1. Really, really happy

49 1 0
                                    

Red lies
mga kwentong kuys danyel

01 - Really, really happy

April 2007

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sa totoo lang hindi ako sanay na nakaayos ng ganito. I'd rather wear my loose t-shirt over this fancy casual dress. Ngunit ayoko rin namang dumating doon nang hindi nakaayos.

''Lyra, ang ganda mo." Sabi ni Keisha, best friend ko. Her eyes were sparkling, as if she's really amazed with my looks. Kasabay nito ay ang pagpalakpak niya "Ang ganda ganda mo" She steepled her hand together and repeated her words, parang sirang plaka talaga. Hindi pa rin naaalis ang titig niya sa akin at hindi ko mapigilan ang pamumula ng aking mukha dahil dito.

"Tumigil ka nga!" Natatawang suway ko sa kanya. Hindi ako sanay na ganito si Keisha. Hindi ako snay sa mga titig niyang ito. This is not her. Hindi naman kasi siya pala-compliment. Mas madalas mang-asar at mas sanay ako kapag inaasar n'ya ako.

"Nagkasya yung dress ko sayo " Dagdag niya. "Fresh from Divisoria pa 'yan, neng."

I am wearing the red casual dress that my bestfriend gave me. Isang beses lang niya itong naisuot, noong 2nd year acquaintance party , dahil medyo bumilog na siya ngayon.

" Wait hindi pa tapos" Kinuha nito mula sa kanyang pouch ang pulang lipstick. "Ito para sa finishing" Inilagay niya ang pulang lipstick sa akin. . I pressed my lips together to ensure there would be no excess.

Muli akong tumingin sa salamin. She instructed me to turn around using her index finger. Sinunod ko ito at  nakita ang kabuuan ko sa salamin. The red lipstick complimented the dress I am wearing.

"Ang ganda ganda mo talaga Lyra. Pwede mo ng i-represent ang buong Tondo sa beauty mo"

"Hay nako! ewan ko sayo. Paulit-ulit" Natatawang sabi ko. Kung 'di ko lang talaga uto-uto ay baka naniwala na ako sa mga pinagsasabi niya. "Tara na nga!" Pagyaya ko . Binuhat ko palabas ang ilang mga bags na naglalaman ng mga damit ko. Ikinandado ko na rin ang pinto ng bahay. Sa susunod na araw ibang pamilya na ang uukupa dito. I will miss this.

Nang makalabas ako, sinalubong ako ng ilang mga batang nagtatakbuhan papunta sa aking direksyon. Sina Leila, Amethyst at Kano, ilan sa mga batang tinuturuan kong magbasa sa lugar namin dito sa Tondo

Their eyes were glued on me. Pero sa kanilang tatlo ang batang si Leila ang tanging maingay dahil sa hikbi nitong kumakawala.

"Ate Lyla, Babalik ka pa po ba?" Lumuluhang tanong ni Leila sa akin. She's just six but she looks younger than she is. It's probably because of her thin body. Di hamak na mas mapayat siya kumpara sa mga ka-edad niya. Now that she's crying it even added to her fragility. Parang anumang oras ay mababasag siya kapag nagpatuloy pa siya.

"Pag-alis niyo wala na po akong kalalo, aasalin lang po nila ako " Ito rin ang isa sa pinaka inaalala ko sakaling umalis ako. Kapag sinimulan siyang tuksuhin ng mga bata dito sa amin. Hindi niya ma-pronounce yung r at nagiging l kaya't naging kumpulan siya ng tukso. Hindi rin naman kaya ng pamilya niya na maghanap ng speech therapist para tumulong sa kanyang lisp.

"Oo naman babalik ako. At andiyan si Ate Keisha mo para ipagtanggol ka palagi." Pinunasan ko ang kanyang mga luha. Saglit kong tinignan si Keisha, she just looked at me and smiled, which reassured me that everything would be okay.

"Tsaka malapit lang naman ang Laguna" I assured her. Kahit papaano ay tumahan si Leila sa naging sagot ko. I hate to know that I am the reason why she's crying. Paulit-ulit niyang kinuskos ang kanyang mga mata upang punasan ang mga luha at patahanin ang sarili. Ito na ang huling araw na kasama ko sila. Bukas sa Laguna na ako titira.

Red LiesWhere stories live. Discover now