Chapter XXIV (Pair)

17 1 0
                                    

Kanina pa ako pabaling-baling ng higa sa pwesto ko pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. I kept on thinking about Favian even though I know that I should not. Bakit niya naman kasi ginawa 'yon? It maybe a friendly move or nothing to him pero iba kasi 'yong impact sa akin. This is not really good. C'mon, Daphne. Dapat ay naghahanda na ako ngayon para bukas pero anong ginagawa ko ngayon? Gosh! Kailangan ko nang makatulog!

Kung kailan naman kumportable ang kama ko atsaka ako ganito!

Muli akong bumaling ng higa, yakap ang isang unan at hindi sinasadyang nahagip ng mata ko ang clip na bigay ni Favian na nakalagay sa side table ko. Hindi ko napigilang mapangiti pero sandali lang 'yon at muli ko nang pinikit ang mga mata ko. Just stop it, Daphne. Ang lala mo.

I finally close my eyes. Unti-unti na akong hinihila ng antok nang makarinig ako ng yapak. Nagising ang diwa ko pero nanatili akong nakahiga, pinakikiramdaman ang paligid. Mabilis na gumana ang kamay ko at kinuha ang maliit na kutsilyo mula sa drawer. Few seconds later ay nagpasiya akong bumangon at dahan dahang naglakad patungo sa dining room.

Saktong paglabas ko ay ang biglang pagbukas ng ilaw. Muntik pa akong mapasigaw sa sobrang gulat habang nakatutok ang maliit na kutsilyo sa kung sino man 'yon.

"Woah, woah miss. Kalma. Ako lang 'to." Said a guy habang nakataas ang magkabilang kamay sa ere. Hindi ko binaba ang hawak ko at mas lalong tinutok 'yon sa kan'ya. He made a face.

"Sino ka? Bakit ka nandito? This is my room." Parang hindi man lang siya natatakot sa hawak ko pero hindi ako nagpatinag. Mahirap na 'no.

"Nakalimutan mo na agad ako? We just met earlier, Daphne." Sabi niya sabay hawi pa ng mahaba niyang buhok. Nilapag niya ang mga gamit niya sa isang sulok at prenteng naupo sa sofa. "And, hindi mo lang kwarto 'to. This is my room also." Dugtong pa niya sabay pakita ng hawak niyang numero.

"What? But you are a guy." Gulat kong sabi atsaka lang binaba ang hawak kong kutsilyo.

He chuckled. "Walang rule na gan'yan sa lugar na 'to. Don't worry, harmless naman ako."

Halata naman. He doesn't look like someone na gagawa ng masama but still, I can't trust anyone aside from Favian. Nakatayo lang ako do'n at pinapanood siya habang nagsasalin ng bourbon sa baso. Naka-dikwatro siya ng upo at nakalagay ang isang braso sa sofa head habang diretsong nilagok ang sinalin niya. Ngayon I can fully recognized him, siya nga 'yong lalaki kanina. I still can't believe I will have a guy as my room mate. This is awkward. 

Nag-angat siya ng tingin sa akin at napaiwas naman ako. I saw him smile a bit. "Have a seat. Usap tayo." Napansin kong nagsalin siya sa panibagong baso. Umiling agad ako. 

"No, I don't drink and I'm going back to sleep." Walang gana kong sabi at diretsong tumalikod na do'n. Napa-ikot pa ang mga mata ko nang marinig ang tawa niya sabay sabing "Napaka-sungit!"

I'm not interested. Kahit madami akong tanong I won't talk to him. Nag-panic ako nang makita ang oras. Shit! I really need to sleep! Bumalik ako ng higa sa kama ko at pinilit na lang talaga ang sarili ko na makatulog. Luckily, wala pang ilang minuto ay dinalaw din ako ng antok.

The next morning, as I expected I woke up late. Mabilisang kilos lang ang ginawa ko. Nang matapos ako ay napansin kong wala ang room mate ko sa dining. Malamang tulog pa rin siguro sa kwarto niya. Should I wake him up? Of couse, I will not. Bahala siyang mahuli.

Bago ako lumabas ay humarap muna ako sa salamin para tingnan ang itsura ko. I'm wearing a simple blue and white renaissance irish overdress na hanggang tuhod ang haba and a pair of brown boots. Dinampot ko ang clip na bigay ni Favian at kinabit 'yon sa buhok ko. I smiled when I see myself from the mirror. Ang tanging panira lang sa itsura ko ay ang eyepatch ko eh.

Agartha: The Lost CivilizationWo Geschichten leben. Entdecke jetzt