CHAPTER THREE

21 7 0
                                    

" Ikaw na naman?" Di ko mapigilang sigaw ng makita na naman ang lalaki na ito. Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

' Hayys, bat ba lagi ko nalang nakikita ang lalaking ito ? '. Tanong ko sa sarili ko.

"Hoy, iyan ang upuan ko kaya umalis ka diyan ngayon din, aagawan mo na naman ako ha, pero sorry ka dahil diyan talaga ko naka upo kaya aliiis" pataray kong sabi sa kanya.

Bigla naman siyang tumayo mula sa may upuan niya at lumapit papunta sa direksyon ko. Kahit medyo malayo pa siya ay naaamoy na ang mabango niyang pabango. 'Shit, ang bango niya' sabi ng utak ko. Napailing naman ako dahil sa naisip ko......Dahil patuloy pa rin siya sa pag lapit ay napaatras ako.

"Hoy!, anong gagawin mo san ka pupunta diyan ka lang wag ka lalapit" nagpapanic na pahayag ko dahil kumakabog na naman ang dibdib ko tuwing malapit siya sa akin. Parang natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Hayys Ayan na naman siya tumatawa na naman kahit alang nakakatawa.

Dahil di siya kumibo at patuloy pa rin sa pag lakad papunta sa direksyon ko ay napa-upo nalang ako bigla habang nakayakap sa tuhod at naka pikit ang mata ng mariin dahil sa kabang nararamdaman...... Maya maya pa ay narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Agad ko naman binuksan ang mata ko at nilibot ang paningin sa buong room para sana tignan kung ano ang pinag tatawanan nila pero lahat sila ay naka tingin sa akin.

Hinanap ng aking mata ang dahilan kung bakit ako na pa upo dito  at nakita ko siya sa likod ko naka upo na siya doon sa silya. Mababakas mo na natutuwa siya sa nangyayari " Shit, Sabrina apaka assuming mo naman, uupo lang pala yung tao don sa upuan e, diba nga pinapaalis mo doon sa upuan kanina ?" Mahina kong bulong sa sarili ko.

"Ms. Pineda what are doing there?" Nagulat ako dahil andyan na pala ang Proffessor namin sa accounting. " Uhh, nothing Sir I just pick something on the floor hehehehehe" palusot ko. "Oh, okay go to your sit" kibit balikat na sabi niya.

Agad akong tumayo at pumunta na sa aking upuan, habang naglalakad ay diko maiwasang tignan si Mr. Epal na nag pipigil ng tawa. ' Enjoy na enjoy ha' sabi ng isip ko. Tumingin din ako sa mukha ng iba kong kaklase at mababakas mo din na pinipigilan lang din nila tumawa. Bigla naman akong nahiya kaya tila nag kulay kamatis ang aking mukha dahil sa hiyang nadarama. 'Nakakhiya ka talaga Sabrina' komento ng isang bahagi ng isip ko.

Nang makaupo na ako ay nag simula na ring mag turo ang aming Proff. Napatingin naman ako sa gawi ni Mr. Epal, nakikinig siya ng mabuti sa Proff namin. "Kala mo naman kung sinong mabait,hmmmmp plastik" bulong ko.' 'Ano ba kasi ang ginagawa niyan dito Accounting din ba kinukuha niya?' Tanong ng isip ko.

" Miss Pineda, ako ang nag sasalita hindi si Mr. Collins dito ka timingin" . Nagulat naman ako dahil bigla kong tinawag ang pangalan ko kaya napa ayos ako bigla nang upo. Nagtawanan na naman ang mga kaklase ko habang ang iba ay nag 'Ayiiiiiieeee' dahil nahuli kong naka tingin ng Proff ko kay Mr. Epal.

Tinignan ko naman siya at nakita kong naka ngisi lang siya.

'Hay, ano ba yan Sabrina, anong kahihiyan pa ang gagawin mo?'. Tanong ko sa sarili ko.

Nang humupa na ang tawanan ay nag patuloy na ulit ang Proff. sa sinasabi niya.

" Can I continue the discussion Ms. Pineda" sabi ng Proff ko,  napa tango at napangiti lang naman ako ng hilaw bilang sagot.

"So like I said earlier When there is Business there is Accounting. So the reason why there are some unfamilliar faces in your classroom now is because Me and the head of Business Department decided to team up for a project ". Sabi ng aming Proff. Nag hiyawan naman ang iba naming kaklase dahil sa excitement na nadarama dahil may makaka sama kaming taga ibang Department.

When 143 Turns To 153Where stories live. Discover now