Backcourt

6.1K 90 13
                                    

Tumulong si Drew kina Raquel, Gilbert, at Yuri sa pagbabalot ng mga garapon ng atsara na pinapasok sa paper bags. Naikwento nya na ang planong pagsali sa contest.

”Basta hindi maaapektuhan ang pag-aaral mo, anak. Suportado ka namin dyan!” sagot nila Raquel at Gilbert.

Tuwa naman si Drew dahil lagi siya suportado ng mga magulang. Hanggang sa umiyak si Alby. Kaya naman agad pinahele ni Drew.

Si Raquel, halatang tuwa sa magandang pasok ng negosyo niya ngayong bagong taon, “Ang daming order ng kapatid ni Mrs. Bautista na OFW!”

“Kaya dagdagan mo ng dalawa, Ling, para umorder sila uli!” naisip na gimik ni Gilbert.

“Sana mas marami pang OFW ang umuwi at makatikim ng mga produkto ko!” dasal ni Raquel.

Biglang may kumatok sa pinto. TOK TOK TOK!

“Nako... Andyan na ata sila...” sabay tingin sa relo si Raquel, “Napaaga naman yata pagkuha nila ng order...”

“Ako na po magbubukas, Nay...”binuksan ni Drew ang pinto karga si Alby...

Sa pagbukas niya ng pinto, tumambad sa kanya ang mga hindi niya inaasahang makita.


“Vanessa?!” sobrang gulat si Drew makita si Vanessa kasama si Mommy Helen nito.

Gulat din sila Gilbert at Raquel sa likod.

Si Vanessa, sa pagkakatitig sa baby, alam mong sabik na sabik sa anak.

Pero si Drew, sobra ang kaba. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman na makita muli si Vanessa. Ayaw niyang isipin ang dahilan sa pagbabalik ni Vanessa!

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon