang tao doon at nung pag harap ko ay muntik na akong atakihin ng makita ko si Sean sa harap ko na tumatawa. "Ano ba Sean ginulat mo naman ako" sabi ko kay Sean sabay hampas na din dahil sa sobra kong gulat. Patuloy pa din naman siya sa pagtawa.

"Ano ba ang gingawa mo dito?" Tanong niya sa akin makalipas ang ilang sandali.

"I was waiting for the jeep, I'm going to church" sabi ko naman. "Really, I was going to church too, gusto mong sabay na tayo?" Alok niya pa. "Talaga nag sisimba ka?" Pang iinis ko pa sa kaniya, mukha namang gumana dahil bigla siyang napabusangot. "Kala mo naman sakin, di nag sisimba?" Tanong pa niya sakin habang nakasimangot pa rin. Napatawa naman ako dahil ang cute ang itsura niya. "Binibiro lang kita, sige sabay na tayo" bawi ko naman sa kaniya, agad naman siyang napangiti sa sinabi ko.

Maya maya pa ay may dumating nang jeep kaya agad na kaming sumakay. Nang makasakay na kami ay agad na siyang nag bayad ng pamasahe kaya napatingin ako sa kaniya. " ang epal mo naman ako dapat ang mag babayad ng pamasahe e" reklamo ko sa kaniya. Dapat kasi ako ang mag babayad ng pamasahe namin, dahil madami nang beses niya akong nilibre. Baka mamaya sabihin niya umaasa lang ako sa libre niya. "Don't worry it's okay" naka ngiti niyang sabi kaya naman napa 'okay' nalang din ako.

Nang makarating kami sa simbahan ay agad na kaming umupo sa may upuan dahil baka maubusan pa kami ng upuan. Buong misa ay wala kaming kibuan ni Sean dahil busy kami sa pakikinig kay Father at sa Homily niya..........

Nang matapos ang misa ay sabay na din kaming lumabas ni Sean.

"Gusto mo bang kumain muna tayo?" Nagulat naman ako dahil bigla niya akong tinanong noon dahil ang akala ko ay uuwi na kami.

"Sa naman tayo kakain?, at tiyaka ayoko nang ilibre moko ha nakakahiya na" sabi ko pa sa kaniya. " Okay sige, sa Mc Donalds na lang tayo" matawa tawang sabi niya. Pumayag naman akonh sa McDo nalang kumain kaya agad na kaming pumunta doon sa McDo at agad nang umorder sa may counter pagkatapos ay umupo na sa table na pang dalawahan.

"Favorite mo ba dito sa McDo?" Tanong ko sa kaniya pag ka upo niya. "Yah" sabi niya habang kumukuha na ng fries. "Eh sa Jollibee?, ayaw mo don?" Tanong ko naman sa kaniya. "No, gusto ko din sa Jollibee masarap kasi ang chicken nila at burger, pero madnakasanayan ko lang na sa McDo kumain dahil sa States ako lumaki" Sabi pa niya, nagulat naman ako dahil ngayon ko lang nalaman na sa States pala soya lumaki. "Really sa States ka lumaki?, buti sanay kanang mag tagalog" namamanghang sabi ko sa kaniya. Humigop muna siya sa coke niya bago mag salita. "Kahit naman kasi sa States kami lumaki, nag tatagalog padin naman sila Mommy at Daddy, gusto kasi nilang matutunan din naming mag salita ng Tagalog, thats why" paliwanag niya sa akin, napatango naman ako sa paliwanag niya habang kumakain na din ng Burger.

"Anyway, what's with your post on IG?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya, kagabi pa kasi ako binabagabag ng post niya na yun.

"What do you think?" Tanong niya naman sa akin. "I think iyon yung reply mo sa chat ko kagabi?" Diko sure na sabi sa kaniya. Iyun nalang ang sinabi ko sa kaniya ayoko naman kasing mag assume na may ibang meaning yung post niya na yun, baka mapahiya pa ako. Bigla naman parang naging seryoso si Sean kaya tumahimik na din ako............Ang weird niya naman bigla nalang naging seryoso, may nasabi bakong mali?..............






When 143 Turns To 153Where stories live. Discover now