CHAPTER 23: PAINFUL TO BE WITH ME

Magsimula sa umpisa
                                    

Napapakislot nalang ako sa bawat matatalim na salita na lumalabas sa kanyang bibig. Nasaktan man ako ay inintindi ko siya. He's just mad. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya ngunit mabilis niya iyon iniwas. Nag-init ang sulok ng aking mata.

"Dylan.."

"Leave now! I won't stop you."

"Please, clear your mind, Dylan. Hindi ko siya pinipili. Kailangan lang niya ako."

"Kailangan rin kita dito."

"Mahal kita, Dylan. Kaya sana, magtiwala ka na babalik ako. Kaibigan ko lang si Skyler. Hindi ako magtatagal roon, pangako."

"Leave." Malamig nitong saad.

Kinagat ko ang aking labi para maiwasan ang panginginig niyon. Nasasaktan ako para sa aming dalawa. Tiningnan ko ang aking traveling bag at muling tiningnan si Dylan. Nakayukom ang kanyang kamao na parang may pinipigilan.

"I-I'm sorry, D." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. Tinalikuran ko siya para kunin ang traveling bag ko.

Binitbit ko sa aking balikat ang traveling bag. Humarap ako sa kanya at tinitigan siya kahit na nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha.

"Dylan, you have to understand. I love you more than anyone else. Sana gan'un din ang pagmamahal mo sa akin. At kung talagang mahal mo ako, magtitiwala ka sa akin." Naglakad ako palabas sa kwarto. Mabibigat ang aking paa sa bawat hakbang na ginagawa ko.

May parte talaga sa buhay na kailangan kong mamili. Kung totoo ang pagmamahal sa akin ni Dylan, maiintindihan niya ako. Pagkakatiwalaan niya ako. Bago ko maisara ang pinto ng bahay ay narinig kong ang mga nabasag na gamit mula sa kwarto. Tumakbo ako at sumakay sa taxi na aking tinawag para maghatid sa akin sa airport.

Mabuti nalang at nakaabot pa ako sa flight na papuntang California. Mabuti na lamang ay may na-book pa akong flight dahil hindi namn peak season ngayon. Binigay ko sa isang personnel ang aking passport at sumakay sa eroplano.

Hindi ko alam kung gaano na katagal ang biyahe. Nakatulala lang kasi ako habang nakasakay sa eroplano. Iniisip ko si Dylan. Kung ano ba ang ginagawa niya, kung okay lang ba siya o kung sino ang kasama niya.

Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng hilo. Sana maintindihan ni Dylan ang nangyayari. Sana hindi niya gawin ang sinabi niya kanina. Kasi, kung ganoon nga mangyayari, hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Lumapag ang eroplano sa airport ng California. Bumaba ako at nagsuot ng jacket dahil sa ginaw. Ang sabi ni Trey ay may susundo raw sa akin sa airport. Agad ko namang nakita ang babaeg may hawak na papel na may nakasulat na pangalan ko. Nilapitan ko iyon.

"Miss Veronica Luna Garcia?" Tanong sa akin ng babae.

"No. It's Misis Veronica Luna Reyes. I'm married." Nakitaan ko ng pagkabigla ang babae. Tumikhim ako. "Where's Skyler?"

"Sumakay na po kayo para makapunta na tayo sa ospital." Tumango ako at sumakay na sa sasakyan.

Agad kaming nakapunta sa ospital. Nagmamadali akong pumunta sa loob at tinanong ang room number ni Skyler. Nakalabas na raw kasi ito ng operating room at nagpapahinga sa isang private room.

"Luna!" Agad na tumakbo si Trey papaunta sa akin at niyakap ako.

"Si Skyler?"

"Nagpapagaling na siya. Pumayag na siyang magpa-opera n'ung nalamang papunta ka na dito."

Sa mga oras na iyon ko lang naramdaman ang panlalambot at hilo dahil sa haba ng biyahe. "I want to see him."

"Okay."

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Skyler. Hindi na sumunod pa sa akin si Trey dahil bibigyan daw niya kami ng moment ni Sky.

Lumapit ako sa tabi ng higaan nito. "Sky.."

Unti-unti nitong dinilat ang mga mata. Nanlaki iyon nang makita ako. Parang may naalis na bara sa aking lalamunan. Nakahinga ako ng maluwag.

"Luna, I'm glad you're here." Nanghihinang sabi nito.

"Hey there." Hinawakan ko ang kanyang kamay at bahagyang pinisil. Iniwasan ko ang IV na nakatusok sa kanyang kamay para hindi siya masaktan. "Tinakot mo ko."

Matamlay itong ngumiti. "I just want to see you before I die."

"Don't say that."

Kumunot ang noo nito. Dinilaan nito ang ibabang labi bago magsalita. "Where's your husband?"

Malungkot ko siyang nginitian. May mga luhang tumakas sa aking mata. Alam kong napansin niya ang sakit at pagod sa aking mata.

Inangat nito ang kanyang kamay at pinunasan ang aking luha. "Why did you choose me?"

"Because I'm so worried about you. Because you were beside me when I needed you—"

"So, you're just returning the favor." Nanginig ang kanyang boses. "Did you got into a fight? Did he hurt you?"

Napayuko ako at pinigilang lumuha. "He's so upset. I have to go back to him as soon as possible."

"You really do love him so much. I'm sorry, Luna. I just can't let you go. Pero bakit ganoon? Gusto ko nasa tabi kita, pero tuwing nasa tabi naman kita lagi ka nalang umiiyak. Is it really painful to be with me?"

****

UNEDITED. Pasensya na ang tagal ng UD. Nawala ako sa mood dahil sa nabasa kong Manga. Ugh! I hate tragic endings (Death, accidents, Sickness). It's too painful to bear.

UPLOADED:1-10-15

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon