Chapter 2

627 28 1
                                    

**Jane’s POV**

May pasok ngayon at sabay kaming pumasok ni Ian dahil magkapit bahay lang kami at iisa lang ang school namin.

“Oy Jasper! Basketball tayo maya!”-sabi ni Paul, isa sa barkada ni Ian.

Jasper ang tawag kay Ian dito sa school. Bakit? Ayaw nya daw. Hindi daw sila close. Pati barkada no? sungit talaga nitong bestfriend ko.

“Sige ba!”-Ian

“Hi pala Lis!”-Paul na wagas kung makangiti

Hindi kaya mapunit pisngi nito?

“hi!” sagot ko sabay ngiti

“Sama ka sa amin maya.. Pwede ba?”-Paul

“Sige., ok lang”

“Talaga?!Yey!”-Paul

Nakakatuwa talaga tong lalaking to. Actually, ngayon lang sya nakipag-usap sakin ng ganito katagal. Dati wapakels yan eh. At wala talagang nakikipag-usap sakin dito sa school na lalaki maliban na lang kung kailangan.

Nga pala, Lis ang tawag sa akin dito sa school from Alicia (a-LIS-sya).. Si Ian lang tumatawag sa akin ng Jane.. Sya lang daw ang pwedeng tumawag sakin ng Jane dahil sya lang daw ang bestfriend.. Ansabe?

“hahaha! Nakakatuwa ka pala”-sabi k okay Paul, para kasing bata..

“Tss.. Halika na nga Liya”-Ian, sabay hila sa akin

Bastos din tong bestfriend ko.. kitang may kausap biglang nanghihila.. kung hindi ko lang ‘to mahal, naku!

“Bye Lis!”-pahabol ni Paul

Nginitian ko na lang si Paul at nagpahila na sa loko-loko kong bestfriend..

“Ano ba Ian! Makahila ka naman, wagas! Mababali na yung kamay ko!Atsaka, MASAKIT!!”

Hindi naman talaga masakit.. OA lang ako..

“Wag ka ngang sumigaw! Hindi mo ba alam na kayang umabot ng boses mo sa kabilang bayan?”

“OA mo Ian! Makahila ka kasi, wagas!”

“Sorry naman! Nag-asdfgsdfkhak eh”

Ano daw? Hindi ko naintindihan yung huli nyang sinabi dahil halos binulong nya na lang.

“Ha?Ano sabi mo?”

“Wala.. sabi ko..lika na.. baka malate tayo”

MANHID MO KASI!! [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя