Chapter VIII (Death?)

19 2 0
                                    

Halos sumuko ang mga tuhod ko katatakbo namin. Hindi ko alam kung saan ang direksiyon na tinatahak namin, basta ang alam ko ay mapuno ang paligid, madilim at habang tumatagal padami nang padami ang humahabol sa aming mga halimaw.

Hawak ni Selma ang kamay ko habang tumatakbo kami ng matulin, pagliko namin ay napabitaw ako sa hawak niya at tumigil sa pagtakbo para habulin ang hinga ko. "H-hindi ko na kaya. Parang hihinto sa p-pagtibok ang p-puso ko."

Hawak ko ang dibdib ko at panay ang hinga ng malalim. "Gusto mo na bang mamatay?!"

Hindi ko na nagawang makasagot nang higitin niya na naman ako at sabay kaming tumakbo. Namamanhid na ang mga tuhod ko at feeling ko anytime ay mahihimatay na ako sa sobrang hingal. Hindi nga ako mamatay dahil sa mga halimaw na 'yon pero mukhang mamatay naman yata ako sa sobrang pagod katatakbo.

Laking pasasalamat ko nang huminto kami sa pagtakbo at nagtago sa likod ng isang malaking puno. Hinihingal na rin siya katulad ko pero nanatili siyang kalmado habang ako ay hindi malaman kung anong dapat maramdaman. Nanginginig na rin ang mga kamay ko dahil sa sobrang takot nang maalala ang itsura nang humahabol sa amin.

"Stay here. I'll try to talk to them." Sabi ni Selma, bago pa ako makapagsalita ay nakalabas na siya sa pinagtataguan namin. Is she serious?! She then cast a spell on me and said that it will protect me from the ghouls.

Sumandal ako sa puno at nag-isip ng gagawin ko, paano kung bigla na lang akong iwan ni Selma? What should I do? Huwag naman sana. Sumilip ako nang kaunti para malaman kung ano ang nangyayari. Selma's hair color change, from pink it becomes green, gano'n ang kulay ng mga mata niya. Kaharap niya ang hindi lang isa kung hindi limang halimaw na nakalimutan ko kung anong tawag.

Kulay asul ang kulay ng balat ng mga nilalang na 'yon na parang nabubulok na bangkay, matatalas ang mga kuko at may mahahaba pang pangil na may natuyong dugo. Napangiwi ako at bahagyang nagtago ulit nang mapalingon ang isa sa kanila sa pwesto ko.

Sinubukan kong intindihin ang pinaguusapan nila pero wala lang akong maintindihan dahil ibang lingguwahe ang gamit nila. Kalmado lang siya pakikipag-usap habang ang kabila naman ay parang inip na inip at parang anytime ay susugod kay Selma. Napalunok ako at napapikit ng mariin, ano kaya ang pinag-uusapan nila? 

Atsaka masisigurado ko ba ang kaligtasan ko nang dahil lang sa spell na ginawa niya na hindi ko man lang matukoy kung ano ang epekto?! Muli akong sumilip do'n at nagulat na lang na wala na si Selma sa pwesto niya habang ang mga ghoul ay nagsisimula nang kumilos. Do'n na napuno nang takot ang dibdib ko habang hinahanap ng mga mata ko si Selma.

I can't find her anywhere! Napatingin ako sa mga kamay ko na hindi mapigilang manginig nang dahil sa pinaghalong kaba at takot. Pinagsiklop ko 'yon nang mahigpit at pinilit ikalma ang sarili pero hindi ko talaga magawa. Feeling ko ay sasabog ang puso ko anytime habang naririnig ang mga yapak ng halimaw papalapit sa pwesto ko. 

Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang tili ko nang biglang may dumaang isa sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita iyon ng malapitan. Masangsang ang amoy at nabubulok nga na bangkay 'yon. Mas lalo kong dinikit ang katawan ko sa puno at napapikit na lang nang mariin. Please umalis na kayo.

Baka humihingi lang ng tulong si Selma? Hindi niya ako iiwan, may kasunduan kaming dalawa.

Napamulagat ako nang biglang tumawa nang mala-demonyo ang isa sa kanila. "Maya-maya lang din ay mawawala na ang bisa ng proteksiyon mo, kaya kung ako sa'yo ay magsimula ka ng tumakbo kung ninanais mo pang mabuhay."

Do'n ko lang tuluyang nakumpirma na talagang iniwan ako ni Selma. Awtomatikong gumalaw ang mga binti ko at tulad nang sinabi ng halimaw ay tumakbo nga ako ng tuluyan palayo sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung saan ang tungo ko basta ang tanging laman lang ng isipan ko ay ang makaalis sa lugar na 'yon.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now