Chapter 6

110 5 0
                                    





"zoe nakita ko ex mo ah nung napadaan ako sa company niyo" napatingin ako kay tonton nang sabihin niya yun habang sumasandok ng kanin.

"ah yeah model siya don"


"ah buti di mo partner?"


"actually oo partner ko" napatingin siya sakin na may nakakagulat ng mukha OA talaga nito eh.

"ohh? Hoy Andread! Anong gagawin mo?" sabay baling kay andrei napatingin nman si andrei saamin.

"subukan niya lang galawin baka mapatay ko"

"ano? Tambangan natin sa kanto?" natatawang sabi ni tonton bwisit talaga to.


"hindi na, may nakabantay yan" nginuso niya ako "kaya alam ko kung anong pinaggagagawa nun"


"magaling kang hambog ka" pumapalakpak na sabi ni tonton.

"hoy ang ganda pala nung new secretary mo ha! Pakilala mo naman ako diba nasa harap lang siya ng office mo" napabaling agad ako kay tonton sa sinabi niya at kumunot ang noo ko babae?



Binaling ko kay andrei ang paningin ko at nakatingin siya kay tonton ng masama at ito namang isa walang pakealam kumain pa.

"who?" agad kong tanong sa kanya at anong bagong secretary?


"naku zoe nagresign kasi yung dafing sec. niya kasi uuwi ng probinsya kaya may bago siyang sec. ang sexy grabe whoooo!" tumingin ulit ako kay andrei at nakatingin na siya sakin.


"ah hindi mo sinabi sakin" sabi ko na pinatong ang dalawang kamay ko sa mesa napatigil naman si tonton.


"ah exit muna ako ha hehe sa sala nalang" sabi niya sabay kuha ng pinggan niya at pumunta nang sala.

Hindi ko inalis ang tingin ko kay andrei tumayo siya at naglakad papunta saakin saka umupo sa tabi ko

"she is my new secretary sasabihin ko sana sayo kahapon pero nakalimutan ko"

"what's her name?"


"Angela" mukhang anghel ah


"okay ligpitin mo ito im full honey hahaha" sabi ko at tumatawang lumabas sa kusina nadatnan ko si tonton na nanonood ng netflix.

Napatingin siya sakin at nagpeacesign inirapan ko naman siya at tumingin kay Darlene ang anak ni manang nakatingin siya sa pagkain sa mesa lumapit naman ako sa kanya.


"a-ah ate" sabi niya at yumuko pa ngumiti naman ako at lumapit pa.


"nagugutom ka?" tanong ko umiling naman siya pero hinila ko siya sa kusina at nakasalubong ko si andrei.


"she's hungry" sabi ko at nagtuloy tuloy na kinuhanan ko siya ng pagkain saka pinakain nung una nahihiya pa siya.


Natapos siyang kumain at nagpresinta na siya na ang magaayos doon sa kusina kaya hinayaan ko na lang.


"hoy tonton wala kang balak umuwi?" sabay hampas ko sa kanya ng maliit na unan.


"mamaya na nanonood pa eh!"


"may tv ka!"


"shhh quiet" abat tong gagong to. Nasaan na ba ang asawa ko tumingin ako sa pangisahang sofa at nanonood rin siya na parang bata actually dalawa sila. I can't believe it etong dalawa na hearthrob pinagkakaguluhan ng mga babae at seryosong seryoso ganito sa harap ko?




Napailing ako at napatingin sa labas ng may lalaking pumasok


"ano?" mataray kong tanong sa kapatid ko.



"walang magawa sa bahay ate dito muna ako" at saka tumalon siya sa tabi no tonton nakipagagawan pa sa isang unan.


Lumabas muna ako ng bahay at nakita kong nagdidilig ng halaman ni Darlene at parang wala sa sarili nya kaya nilapitan ko siya at tinapik napatalon naman siya sa gulat.


"oh bakit parang wala ka sa sarili.mo?" sabi ko saka umupo doon.

"w-wala ate"


"wag kang mahiya sakin, may kapatid ka ba?" tanong ko sa kaniya para naman may alam ako.


"wala na po ate kami nalang po ni nanay, salamat nga pala ate sa pagtanggap sakin" sabi niya at yumuko pa.

"no problem. Feel at home Darlene malapit na pala pasukan ah"



"ah hindi na po ako mag aaral ngayong pasukan"


"bakit naman?"


"wala na po kasing pera si nanay kaya pumunta kami dito sa manila para magtrabaho"


"saan ba probinsya nyo?"


"ilocos po ate"


"kapareho mo ng edad ang kapatid ko kaya so papasok ka na sa college?"


"opo ate"


"what if ako na lang ang magparal sayo" nakangiti kong sabi sa kanya nanlalaki naman ang mata niya sakin at napayuko agad.


"wag na po ate nakakahiya"


"no. I insist sa UST ka na magaaral kasama ang kapatid ko"

"p-po? Pero ang mahal po doon"


"its okay" ngumiti ako sa kanya at ganun din siya.


"ah ate kapatid nyo po yung pumasok kanina?" biglang tanong niya.


"oo siya si jackson, mabait yun kaso suplado" napapangiwing sabi ko at namula naman siya.


"hallah ka. Bakit ka namumula Darlene? " nanunuksong sabi ko.



"h-ha? Hindi ate hehe" sabi niya at yumuko pa lihim akong napabungisngis hayyy kapatid mukhang may natamaan sayo ah.




A Summer with Him [Book 2]  (COMPLETED)Where stories live. Discover now