CHAPTER SIX

6 2 2
                                    


Spell KAHIHIYAN, S.A.B.R.I.N.A


Grabe hanggang ngayon ay di pa rin ako makali dahil kanina ko pa iniisip kung ano ang idadahilan ko kay Sean mamaya pag tinanong niya ako.


" Kung wag nalang kaya ako pumasok ngayon" suggestion ko sa sarili ko.


" Kaso hindi pwede may quiz nga pala sa accounting ngayon" pag kontra ko din naman.


" Eh kung magpanggap nalang kaya akong diko alam"


" Kaso tiyak na mamumula lang ako pag naalala ko na naman yon, mahahalata niyang nag sisinungaling ako"


" Eh, kung sabihin ko kaya na kaya ko nilike yon kasi gusto ko lang mang trip"


" Hay sino bang niloko mo Sabrina"


Para lang akong tanga na paikot ikot dito sa kwarto ko dahil diko alam ang sasabihin kay Sean pag nakita ko siya sa school.


" Hay bahala na nga si Batman" pagsuko ko pa.


Medyo nagpalate ako ngayon dahil ayaw kong maka sabay si Sean. Mas mabuting medyo malate ako para simula agad ng klase para di niya na ko tanungin. I'm just wearing my usual attire. Skinny jeans with yellow top and a pair of white sneakers. I headed straight to my first class since I was a little bit late. Nang makarating ako sa classroom ay wala pa naman ang professor namin sa Finance kaya umupo na agad ako sa designated seat ko.


Matulin lumipas ang oras at naka ilang subject na din kami, buti nalang last subject pa yung accounting kaya diko pa nakikita si Sean.


Dumiretso ako sa may cafeteria nung breaktime dahil di ako nakapag lunch kanina dahil naging busy ako sa pag isip sa ipapalusot ko kay Sean. Speaking of Sean buti nalang at diko pa din siya nakikita.


I was about to order my food when someone stood beside me. Napalingon naman ako agad dito at agad pinag pawisan ng malapot ng makitang si Sean ang nakatayo sa gilid ko. He's wearing a color blue hoodie while his hands are both tucked in both side of his pocket. Nakatayo lang siya diyan pero animo'y brand ambassador na siya ng hoodie na suot niya.


" Anong ginagawa mo dito?" Patay malisya kong tanong. " Kakain, I guest?" Cool niyang sabi, napatango naman ako dahil sa sinabi niya.


Nang maka order nang pagkain ay kala ko aalis na si Sean pero sumunod pa rin siya hanggang sa table na napili ko. Agad naman akong napatingin sa kaniya. " Uhm, tabi na tayo ala na kasing bakante" depensa niya agad. Nag kibit balikat nalang ako bilang sagot sa kanya. Syempre dapat di ako magpa halatang concious ako ng di ako mabuking.


Sa buong oras na kumakain kami ay naawkwardan ako dahil hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang post sa facebook niya. Buti nga di pa niya inoopen yung topic na yun kasi ala pa kong alam na isasagot doon.


"So mahilig ka pala talaga sa pandesal?" Nasamid naman ako sa iniinom ko na soda ng bigla niyang naitanong iyon. Agad ko naman pinunasan ang bibig ko ng tissue pati na rin ang pantalon ko na nabasa ng konti dahil sa aking pagkakasamid. Tinignan ko ng masama si Sean at nakita kong naktingin lang siya sa akin habang naka ngisi. " Shit, nakita niya nga' sabi ko sa isip ko.


"Oo, mahilig ako sa pandesal diba nakita mo naman, sabay pa nga tayong bumili e". Patay malisya ko nalang na sabi kahit na alam ko naman kung anong pandesal ang tinutukoy niya. Napag desisyunan ko nalang na mag panggap na diko alam na nalike ko yung topless post nya 2 years ago, 'hay sana lang mag work'.


"So, ano gusto mo sa pandesal?, yung matigas at mainit pa o yung malamig na?" Hirit pa niya habang nakakalokong naka ngisi. Nanadya talaga tong lalaki nato kala mo naman aamin ako. NO WAY.


When 143 Turns To 153Where stories live. Discover now