BLOODY FIVE

191 16 0
                                    

• Justin's Point of View •

Grabe nakakapagod pero sobrang saya basta kasama ko sila. Di na namin namamalayan ang oras, kulang pa nga ata kahit araw araw kami magkakasama. Ganun talaga siguro pag pamilya na ang turing niyo sa isa't isa.

"Oh saan na tayo didiretso? Wag niyo sabihing uuwi na tayo agad agad? Maaga aga pa mga pre."

Saad ni Josh.

Tsk. Kahit kailan talaga lakwatsero itong si Josh o baka inlove lang talaga gusto pa makasama si Ken ng matagal awittt kilig kilig

"Kahit saan basta kasama ko kayo."

Sabi naman ni Ken.

"iiyak na ba kami Ken?"

Sabi ni Sejun.

Nag iyak iyakan si Stell na parang sanggol binatukan siya ni Ken "Siraulo ka talaga Stell ano na saan na tayo tatambay?"

"Alam ko na! Sight seeing nalang tayo!"

Saad ko.

"Uyy gusto ko iyan saan tayo maghahanap ng Chics??"

Sambit ni Stell.

Nagtawanan ang lahat may pagka babaero din ito eh ika nga nila sa School tamang pa Fall ang Loko.

"Di tayo mambababae kahit kailan yang kaharutan mo Stell ah."

Saad ni Sejun.

"Selos na tuloy si Mama Sejun."

Pang aasar ni Ken.

Ayan nakatikim ng batok si Ken galing kay Sejun.

"Tara na may alam akong Lugar Kung saan maganda mag Stargazing."

Sabi ko at sabay sabay na kami bumiyahe papunta sa Park na tinutukoy ko.

• Stell's Point of View •

Nakaupo na kami ngayong sa Damuhan at pinagmamasdan yung maliwanag na kalangitang puno ng Bituin.

"Ang ganda pala dito ehh." sabi ko sa sobra kong pagkamangha.

"Para tayong mga Bituin sa Langit tayo ang nagbibigay liwanag sa isa't isa."

Sabi ni Justin.

"Meralco ka boy??" biglang sabat ni Ken.

"May liwaaanaaagg ang buhaaaayy~"

Pagkanta ko with matching kulot kulot pa sa dulo imagine niyo na lang. Kaya lalo nagtawanan ang grupo.

"Sana all biritero."

Sambit ni Josh.

"sana all Rapperitizinationcizism."

Kamot ulo na yung apat o diba ang galing ko.

Tumingin si Justin sa Orasan niya at parang may biglang naalala.

• Ken's Point of View •

Katabi ko si Justin at kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya na may halong pag-aalala.

"Di ko pa pala namessage si Jessen kung nakauwi na siya. Dati naman nagtetext sakin yun pag pauwi na siya ah."

Bloody NightWhere stories live. Discover now