32. Kitten

2.8K 139 23
                                    

32.
Kitten

━━━━━━━

He slept like a baby. Humihilik nang kaunti at paminsan-minsan ay humuhugot ng malalim na hininga mula sa kaibuturan niya.

Dahan-dahan kong pinatong ang pisngi sa katabing unan habang nasa kanya pa rin ang buong atensyon.

I wanted our child to have his eyes and nose. Probably even the lips. She, as we assumed it to be, would be gorgeous as her father. Nakakasilaw ang ngiti. Masayahin at nag-iiwan ng galak sa bawat mapupuntahan.

Carefully, I touched his face with my fingertip. He didn't stir or anything which cajoled me to move to his nose. I smiled when I felt the bump he was referring to the last time he talked about his insecurity. Magaganda raw ang ilong ng mga kapatid niya at sa kanya lang ang naiiba.

Bakit ba ayaw nating maiba? Not all difference or peculiarity is bad. Sometimes being different is beautiful. A revolution against the norm.

"Mahal kita . . ." He said hoarsely, still asleep and at peace.

And to my amusement, he held my hand touching his face and put it under his cheek. I smiled, finding him cute.

"Rio . . ." He moaned cutely.

"What?" I cooed at his sleeping form.

His brows furrowed. Bahagyang naiipit ang bibig niya kaya nakausli ang mga labi niya nang kaunti. Bumuntong-hininga ako saka inalis ang nahuhulog na buhok sa kanyang noo.

Napakasuwerte ng mapapangasawa niya. Napakasuwerte ng anak namin sa kanya.

"What is it?" Untag ko nang hindi na siya magsalita. "Bakit mo hinahanap si Rio?"

I probably looked stupid right now.

"Maganda siya . . ." Usal niya.

It felt like a layer was peeled off of me. Mas dinama ng kanyang pisngi ang kamay ko na tila iyon ang apoy sa gitna ng nagyeyelong kapatagan.

Mas maganda ka at ang puso mo, Iñovyz.

Someday, everything would be worth it. Hindi man ako ang inilaan para saiyo, alam kong itinadhana ka sa mabuting tao. Dahil mabuti ka. Ang mabuti, mas minamahal. At ang mas minamahal, binibiyayaan ng magagandang bagay.

Months passed like a whirlwind of romance cut by sudden incompatibility. Lumobo na nga nang tuluyan ang tiyan ko at kinumpirma sa buong mundo ang pagdadalantao ko. Maraming adjustment, lalo na at talagang full-blown na ang pag-iinarte ng hormones ko. Hindi na ako basta makayuko. Mornings felt like a sentence to death. Iyong mga pinag-aralan ko lang dati sa libro, nangyayari ngayon sa akin.

God, sweetie. Please come out fast.

"It's a girl."

Nagkatinginan kami ni Iñovyz. Namilog ang mga mata niya at mayamaya pa, naningkit na ang mga iyon sa abot-abot na pagngisi niya. I glared at him totally disappointed.

"We'll go with the name, huh," aniya sabay marahang siko sa akin pagkalabas na pagkalabas namin sa clinic. Then, he touched my bulging belly. "Ayo, Taylor!"

Harder to Live (Villaraza Series #3)Where stories live. Discover now