Chapter XXII (Start)

18 0 0
                                    

He can't even speak at me.

How can I be attracted to him, right? Sobrang imposible lang. Ano ba 'tong mga naiisip ko? Masiyado na ba akong kulang sa pagmamahal at puro ganito na lang ang laman ng utak ko?! I need to stop! Pero, hindi naman siguro masamang ma-attract 'di ba? Attraction lang naman.

Biglang sumagi sa isipan ko si Sir. Marshall. Siya ang pinaka-unang lalaking hinangaan ko. Gwapo, matalino, may sinabi sa buhay at katulad ko. He's very unlike Favian who barely talks, hindi ko pa nakikita ang itsura at taga-dito pa sa Agartha. Bakit ko naman siya magugustuhan 'di ba? Napaka-imposible. Mga katulad lang ni Sir. Marshall ang gugustuhin ko. Wait. Shit. Why am I comparing them both?! This is fucking wrong.

Seriously, Daphne. Stop it. Siguro kaya ko nararamdaman 'to ay siya ang lagi kong kasama. Mawawala din 'to. I just need to distract myself or maybe I need distance away from him.

Kulang na lang ay sampalin ko ang sarili ko dahil sa mga naiisip. Napatingin ako sa likod ni Favian. Naglalakad na naman kami ngayon at nauuna siya sa akin. Buti na lang ay hindi niya nababasa ang isipan ko.

Sa sobrang occupied ko ay hindi ko agad napansin na nandito na pala kami. Ang daming nilalang ang nakikita ko sa paligid. Hindj katulad sa Elisora at El do Rado ay tahimik dito na tila seryoso ang lahat. Ang dark ng awra, ganito ba kapag puro dugong maharlika? Lahat din ng makikita kong kulay ay it's either yellow or red. Is this the Shambala Realm? I don't like the vibe.

Napatigil ako sa pagtingin sa paligid nang may mabangga ako.

"Pasensiya na!" Hingi ko agad ng paumanhin. Muntik pa akong mapaatras nang mag-angat 'yon sa akin ng tingin.

Walang mukha. Bago ko pa matitigan 'yon ay nilagpasan na niya ako ng lakad. Sinundan ko naman siya ng tingin at nahalata ko na gawa sa bakal ang mga binti at braso niya. It looks weird. What kind of creature is that? Binaliwala ko na lang agad 'yon at sumunod na kay Favian.

Ang tahimik talaga ng buong paligid. Wala man lang ingay. Hindi ako sanay. Feeling ko tuloy hindi ako welcome dito. Ang buong akala ko pa naman ay maganda dito sa Shambala tulad ng kwento ni Trixie pero mukhang hindi naman. Kung ako ang papipiliin mas gusto ko manirahan sa Elisora kesa sa lugar na ito.

Puro dughong bughaw nga wala namang buhay ang lahat.

"Ganda! Bili ka na! Bili ka na!" Napalingon ako sa tumawag sa akin na matandang babae na may kasamang bata. I smiled at them.

Sila lang yata ang bukod tanging magaan ang awra sa lugar na 'to. At hindi rin kakaiba ang itsura nila, parang ordinaryong tao lang sila pero I doubt that.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit para tingnan ang paninda nila. Mga hair clip pala 'yon. Ang akala ko naman kung ano. Dinampot ako ang isang clip na nando'n na nakaagaw ng atensiyon ko dahil bituin ang disenyo n'on.

"Maganda 'yan. Mukhang bagay sa'yo. Isukat mo, hija." Malumanay na suhestiyon nang matandang babae. Gano'n nga ang ginawa ko.

Nilagay ko 'yon sa buhok ko at tiningnan ang repleskiyon ko mula sa salamin. It looks nice! Kaso naalala ko wala nga pala akong pera. Bigo kong tinanggal 'yon at binalik. "Pasensiya na po. Wala po kasi akong pambili. Babalikan ko na lang po kapag meron na."

"Pangit ka." Nagulat ako sa sinabi ng batang lalaki. Nakasimangot 'yon habang nakatingin sa akin. Napangiwi ako. Aba, look at this kid. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ng matanda.

"Ayos lang, hija. Naku pagpasensiyahan mo na itong apo ako ah?" Nahihiyang sabi niya. Naku! Tinititigan ko ang bata. Pasalamat ka at mabait ang Lola mo!

"Wala po 'yon. Salamat. Sige po, mauuna na din ako." Paalam ko din agad at tumalikod na din without waiting for their answer.

Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng lungkot habang naka-tingin sa mag-Lola na 'yon. Miss ko na talaga ang Lola Esther ko. Sana kung nandito man siya sa lugar na ito ay makita ko na siya. Hindi ko rin kasi alam kung dapat ba akong manatili dito para hanapin siya eh wala naman akong kasiguraduhan kung nandito nga talaga siya.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now