BLOODY FOURTEEN

259 8 3
                                    

Stell's POV

Ano kayang iniisip nila pablo at josh, may inililihim ba sila saamin? Pero magkakaibigan kami dapat nagdadamayan at sinasabi ang problema. Ngunit parang sinasarili lang nila, kanina ko pa sila napapansin na tila ba ang tahimik at malalim ang mga iniisip.

Kanina nung tinatawag ko si josh ay nakatulala siya, ang lalim ng tingin nya sa sahig. Nung pumuntang kusina naman si pablo sumunod siya, napansin ko yun.

"Ano stell ikaw din mananahimik diyan? Ano ba mga iniisip nyo?" Tanong ni jah.

"Pansin mo din? Nabobother kasi ako, baka may tinatago sila satin tapos hindi natin alam" Paliwanag ko kay jah ng pabulong.

"Oo pansin ko, mga malalalim iniisip nung dalawa kanina. Pagnaguusap tayong apat si pablo ang tahimik, nung sumunod si josh naman" Tugon saakin ni jah.

May tiwala naman ako sa dalawa, ang saakin lang kung may pinaplano sila sana idamay nila kami dun sa plano. Dahil hindi lang naman silang dalawa ang magkaibigan.

"Nag-uusap nanaman silang dalawa, gusto ko din malaman anong pinag-uusapan nila." Biglang sabi ni jah.

Gusto kong tanungin din kung ano yun, kaya lumapit ako sa bandang kanto ng pinto sa kusina. Kung saan malapit sila doon. Sumunod din naman saakin si jah, si ken? Ayun tulog ang loko.

"Kailan mo balak sabihin sakanila pablo? Panigurado ako naghihinala nayun sila sa mga kinikilos natin" banggit sakanya ni josh. Habang si pablo ay para bang nag-iisip isip.

"Maghahanap nalang siguro ako ng tiyempo para sabihin sakanila" sagot nito kay josh.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, kaya napasalita ako ng wala sa oras. Ayun ang dahilan para magulat sila at matahimik.

"At kailan yung tiyempo nayun ha pablo?! Pagmay nasaktan nanaman??" Pasigaw na sabi ko sa inis na aking naramdaman.

"Stell huminahon ka, kumalma ka muna. Hayaan natin silang magpaliwang" malambing na tonong sabi ni jah.

"Jah please take a rest first, I will explain to you everything later." Pagmamakaawa ni pablo kay jah na kakagaling lang ng ospital.

"No pablo, let me hear your explanation first! I think we deserve an explanation" Tumaas nadin ang tono ni jah sa inis.

"Pablo, josh. Magkakaibigan tayo dito, bakit parang kayong dalawa lang ung magkaibigan! Akala ko ba walang magtatago ng sikreto sa isa't-isa? Ano un akala lang namin?!" Tuloy tuloy kong sigaw.

"Stell pakinggan mo kami, intindihin mo kami please lang. Hindi pa ako sigurado sa hinala ko, ayoko gumawa ng hakbang hanggat hindi sigurado. Gusto ko lang naman kayo protektahan" paliwanag ni pablo. HA! Protektahan? Talaga lang.

"Kami iniisip mo, pablo isipin mo din ung kapakanan mo! Gagawa ka ng hakbang? Ano ikaw lang magisa?! Paano kung mapahamak ka! Maganda ng tayo-tayo ang gagawa ng hakbang para handa tayo dito sa laban na'to!" Galit na sabi ni Jah. Masyadong selfish ang desisyon nila pablo saa aware sila dun.

Ken's POV

"Maganda ng tayo-tayo ang gagawa ng hakbang para handa tayo sa laban na'to!"

Narinig ako sa sigawan nila, ano bang problema ng mga ito. Alam ng may natutulog eh. Pumunta ako sa kusina dahil doon ko naririnig ang away nila at hindi ako nagkakamali.

"Bakit ba ang ingay-ingay niyo?! Alam ng may natutulog eh!" Pasigaw ko sakanila na tila nagpatigil sakanila.

"Oy jah ok kana?? Hindi na masama pakiramdam mo?" Bigla kong pagkamusta dahil siya ang una kong napansin

"Ok nako, umaayos na ung pakiramdam ko. Salamat" sagot ni jah sabay nginitian ako.

- S A L A -

Kwinento nila sakin ang nangyare habang tulog ako at bakit sila nagsisigawan.

"Pero hindi niyo ba naiisip? Malamang may nagmamasid saatin at pagnalaman nun na nagaaway away tayo, matutuwa payun sila. Mag-isip nga kayo! Kung tungkol sa plano hayaan niyo munang buuin bago pagusapan, magisip nga kayo!" Inis na tugon ko sakanila.

"Ken ikaw ba talaga yan?!" Tanong ni josh.

"Hala may sakit kaba?! Ikaw ata hindi ok" sunod ni jah.

"Pablo kuya ka nga thermometer!! Dalii!!" Dagdag pa ni stell.

"Mga buang kayo! Maayos lang ako. Wala akong sakit! Anong tingin niyo saken hindi naiinis???" Malumanay na tugon ko sa apat.

"Nanibago lang yan sayo, madalas kang buang alam namin yun. Minsan ka lang magseryoso kaya ganyan sila umakto, pero may point si ken. Kung may nagmamasid man tinatawanan na tayo nun, kaya makicooperate kayo please lang" pakiusap saamin ni pablo na para bang pagod na magexplain.

Nagkanya-kanya na muna kami, si jah ay natulog na muna. Si stell naman ay nagluluto, si josh at pablo nag-iisip ng pwedeng maging plano at gumawa ng hakbang. Ako? Nanonood ng tv, sabi nga chillin like a villain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bloody NightWhere stories live. Discover now