Kabanata 29.0: Panties For You

Start from the beginning
                                    

Omeged! Ito na ba? Ito na ba ang signos na unti-unti na niyang binabago ang sarili n'ya kasi unti-unti narin n'yang napapagtanto na isa pala siyang napakaguwapong nilalang at hindi isang malanding diyosa? Ito na ba?

"Oo, ayaw mo ba?" tanong n'ya.

<*Gulp*> Jusko! Ba't kinakabahan ako ng ganito? Hindi naman ako sumbora sa kape ah? Pero ba't gan'to? Ba't parang gusto ng kumawala ng puso ko sa nasiko n'yang dibdib ko?! Hoo! Grabe! 'Di ko na 'to kaya!

"T-tayo na? As in, 'yong tiponng mag-jowa na?" tanong ko tas nakita ko naman siyang ngumisi na parang nakakaloko.

"Baliw!" he said sabay ngiti ng nakakaloko.

"H-hah?" Nabibingi kong tugon nang medyo hindi naintindihan ang sinabi n'ya.

"Sabi ko, TAYO NA as in, PASOK NA TAYO. Gets?" He said tapos, ayun naglakad na palayo, habang ako.... <*NGANGA!*>

*Sa loob ng Theme Park*

"Kruuuuu!" maangas na pagsisip ko sa chocodrink na hawak-hawak ko habang tinitignan ng masama ang likod ng baklang 'to. Arrg! Naiinis ako sa kanya e, pinanganga ba naman ako? Malay ko bang may iba palang meaning ang 'TAYO NA?' Leshe!

"Kruuuu!" pagsipsip ko ulit. Arg! Hindi pa rin n'ya ako pinapansin! Nakatalikod pa rin s'ya. Tapos lakad pa kami ng lakad, sana nag-marathon na lang pala kami at hindi na lang nagdate? Kainis talaga!

At dahil hindi nga niya ako pinapansin ay agad akong lumihis ng landas at pumunta sa isang videoke-machine na nakatayo sa gitna ng daanan.

Nang makalapit na ako roon ay agad kong kinapa ang bulsa ko.

Nanlaki 'yong mga mata ko! Walang laman 'yong bulsa ko!

Tama! Kinidnap nga pala ako ng baklang 'yon kaya 'di ako nakapag-prepare!

Tumingin ako sa paligid. Walang nakatingin! Wahaha! Ayos 'to!

Dahil gusto kong magpalabas ng inis sa oras na ito ay agad kong idinikit ang likod ko sa harap ng videoke-machine.

Yumuko ng konti, kinapa ang lalagyan ng barya at makalipas ang ilang sandali. <*Bogsh-Bogsh!*>

'Yon nga! Sinuntok ko 'yong lalagyan ng barya. Kaso walang lumabas na barya e, isa pa nga, <*Bogsh-Bo----*>

Napahinto ako sa ginagawa ko nang biglang may lumapit sa'kin na isang babae. May ID'ng suot at.... a-at... at mukhang sta-sta-staff i-i-to ng theme park. Nataranta ako bigla!

Nang makalapit s'ya sa'kin ay agad n'ya akong tinaasan ng kilay at nagsalita, "MISS? GUSTO KO PONG IPAALAM SA INYO NA FREE PO ANG VIDEOKE MACHINE NA 'YAN KAYA HUWAG PO KAYONG TRYING HARD NA MAGNAKAW NG BARYA!" she said habang tinuturo-turo ako, habang ako naman e naka-pause lang at hindi siya tinitignan sa mata.

"KUNG KINAKAPOS MAN PO KAYO SA BUHAY N'YO AY MAARI PO KAYONG DUMULOG SA IBA'T-IBANG SEKTOR NG GOBYERNO AT DOON HUMINGI NG TULONG!"

Sa sinabing iyon ng babaeng staff sa'kin ay bigla akong nakaramdam ng toneladang hiya. Free pala 'to? Leshe naman oh?

Gusto ko sanang tumayo pero pakiramdam ko ay nanigas ako dahil sa hiya.

   <*NGANGA!*>
*   *   *
THIRD PERSON
Lakad lang ng lakad si Heaven ngayon, as in 'yong tipong hindi humihinto. Ayaw n'ya kasing makaharap si Fear. Ayaw n'yang mautal na naman sa harap ng babaeng iyon.

Nawiwindang kasi ang cerebellum at hypothalamus n'ya 'pag kaharap n'ya si Fear e, lalo pa't nasabihan n'ya ito ng 'I Love You' kanina nung manalo sila sa basketball. Kaso, ito namang si Fear, nakalimutan ata maglinis ng tainga. Hindi ba naman narinig ang matamis na 'I LOVE YOU' ni Heaven? Tsk!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now