Chapter 3

8 1 0
                                    

Alliah's POV:

My alarm clock rang and it's already 6 in the evening.

I quickly take a bath and choose the clothes i want to wear. I found a blue green tank top paired with blue green laced skirt. Okay na siguro to no? Wag na mag-inarte si mommy kasi tinatamad ako.

I simply tie my wavy brunette hair into a ponytail. I wear my fluffy bunny slippers before going downstairs. I heard some voices, maybe the visitors are here.

Di muna ako dumiretso sa living room at sa kusina muna dumaan. Naabutan ko si Aling Tere na naghahanda ng pagkain. "Aling Tere sabay ka samin mamaya kumain ha," sabi ko dito. "Eh, Hija may bisita kayo sa susunod na lang," tinawanan ko lang ito.

"Hindi pwede, wag makulit. Ang bisita namin ay bisita mo rin ha?" hinalikan ko to sa pisngi at kumuha ng mansanas sa refrigerator.

"Wag makulit Aling Tere ha? Punta na ko dun," paalam ko. Bago ako makalayo ay narinig kong tinawag ako ni Aling Tere pero huli na dahil napako na ko sa kinakatayuan ko. Nasa sala na ako ngayon at nakatingin sa bisita na tinutukoy ni mommy.

"Anak, nandito ka na pala," sabi ni mommy. Di ko to pinansin at titig na titig lang sa lalaking naka puting polo shirt at maong na nakaupo sa sala namin kasama ang mga magulang niya.

"U-uhm Hello po tito Ariel at tita Monic. Kamusta po?" tanong ko sa mga ito. "Ayos naman kami, ikaw hija? Kamusta? Magaling ka na ba?" tumango ako sa tanong ni tita. "A-ano po tita maayos naman na po, may gamot na lang po na laging iniinom."

"Buti naman kung ganun," biglang sambit ni Ivan kaya napatingin ako dito. "Tita pwede ko po ba makausap si Alliah saglit?" tanong nito kay mommy. "Sige lang hijo," pag sang-ayon ni mommy.

"Ayoko."

Tumingin sakin si Ivan. Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. "Saglit lang, please?" Mahigpit ang hawak nito sakin at ayoko naman mapahiya kami pareho sa mga magulang namin. " Doon tayo sa kwarto."

Binitawan naman nya ako at nauna na. Kabisado nya ang bahay dito kami lumaki dahil magkababata kami.

Nang makapasok sya sa kwarto ko ay sinara nya ang pinto at naupo sa upuan na malapit sa kama ko. Naupo naman ako sa kama kaharap sya.

"Ano pag-uusapan natin Ivan? Sa pagkakaalam ko wala naman na. Di ba?" Tahimik lang itong nakatingin sakin.

"Sorry."

Natulala ako dahil umiiyak sya ngayon sa harap ko. Titig na titig ito. Napakalamig ng tingin nya habang tumutulo ang mga luha sa mata nya. Bigla akong naawa.

"Tapos na yun. Nangyari na ang nagyari," paliwanag ko. "Pero ba't di mo parin ako makausap kagaya ng dati? Bago pa maging tayo, gusto ko sana mabalik yun," he said habang umiiyak padin.

"Umaasa ka parin ba na mababalik yung dating pagkakaibigan natin lalo na't una palang dapat alam mo na pag natapos tayo ay di lang relasyon natin ang masisira pati na din ang pagkakaibigan natin?" paliwanag ko pa.

"Alam ko yun pero pwede naman na siguro mabuo ulit ang tiwala mo sakin di ba?" i smiled at him and shaked my head.  "Masyadong masakit ginawa mo sakin eh. Sobra. Sumuko na ko sa maliit na pag asa na maayos pa natin kahit pagkakaibigan na lang. Ni ayaw na nga kita makita."

Tahimik lang syang nakatitig sakin at gumanti naman ako ng tingin. Kinaya ko titigan sya hanggang sya ang unang sumuko at biglang lumuhod sa harap ko.

"Please. Alliah, nagsisisi na ako. Mahal pa rin kita e. Okay lang sakin kahit magkaibigan na lang tayo ulit. Pangako di kita ulit sasaktan, di na kita ulit iiwan."

Natawa ako bigla sa sinabi nya at ikinagulat nya ito. "Yan din sinabi mo dati eh, nilagyan mo lang ng 'ulit'. T'saka alam kong di mo na ko mahal. Wag mong ipilit at ipaalam sa sarili mo na mahal mo pa ko. Ako na nagsasabi sayo na ramdam kong hindi na. Wag mo na ipilit Ivan maawa ka. Hindi na kita mahal."

Tumayo na ako at binuksan ang pinto para sa kanya. Akmang lalabas na sya pero bago nya magawa ay niyakap nya ko. "Wag kang makasarili Alliah, alam ko na mahal kita. Di na susuko ngayon," pagkasabi nga nun ay hinalikan nya ko sa noo't  lumabas na ng kwarto ko.

Nanatili ako sa pwesto ko at nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Butterflies in my belly. Tinanggi ko sa sarili ko to for 3 years at pinaghandaan ang sandaling to. Hanggang ngayon pala'y di parin ako tapos sa nararamdaman kong 'to.

Pero ayoko na. Pinaglaruan at ginago na ko harap harapan. Tama lang na umiwas ako at ipakitang tapos na ko sa nararamdaman kong 'to. Ayoko na.

Kayanin mo Alliah. Wag ka na magpaloko ulit. Wag mo na ulit hayaan na may mawala pang mahal mo para lang maayos mo ang sarili mo. Sapat na ang nangyari sayo dati. Tama na.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

The Last Letter for AlliahDonde viven las historias. Descúbrelo ahora