Chapter 8

500 23 0
                                    

**Jane’s POV**

Christmas vacation na namin.. lagi akong nakatambay kila Alexa dahil nalulungkot ako.. at ang magaling na si Alexa.. tinutulugan lang ako..

“alexa.. gumising ka dyan!! Kausapin mo ako.. hindi na ako pinapansin ni Ian, nagsawa na ba sya? Sumuko  an g sya? Pano kung ok lang sa kanya na magkalayo kami at hindi nagpapansinan?huy! Alexa!!”

“Arrgh!! Ano ba Lis?? Sino ba ang lumayo? Di ba ikaw? Sino  an g t*nga? Di ba ikaw? Sino ba ang nagtapat? Di ba ikaw? Sinong dapat sumasagot ng tanong mo? Di ba dapat ikaw?!”

Nagulat ako kay Alexa.. hindi nya naman kailangang sabihin pa yun.. alam kong ako ang mali.. napapaiyak na ako.. kailangan ko lang naman ng karamay..

“Sorry napasobra ata ako..”, sabi ni Alexa..

“Hindi ok lang.. totoo n-naman eh..”

Hindi ko na napigilan at umiyak na ako..

Niyakap lang ako ni Alexa..

“sorry..hindi ko dapat sinabi sayo yun..”, paghingi uli ng tawad ni Alexa

Tinignan nya ako at pinunasan ang luha ko..

“Di ba sabi ko magiging maayos lang ang lahat? Tumahan ka na.. wala ka bang tiwala sa akin?”

“M-meron”

“Oh, yun naman pala eh.. tumahan ka na.. lalo kang pumapangit eh..”

Yan si Alexa.. nagagawa nyang mapagaan ang loob ko.. kaya lab na lab ko yan eh..

MANHID MO KASI!! [Completed]Where stories live. Discover now