BLOODY ONE

459 27 0
                                    

• Justin's Point of View

*Alarm Ringing*

"Hoy Kuya, magbihis kana, papasok pa tayo."

Singhal ng kapatid ko sakin habang siya ay kumakain na.

"Oh sya Kuya Justin, tapos na akong kumain, papasok nako sa school ahh, bahala ka na dyan."

Sabi ng kapatid ko sakin sabay halik sakin sa pisngi.

"I love you."

Sabi ko.

"I love you too Kuya."

Sagot niya naman.

Nagmamadali na akong kumilos at kumain para hindi ako ma late sa klase, unang pasok pa naman ngayon at magkikita pa kami ng mga barkada ko.

----- At the school -----

"Oyy Dre!"

Sigaw sakin ni Ken, kaibigan ko.

"Oyy Dre kumusta? Long time no see."

Sagot ko naman.

"Ok naman, ikaw ba?"

Sabi nito.

"Ok lang din."

Sagot ko.

"Nasan na kaya yung tatlong buang na yun?"

Dagdag ko pa.

"Oo nga no? Tara pasok na tayo Jah."

Sabi nito sakin.

• Ken's Point of View

Nasa loob na kami ng classroom namin at dumating na din sa wakas sila Sejun.

"Oyy Ken, Jah."

Sabi ni Sejun.

"Oyy sejun, ang gwapo ahh."

Sabi ko dito na may halong pambobola.

"Nah, bolero ka talaga Ken HAHHAHA."

Sagot nito sakin.

"Hoy po Sejun, kamusta?"

Tanong ni Jah.

"Ok naman Jah, ikaw ba?"

Tanong sa kanya ni Sejun.

"Okay naman, maayos yung buhay kasama kapatid ko."

Sagot ni Justin kay Sejun.

• Josh Point of View

Habang naglalakad kami ni Stell. Ay sobra yung saya namin na makikita na namin ulit mga kaibigan namin.

Sabay na din kami ni Stell pumunta sa school kasi halos magkalapit lang bahay namin.

"Stell, kamusta na kaya yung tatlong yun?"

Sabi ko.

"Okay naman siguro yun, nakakausap naman natin sila sa chat diba HAHHA sagot nito."

Sabi ni Stell.

"Oh malapit na tayo sa classroom natin, makikita na natin yung tatlong buang na yun."

Dagdag pa nya.

• Stell's Point of View •

Nakarating na kami sa classroom namin. At tuwang tuwa si Josh na makitang muli sila Sejun.

Pag dating na pag dating namin ay unang niyakap ni Josh si Ken. Matagal ng may gusto si Josh kay Ken ngunit natatakot siya na baka masira pag ka kaibigan nila kaya pinananatili niya itong lihim.

"Oyy Ken."

Sigaw ni Josh kay Ken sabay yakap

"Oy Dre, musta? Grabe dre walang nagbago sayo, maliit ka parin HAHHAHAHHA."

Sagot ni Ken

Dumating na ang Teacher namin at nagsimula na ang klase.

*Bell Ringing*

• Justin's Point of View •

Uwian na at napag pasyahan kong sunduin ang kapatid ko. Ngunit nang biglang nag aya ang apat na mag jamming muna.

"Justin!!"

Tawag ni Ken sa akin.

"Ohh? Ano yun Ken?"

Sagot ko.

"Jamming muna tayo. Tagal din natin hindi nag kita."

Sabi nito

"A-Ahh E-Ehh susunduin ko pa kapatid ko."

Nauutal kong sabi.

"Ano kaba. Susunduin natin siya i-sama na natin."

Sabi naman ni Josh.

"Oo nga dre"

Sabi nung tatlo.

Wala akong magawa kung hindi ay pumayag na isama nalang ang kapatid ko. Kasi matagal din naman kami hindi nagkita at kaibigan din naman nila ang kapatid ko.

"Kanta tayo mga dre."

Sabi ni Stell

"Kumanta ka dyan mag isa."

Sagot naman ni Josh at nag tawanan silang lahat.

Bloody NightWhere stories live. Discover now