BLOODY THIRTEEN

141 9 0
                                    

3rd Person's POV

Habang nagpapagaling si jah sakanila ay may nakamanman sakanilang mga kilos, sinusundan kahit saan sila magpunta. Masyadong alerto ang nagmamanman sa kanila kaya hindi siya nahahalata

"Pano kung bumalik tayo dun lugar kung saan tayo pinapunta? Baka andun ang kapatid ko!"

Ani ni Jah.

"Jah kakagaling mo lang magpahinga ka muna. Nagmamanman din kami sa paligid ngunit wala kaming makitang bakas nung kung sino mang kumuha kay Jessen."

Tugon ni Sejun.

"Kailangan nating gumawa ng plano, malamang pinapaikot lang nila tayo" ani naman ni josh.

Habang ang nagmamanman ay umalis na at nagsabi sa kanyang amo na palitan na ang lugar kung saan papapuntahin ang magkakaibigan, dahil nagbalak ang mga ito na bumalik sa lugar.

"Palitan mo ang numero mo at bumili ng bago, baka matrace nila yan. Itapon mo yang numero mo sa pinakamalalim na ilog, dagat o kahit saan basta hindi nila mahahanap! Naiintindihan mo?!!!"

Sigaw ng kanyang amo.

"Yes boss!"

Tugon naman nito.

Sejun's Point of View

"Alam kong may nagmamanman na saamin kaya kailangan namin siyang hulihin. Kahit na ang linis ng galaw niya nahuli ko parin siya, sino ba namang tangang magmamanman ang magtatago sa likod ng bahay at bago umalis nakatapak ng lata?"

Sabi nito sa sarili.

"Isa pa tama ung sinabi ni josh. Malamang pinapaikot lang kami ng mga yon, mabibilis ang mga galaw nila. Naisip ko ding itrack ang nagmamanman ngunit hindi ko alam kung paano, kaya ngayon iisipin ko muna kung paano ko ito sasabihin kila Josh."

"Sejun hoy!"

Sigaw ni Josh.

"Oh ano yun?"

Tila ba gulat ang ekspresyon ng binata.

"Kanina kapa tulala diyan, anong iniisip mo?"

Tugon sa kanya ni josh.

"Ah ayun ba? Iniisip ko ang magiging plano natin paano natin makukuha si jessen kung kinidnap nga siya."

Pagsagot ni Sejun ng kalmado.

"Hindi ko pu-puwede sabihin na may nagmamanman saamin, ayokong magpanic sila. Sasabihin ko nalamang sa mga susunod na araw"

Sabi ulit nito sa sarili.

Josh's POV

Nakakapanibago, tulala si sejun habang sina stell at ken ay inaalagaan si jah para gumaling agad.

Alam kong may bumabagabag kay sejun, kung plano talaga ang iniisip niya. May tiwala ako sakanya, may tiwala kami sakanya.

"Jah kamusta pakiramdam mo??" Tanong ni ken ng magising si jah.

"Nagiging ok na ang pakiramdam ko" tugon ni jah.

"Jah, may naalala kaba bago ka mahimatay??" Tanong ni stell.

"Meron nung tatawagin ko na sana si ken kasi malapit samin ung narinig nya, nung lilingunin ko na si ken may biglang pumalo sakin na matigas na bagay" pagku-kwento ni jah.

Sa sinabi ni jah napalingon si sejun. Parang may naisip siyang paraan na gagawin namin ngunit hindi ko matukoy kung ano ito. Sana, sana hindi siya kumilos mag-isa.

"JOSHHH!" sigaw ni stell.

"Hmmm?" Sabay lingon

"Sabi ko paabot kako ng tubig tsaka nung gamot ni jah" sabi ni stell na may pagaalinlangan.

Inabot ko naman kay stell yung tubig at gamot ni jah, pagkatapos pumunta muna akong kusina para uminom din ng tubig.

"Balisa ka ata? Ano iniisip mo?"

Gulat akong napatingin sa nagsalita

"Hindi naman, ikaw ba anong iniisip mo Sejun? Kanina kapa tahimik. Iba yung pagkatahimik mo ngayon."

Kalmado kong sagot nang malaman na si Sejun ang nagsalita

"Tiyaka ko na sasabihin sainyo kapag tama ang hinala ko."

Pagkasabi niya non ay umalis ito agad.

Hinala? May pinagdududahan na sya? Sino? Pano?

Ayan ang mga tanong ang pumasok sa isip ko pagkatapos niya akong iwan. Sana huwag niyang sarilihin kung ano man iyon.

Bloody NightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu