Chapter 6

474 21 0
                                    

**Jane’s POV**

Nung nag-uwian na, mag-isa lang akong naglalakad..

Namimiss ko na talaga ang bestfriend ko..

Habang naglalakad ako, bumuhos ang malakas na ulan.. great! Wala pa naman akong payong..

Hindi na ako nag-abalang tumakbo dahil basa na rin ako..

Maya-maya pa magnagpayong sa akin..

“ANO KA BANG BABAE KA!!BAKIT KA NAGPAPAPAULAN??!!GUMAGAWA KA BA NG MUSIC VIDEO?!”

Aray.. ansakit sa tenga..

“NARIRINIG KITA WAG KANG SUMIGAW!!”

“PAKIALAM MO BA?”

“ARGH! ANO BANG PROBLEMA MO IAN?!”

Opo, si Ian po ang kasigawan ko.. bakit ba to sigaw nang sigaw?

“IKAW!! IKAW ANG PROBLEM KO!!”

“PWEDE BA WAG KANG SUMIGAW!!”

“BAKIT BAWAL SUMIGAW? NAWALA LANG AKO PINAGPALIT MO NA AKO SA PAUL NA YUN!!”

“huh?”

“wag mo akong hina-huh!!May payakap yakap pa kayong nalalaman!!”

“Eh bakit ba? Yakap lang naman yun..”

“kahit na!”

“ano ba kasing pinupunto mo?!”

“ARGH!! ILANG ANESTHESIA ANG TINIRA MO AT NAPAKAMANHID MO??”

“AKO PA MANHID?? BAKA IKAW!!HINDI MO NGA ALAM NA MAHAL KITA HIGIT PA SA PAGKAKAIBIGAN!!”

Ooooops!

Pagkasabi ko nun.. biglang tumigil ang malakas na ulan kaya rinig na rinig..

Huhu!! Bakit ko nasabi yon?? Patay..

Kakaiba ang ekspresyon ng mukha ni Ian..

Natatakot ako..

Natatakot akong malaman kung anong sasabihin nya..

May mahal syang iba at si Jam yun.. Alam ko nay un..

“M-mahal mo ako?”

Hindi ko na kinaya dahil nahihiya ako na kinakabahan na hindi malaman.. parang natatae na siguro ang itsura ko ngayon..

“teka Liya!!”

Sigaw ni Ian dahil tumakbo ako..

Oo na.. ako na ang duwag.. masisisi nyo ba ako??

Matagal kong nilihim yung nararamdaman ko tapos bigla na lang lalabas na parang kabute??

Pero anong ibig nyang sabihin sa ang manhid ko?? Manhid ako dahil hindi ako giniginaw? Anlabo!!

Tumakbo kaagad ako papunta sa bahay ni Alexa..

Naabutan ko sila ni Paul na masayang nag-uusap.. hay.. buti pa sila.. Masaya.. samantang ako.. dakilang BESTFRIEND lang..

“Alexa!!”

“Oh.. Lis bakit ka nandito?”

Hindi ko na pinansin si Alexa at tumingin kaagad kay Paul..

“Paul, pahiram muna kay Alexa ha?”

Hindi ko na hinayaang magsalita si Paul at hinila ko na si Alexa papasok sa bahay nila..

MANHID MO KASI!! [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें