BLOODY FOUR

215 19 0
                                    

Justin's Point of View

"Grabe kakamiss gumala."

Nakangising sambit ni Ken nang pababa na kami sa jeep.

Kakarating lang namin sa mall at ang mga loko, nag-uunahan pa sa pagbaba.

I chuckled, "Kala mo talaga nagsisipag." pang-aasar ko sa kanya na tinawanan naming lima.

Lumapit sa'kin si Ken at inakbayan ako, "Ikaw bujing ha? Pasmado ka ah?" natatawa niyang sabi at ginulo ang buhok ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at inirapan.

Tinungo agad namin ang Quantum. Medyo maraming tao, marahil sa kadahilanang wala kaming klase. Nakikita ko rin ang iba naming school mates na nag-uunahan pa sa pagpapapalit ng tokens.

"Oh, dating gawi, si Jah magbabayad."

Seryosong saad ni Josh na tinawanan ng tatlo.

Hinampas ko siya ng mahina, "Epal ka." sabi ko at inirapan din siya, "KKB oy." dagdag ko pa.

Nag-ambagan kami ng tig-singkwenta para sa tokens. Tila nagningning ang mga mata ni Josh nang makita ang madaming tokens na meron kami.

Stell laughed at him, "Tignan mo si Josh, 'di na naman makapili kung saan unang maglalaro tapos ang bagsak lang niyan doon sa claw machine." asar nito sa kaibigan.

Josh smirked at him, "Wait and see, Stell. 'Wag kang hihingi ng stuffed toy 'pag may nauwi ako ha!"

Umalis na si Josh para pumunta sa claw machine. Sinundan naman siya ni Stell na kinukulit ito para bigyan siya ng mapapanalunan niya. I just shook my head and laughed at them. Mga sira talaga.

Bumaling naman ako kay Sejun na kanina pa iniitsa ang mga tokens sa kamay niya, "Saan ka maglalaro, Sejun?"

He hummed in response, "Siguro sa Tekken muna? What do you suggest?"

"Sige tara, duel tayo." nakangiti kong sagot.

Ken huffed behind us, "Awit, lugi talaga 'pag by pair." may himig ng pagtatampo sa tono niya.

Napatawa naman ako at inakbayan siya, "Para namang kaya kitang iwan." pang-aasar ko at napatawa kaming dalawa.

"Baka ma-fall ako niyan." natatawa niyang sabi at lalo lang kaming napangisi sa isa't-isa.

Sejun fake gagged at us, "Kadiri kayo. Ako na nga lang magso-solo."

Tinawanan lang namin siya at pinagitnaan. Wala na siyang nagawa kundi magpatianod sa amin.

Kung ano-ano ang ginawa namin. Nag-Tekken, nag-basketball at nag-dance revo. Sampung tokens na lang ang natira sa'ming lima at alam na namin kung anong ibig sabihin non.

"Kuya, isang room po sa KTV." saad ko at sabay bigay ng ID ko. Ibinigay niya naman sa akin ang log book para i-register ang reservation namin.

Matapos 'yon ay nangingiti naming binagtas ang KTV room. Tradisyon na ata namin na sa tuwing mag-arcade kami, hindi dapat mawawala ang videoke bago umuwi.

Inayos ni Kuya ang videoke machine at hinulog na ang sampung tokens na meron kami. Agad kaming napahiyaw pagkalabas ni Kuya.

"Ayan, sino start?" nakangiting tanong ni Josh na hawak ang mic, "Patagalan muna ng pagsabi na 'Ang pogi ni Josh Cullen'." dagdag niya pa.

Hinampas siya ni Stell, "Baliw ka talaga," saad niya at saka kinuha ang mic, "Ready na ba kayo mga kids?" natatawa niyang sabi na sinakyan din namin at humiyaw na parang mga bata sa birthday party.

He laughed, "Alam niyo na ang usual, una ang bunso!" saad niya at ibinigay sa'kin ang mic. Then we started singing.

Ang saya lang na makitang ganito kami. Buo. Parang walang makakapaghiwalay.

"Ano ba 'yan, last song na," nakapalumbabang sabi ni Sejun na kasalukuyang may hawak ng mic, "Theme song na natin."

Tumugtog ang kantang 'Minsan' ng Eraserheads. Pinangunahan ni Stell ang pagkanta na sinundan ni Josh, tapos si Ken at iniabot kay Sejun ang mic.

At sa dulong parte ng kanta, sa akin ibinigay ang mikropono. I smiled while singing along the last lines, "Ngunit kung sakaling mapadaan, baka ikaw ay aking tawagan," pagkanta ko at medyo naluha na sa 'di malamang dahilan, "Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan."

Lumapit sa'kin si Ken at niyakap ako, "Ang soft talaga ng bunso namin," nakangiting sabi niya.

Tumulad sa'min ang tatlo at para kaming mga sira na nagyayakapan sa loob ng KTV room.

Bloody NightWhere stories live. Discover now