Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid

Start from the beginning
                                    

"Nice, mukhang ang saya mo na ulit kuya mula nung nawala si kuya Migs."

"Kumusta na pala? San ka ba ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nagtatrabaho ko dyan sa malapit, tapos dun pa rin ako umuuwi kila sister. Kapag weekends naman, tumutulong ako sa orphanage."

"Ohh, kayo yung nasa foundation nila Vice?" Pinanturo pa ni Vhong yung tinidor nyang may nakatusok bago ito sinubo.

Muka namang sya okay lang pero yung isa naming kaibigan nagiging interesado pa lang.

"Yes po."

Natawa naman ako dahil sa po nitong kumag na 'to.

"Isang po mo pa masasapak na kita."

"Sabihin mo sorry." Utos ko sa katabi ko

"Sabihin mo lang, salamat shopee!" Sabi naman ni Vhong

Nalito naman ako.

"Gago!" Medyo buong buo na mura ni Ion kay Vhong. Nag-high five pa sila na akala mo matagal na magkakilala.

"Uhm, wala ba kumuha sayo nung bata pa tayo? Nung huling punta ko na kasama si Miguel, sabi ni sister may kumupkop na raw sayo."

"Ah oo, kaso wala na sila e. Naaksidente. Buti nga buhay pa ko e. Hahaha. Pag masamamg damo talaga di agad namamatay."

"Ahh, sorry."

"Sus. Matagal na yun kuya, mga 10 years ago na siguro. Nagdecide ako na sa orphanage na talaga ko. Nakakatulong pa ko di ba?"

Napatango na lang ako.

Marami pa kaming napagkwentuhan, pinipilit pa rin ni Ion na kuhanin number ni Jaki. Suplada pa rin sya kapag ganon. Pero nakikipag-usap naman.

"So pano? Sa susunod ulit?" Paalam ni Ion sa amin.

"Sure, daan ka ulit dito. Madalas kami rito. Kapag wala tanong mo lang si Troy, yung nasa counter."

"Sige kuya, salamat ah? O sya, miss gandang masungit, see you ulit." Sumaludo pa ito at nakipagkamay kay Vhong.

Palabas siya ng pinto pero bago siya ay may pinauna naman siyang babae.

Ilang tao pa ba sa nakaraan ang makakasalamuha ko ngayong araw?

Ngumiti si Ion sa kanya dahil siguro nagpasalamat.

Hinintay ko ang susunod niyang gagawin. Nakita kong sumulyap siya sa direksyon kung nasaan kami pero agad din naman siyang umiwas ng tingin. Kasama ko pa rin yung dalawang hanggang ngayon ay nagtatalo o dapat ko ba sabihin na nag-aaway dahil para silang batang may mapag-awayan lang.
Pinanood ko naman sila kung paano mag-away hanggang sa tumayo si Jaki, akala ko pa ay pupunta ulit ito sa counter para magserve, pero para lang nya akong kinausap gamit ang mata para umusad para lumayo dahil baka makapatay pa siya ng tao(?) Oo tama. Baka makapatay siya ng tao. Iba na kasi ang aura niya. Kaya't dali-dali na rin akong umusad ng pwesto para sa akin siya tumabi.

"Jaki, crush mo ba si.."
"Alam mo! Pwede ba tigil tigilan mo ko!" Medyo napalakas naman niyang sabi.
May ilan ding napatingin sa amin. Kaya't nagpasya na akong umuwi na lang sa unit.
"Alam mo Vhong, uuwi na lang siguro kami ni Jaki, kasi mukhang bored ka kaya ka nagkakaganyan."
"Alam mo Vhong nyenyenye." Pagmamake face pa niya.
Lord bakit po ba ganito kaibigan ko?
Seryoso na ko sa uuwi na talaga kami dahil hindi rin ako makapagtrabaho sa environment kapag ganto sila kasama.
Hindi ko rin naman kasi maintindihan bakit napakainit ng ulo nitong si Jaki. Buti na lang mabait ako at hindi nya ko sinusungitan. Baka gusto niyang.. wala, baka lang gusto nya lang. wala nang kasunod.
Nauna na tumayo si Jaki, pumunta siya sa counter. Baka magpapaalam kay Troy.
Bakit umaliwalas ang mukha nya pag dating doon.
Naramdaman ko naming parang ang weird lang na tipong may nakatingin sa akin. Kaya't inilibot ko ang mata ko ng palihim. Palihim pero halata.
Nagtagpo naman ang mata naming nung, kakilala ko noon. Kakilala ko pa rin naman sya ngayon. Hindi lang kagaya ng dati.
Nakaupo sya sa kabilang side ng table, few tables away. Nakaharap sa amin.
Hindi siya komportable kaya't ngumiti na ako at binaling muli ang atensyon sa kaharap ko.
"Wow naman! Napakagwapo mo naman. May hindi pa nga tapos may nakapila na agad na manliligaw sayo." Palingon lingon pa si Vhong habang sinasabi nya iyon.
"Magtingil ka pa. Kaya nabubwisit sa'yo si Jaki ginaganyan mo."
"Ay iyon?" Turo pa niya kay Jaki na sakto naming nakatingin dito. Kaya pilit kong inabot nang pahampas ang braso ni Vhong para ibaba.
"Alam ikaw.. kung gusto mo tapusin ko yung SD na 'to, huwag ka muna magpapakita ng isang Linggo. Okay?"
Medyo naiinis na rin ako sa ugali ni Vhong na hindi mo maintindihan kung anong gusto.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now