Chapter XIII (Weird)

15 1 0
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay sobrang gaan ng pakiramdam at ang liksi din ng pangangatawan ko, weird. Ewan ko pero pakiramdam ko ay unti-unti nang nasasanay ang katawan ko sa pagod kaya siguro ganito. Gusto ko pa nga sanang mag-stay nang matagal sa hotel ang kaso ay hindi pumayag si Favian.

Ngayon we're back again at our business. Sa pag-akyat sa bundok na 'to na mukhang wala yatang dulo. Napabuntong hininga ako at napatingin sa kulay Rosas na kalangitan. Rosa. Biglang sumagi sa isipan ko ang nakangiting mukha ng kaibigan.

Kumusta na kaya sila do'n? Hinahanap kaya nila ako ngayon? Nagtataka kaya sila kung bakit ako biglang nawala? Hindi ko akalaing mamimiss ko din pala ang kakulitan , lalo na ang pagiging maharot ni Rosa. Napangiti ako sa mga naalala at minsan ay natatawa pa ng bahagya.

Napalingon ako kay Favian na nasa likod ko. "Malayo pa ba tayo boss?"

Umiling lang siya bilang sagot. Laging gano'n! Ilang beses ko na bang naitanong sa kan'ya 'yon pero hanggang ngayon ay wala pa rin kami sa tuktok ng bundok na ito? Kaloka! Medyo namamanhid na ang mga kamay ko hawak ang lubid ha. Gusto ko nang matapos 'to!

Muli ko na lang nilibang ang sarili ko sa pag-iisip ng kung ano-anong bagay na wala namang katuturan. Natigilan lang ako nang mamali ang tapak ng isa kong paa dahilan para madulas ang isa. Napatili ako at medyo nawalan ng balanse. Kumabog ang dibdib ko nang mahagip nang tingin ang nasa baba. Parang umikot yata ang paningin ko sa sobrang pagkalula. 

Mabuti na lang at nakaalalay pala sa akin si Favian kaya hindi masiyadong tumama ang katawan ko sa bato, kung hindi ay paniguradong wala na akong malay ngayon. Napahinga ako ng hangin, muli nilagay ang sarili ko sa posisyon at nagpatuloy ulit sa pag-akyat nang parang walang nangyari. Damn, that was close! 

Mga ilang oras pa ang lumipas pero patuloy pa rin kami sa pag-akyat. Wala ba talagang katapusan 'to? Unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagod. Sana marating na namin ang dulo bago pa sumuko ang katawan ko. I keep on giving out deep breaths.

Ang akala ko ay kaya na ng katawan ko pero hindi pa pala. Mataas ang sikat ng araw at tagaktak na naman ang pawis ko katulad kahapon. Ito na naman ang pakiramdam na bibigay ang katawan ko anytime nang dahil sa sobrang pagod. 

At hindi nga ako nagkamali, maya-maya ay umikot ang paningin ko at hindi ko na naramdaman ang katawan ko hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang buong paligid.

I was in a deep slumber nang unti-unti akong maalimpungatan. Pinakiramdaman ko ang katawan ko at namalayang nakahiga pala ako. Diretsong bangon ako nang maalala ang nangyari. Nawalan ako ng malay habang naakyat! What happened? Nang tingnan ko ang paligid ay nasa patag na akong lugar samantalang si Favian naman ay prenteng nakaupo sa harapan ko na parang kanina pa ako hinihintay na magising.

"Anong nangyari?- uhh, nevermind." Napasapo ako sa noo ko. "Nandito na ba tayo?"

Tumango siya samantalang ako ay napaisip. Nawalan ako ng malay at wala akong maalala sa mga nangyari kaya paanong nandito na ako? Ibig bang sabihin ay buhat ako ni Favian habang naakyat kami? That's impossible! I look at him in disbelief when I realize that there's no other away aside from that. I was about to ask him when he stand up.

Pumwesto siya sa kabilang dulo at may tinanaw mula sa malayo. Sumunod naman ako sa kan'ya habang nagmamasid sa paligid. Nasa tuktok na talaga kami ng bundok na 'to. Sumilip ako sa baba at napaatras agad ako sa pagkalula. Grabe, talagang naakyat ko 'to? Nakaramdam ako ng fulfillment.

I'm so proud of myself, ang buong akala ko ay hindi ko kakayanin.

Napangiti ako nang mag-angat ng tingin kay Favian, he's also looking at me also pero nag-iwas din agad at tumingin sa harapan namin. Napatingin din tuloy ako at halos manlaki ang mga mata ko sa nakikitang lumilipad na nilalang papalapit sa amin.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now