Chapter 1

985 28 1
                                    

**Jane's POV**

"Lahat sila sinasabi sakin, Mae ang t*nga t*nga mo. Hanggang kalian ka magpapakat*nga? Pero ganun naman talaga di ba? Lahat ng nagmamahal nagpapakat*nga! Kaya t*nga na kung t*nga, pero mahal kita!"

Eto ako ngayon at pinapanuod ang favorite kong part sa favorite kong movie, Paano na kaya. Bakit ko 'to naging favorite? Dahil relate na relate ako. Inlab na inlab ako sa bestfriend kong may mahal nang iba. Pero sabi nga ni Kim Chui, lahat ng nagmamahal, nagpapakat*nga.

Atsaka natatakot akong sabihin dahil baka pagnalaman nya, layuan nya ako..

Kungbaga parang utot lang yan eh.. kailangan mong pigilan.. kasi pagnalaman nya, lalayuan ka nya..

"Hoy, babae!"

"Ay mahal kita!"-sabi ko dahil sa sobrang gulat

"Sinong mahal mo? Ako? Sabi ko na nga ba may gusto ka sa akin eh!"-sabi ng isang lalaking ubod ng gwapo

Jasper Ian Mendejar. Yan ang bestfriend ko. Ang lalaking minamahal ko ng palihim.

"Wag kang assuming! Nanunuod kasi ako kaya nabanggit ko yung sinasabi ni Mae!"-palusot ko kahit totoo yung sinabi nya

"Ay? Edi hindi mo ako lab?"-sabi nya sabay paluha epek pa

Wag kang ganyan Jasper Ian Mendejar! Hindi kita matiis!

"Syempre lab na lab kita..." ..matagal na..

"Hehe..I love you too..

Bestfriend"

OUCH! Yan lang ang masasabi ko. Hanggang bestfriend lang talaga ako..FRIENDZONED..

Ngumiti na lang ako ng pilit at nanuod.

Kung hindi ko pa pala nasasabi, ako nga pala si Jane Alicia Magbanua. 1st year college na ako..16 years old na ako at nag-iisa lang akong anak pero hindi ako spoiled. Si Jasper Ian Mendejar naman ang aking bestfriend.17 years old at 2nd year college na sya... Close na kami simula pagkabata dahil laging wala ang mga parents naming..kaya sa tingin ko, kapatid at bestfriend lang ang turing nya sa akin.

Marami na yang naging girlfriend pero trip nya lang daw. Sabi nya kasi may mahal na daw sya pero hindi nya sigurado kung mahal sya. Ang swerte naman nung mahal nya.

Kung pwede-

"Oy Jane! Tapos na yung pinapanood mo! Bakit ka ba nakatulala dyan?"

Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa pagsigaw nya..

"Ay sorry naman! May iniisip lang!"

"Bakit kasi yan na naman ang pinapanood mo? Pang 100 beses mo na ata pinanood yan eh!"

"Eh bakit ba?Trip ko eh."

"Malapit na ang pasko, ano regalo mo?"-tanong sakin ni Ian

"Wala"

"Wala? Naman Jane! Ang kuripot mo talaga!"

"Yung puso ko na lang regalo ko"- pabulong kong sabi sa kanya

"Ano?"

"Wala.. Eh ikaw? Ano regalo mo?"

"Wala eh... Pwede puso ko na lang?"

Gaya-gaya!! Pero kung yun din lang naman regalo mo, sige! Kahit wala na akong ibang matanggap! Kyaaah!! Kinikilig ako.. pero wag kang papahalata Jane!!

"Ha-ha! Mga banat mo Ian! Kung yan ginagamit mo dun sa babaeng kinukwento mo! Sino na nga ba yun? Si Jam ba yun?"

"Ah sya ba?"

Biglang nag-iba yung ekspresyon ng mukha nya.. naging parang malungkot..

Oo, nagkukwento sya sa akin ng mga bagay na tungkol kay Jam.. ang babaeng matagal na nyang mahal..hindi ko pa nakikilala si Jam pero napakaswerte nya.. mahal na mahal talaga sya ni Ian..

Para malibang sya, niyaya ko na lang sya kumain ng ice cream.. alam ko namang matutuwa sya..

Hay.. Ian.. bakit kasi hindi kita matiis...

MANHID MO KASI!! [Completed]Where stories live. Discover now