29. Palagi

3.4K 170 50
                                    

29.
Palagi

━━━━━━━

"Who's that guy you're with? Hindi ba, Villaraza 'yan? Kapatid ni Iñigo?"

Sinulyapan ko si Iñovyz na ngayon ay abala sa pakikipaghuntahan sa ibang bisita. Hindi ako sigurado kung kilala niya ang mga kausap. Pero kung hindi, hindi na rin iyon nakapagtataka. His social skills were top-tier.

Nagtagal nang kaunti ang tingin ko dahil bagay sa kanya ang suot na itim na gray turtleneck na pinaimbabawan ng kulay itim na pea coat. Puting-puti naman ang kanyang pantalon na pinarisan niya ng makikintab at maiitim na sapatos. His brushed up artificially brown hair showed the proportions of his face. Ang maiitim niyang mata ay kinubli niya sa pares ng kanyang salamin na alam kong pamporma lamang.

Dinaig niya pa iyong groom sa kaguwapuhan.

Hindi sinasadyang bumalik na naman ang alaala ko noong nakaraan. Noong nakinood ako sa K-drama na pinagkakaabalahan niya. Mabuti na lang at kinabukasan noon umakto siyang parang walang nangyari. So far, everything was normal between us. Except for that night.

Hindi ko na siya aasarin nang ganoon. Nakakatakot pala siya mapikon.

"Oo," malamig kong tugon sabay simsim sa juice na hawak.

Tumango-tango naman si Ruth sa sinabi ko.

She kept me entertained since our former classmates obviously didn't want me around. It was okay, though. Hindi ko rin naman sila gusto kaya patas lang din. Ayoko sana siya rito dahil siya ang center of attention pero masyado siyang makulit. Ayaw niya raw magmukha akong kawawa lalo na at siyang-siya na ang kasama ko sa pakikipagharutan sa iba.

Ruth tied the knot today. Hindi naman talaga ako dadalo pero heto ako ngayon. Siguro umepekto rin iyong pagpapaawa niya sa akin noong nakaraan. Hindi ko alam.

"Boyfriend mo ba siya?" Maligayang tanong niya sa akin.

Pinigilan ko ang matawa. Boyfriend?

Pero, teka. Hindi ko rin naman alam kung ano kami ng batang iyon. Were we even friends? No. I didn't consider him as one. Perhaps . . . Lessee-sublessee relationship? Ah, seriously. Hindi ko alam kung ano kaming dalawa.

Mabagal akong umiling. She gazed at me wide-eyed.

"Friends with benefits? Fuck buddy, ganu'n?"

I couldn't believe her. "No."

"Eh ano? Knowing you, hindi ka magdadala ng kung sino rito. He must be really close to you."

Yeah, we got too close. Too close that I was bearing his child.

Hindi na lang ako umimik. But she took it as something to mull over. Pangisi-ngisi siya sa akin mayamaya.

Everybody was enjoying the party. Iniwan din ako ni Ruth para pagbigyan ang ungot ng mga tao na magsama silang mag-asawa. Her groom was indeed from an affluent family. Pamilya ng mga politiko at negosyante.

She chose wisely.

"Sige, sige. Ia-accept ko agad."

Ibinaling ko ang atensyon kay Iñovyz, na ngayon ay may kausap na babae at maligayang-maligaya. Nag-uusap yata tungkol sa pag-send ng friend request at pag-accept niya dapat agad.

Harder to Live (Villaraza Series #3)Where stories live. Discover now