Change Court

2.6K 34 1
                                    

Si Blessie tinawagan si Camille, “Hello, girl? Nasan ka ba?”

“Nandito ako kay Daddy ngayon, binisita ko siya dito sa condo niya.” sagot ni Camille.

Tsismosa peg si Blessie, “Alam mo na ba ang latest?”

“Ang alin?” walang kaalam-alam si Camille.

“Confirmed na kasi,” bulalas ni Blessie. “Hindi anak ni Drew iyong baby! Lumabas na ang DNA result. Negative! Nakakaloka!”

“Pano mo nalaman?” di makapaniwala si Camille.

Chika ni Blessie. Nalaman niya ang lahat nang tawagan siya ni Arkin. Hinahanap kasi nito si Camille para tulungan silang damayan si Drew. 

Kaya naman si Camille worried agad para kay Drew. Nang matapos ang usapan nila ni Blessie. Tinawagan niya agad si Drew. Pero ring lang ng ring ang phone ni Drew.

***

Naka-silent mode kasi ang phone ni Drew. Kasama ni Drew si Raquel, dalawa silang nagtutupi ng mga damit. Pansin ni Drew na apektado pa din ang nanay niya.

“Nay, sorry po ah.”  Apologetic si Drew.

“Bakit ka nag so-sorry?” Para kay Raquel, walang kasalanan ang anak. Si Vanessa ang may kasalanan ng lahat.

“Kasi nadamay kayo sa gulong ito...” paliwanag ni Drew. Kung noon pa lang, nakinig na siya sa mga magulang niya. Wala dapat sila sa sitwasyong ito ngayon.

“Pamilya tayo anak, normal lang na pagdaanan din namin ang lahat. Gaya din ng dati, siguradong lilipas din ito. Kaya natin to, Drew. Basta magkakaramay tayo…”  

Magyayakap ang mag-ina. Strength nila ang isa’t isa.

“At hanga ako sa paninindigan mo para kay Alby, Drew…” biglang sabat ni Gilbert. Nasa likod na pala nila ito. Nabanggit ni Gilbert  na wala sa dugo ang pagiging isang ama. Na naniniwala siyang hindi mababago ng isang papel ang pagmamahal niya kay Alby.

Pero ang advice ng ama, “Kaso kailangan mo na isoli si Alby kay Vanessa… Alam kong mahal mo siya bilang anak…Pero hindi mo na siya tunay na anak…”

Malulungkot uli si Drew, “Ganoon na lang yun, Tay? Magpapatalo tayo? Susuko tayo?”

“Hindi lahat ng sumusuko ay talunan...isipin mo na lang ang mas makakabuti sa kanya, Drew.”

Giit pa ni Gilbert, may napagkasunduan silang lahat. Nangako sila kina Vanessa at Helen.

Mapapailing si Drew. Kung siya lang ang masusunod, gusto niya nang baliin ang naipangako niya. Gusto niyang ipaglaban ang anak niya!

Pero torn siya sa tuwing nakikita niya ang paghihirap ng mga magulang niya. Ayaw niya nang madamay ang pamilya niya. Masyado nang madaming nasakripisyo ang mga ito.

Kaya kahit mabigat sa kalooban niya, ang pasya ni Drew, “Sige po, Tay…ibabalik ko na si Alby kay Vanessa.”

***


Nang mismong hapong iyon, tinawagan agad ni Gilbert si Vanessa para sunduin na si Alby. Ayaw na kasi ni Gilbert na magbago pa ang isip ni Drew.

Habang hinihintay ang pagdating ni Vanessa, pinapalitan ni Raquel ang diaper ni Alby. Lapit si Drew.

“Nay, ako na po diyan.”

“Ako na…” Pangigigilan ni Raquel si Alby. Aamuyin ang puwet na bagong palit ang diaper. “Mami-miss ko tong amuyin! Ummmm…”

Drew sadly looks at Raquel playing with Alby. “Naniniwala po ba kayo na mas makakabuti kay Alby ang desisyon ni tatay?”

“Desisyon natin anak… hindi ba pumayag ka na?”

Hanggang sa ----

“Tao po!” dumating na si Vanessa.

 Si Drew, ma-a-alarma sa pagdating ni Vanessa. Mapapahawak siya sa kamay ni Alby. Mahigpit.

“Kinukuha na siya ng Nanay niya, Drew…” sabi ni Gilbert kasama na si Vanessa.

Maluha-luha si Drew. Muling naglalaban ang sarili niya. Parang hindi niya pala talaga kaya mawalay sa anak.

Maiiyak na si Drew. Muling makikiusap ito kay Vanessa.

“Vanessa parang awa mo na… wag mo na lang kunin sa akin si Alby.”  



Kulang na lang lumuhod si Drew sa harap ni Vanessa. Gulat sina Raquel at Gilbert. Nagbago na naman ang isip ni Drew.



“Drew, napag-usapan  na to di ba?” nagtatalo din ang loob ni Gilbert. But he knows ito ang tamang gawin.

“Sorry Drew…”  hindi kayang makita ni Vanessa na umiiyak si Drew. Kukunin nya na si Alby.

Makikita nila ang resistance ni Drew na bitawan si Alby. Awang-awa si Raquel sa anak. Pero dahil nagtitiwala siya na ito ang dapat na mangyari, pakikiusapan ang anak, “Drew, sige na…”

“Nay, ayoko…” Tuloy sa pag-iyak si Drew. Parang batang ayaw ibigay ang laruan na mahalaga sa kanya.

Maiiyak na rin si Raquel. Si Gilbert, pipilitin na kunin si Alby.

Si Raquel, hahawakan na ang anak.

“Naaaay…huwag po… Taaay…” pakiusap pa ni Drew.

Nang maagaw na Gilbert si Alby. Sabay abot kay Vanessa.

Maiiyak si Vanessa sa tuwa. Antagal niyang hindi nahawakan si Alby. Antagal niyang hindi nayakap, “Alby… Alby…”

Vanessa hugs Alby while crying. She looks at Gilbert and Raquel, “Salamat po…”

Pero hindi na nagawang tumingin ni Vanessa kay Drew. Hindi niya na kaya magtagal. Labas na agad si Vanessa ng bahay.

 “Albbyyyyyyyyyy!!!” hagulgol si Drew. Wala na siyang nagawa para pigilan si Vanessa.

Yakap-yakap nina Raquel at Gilbert si Drew. Hindi nila alam kung paano patatahanin ang anak. Alam nilang sobrang masakit ito para kay Drew, pero ito ang alam nilang tama. 

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon