Chapter 5: Music Star

78 7 1
                                    

EYLENE

Saan ko ba nilagay 'yung cellphone ko? Hayst, buhay nga naman oh. Kanina pa ko isip nang isip kung saan ko naiwan. Sa pagkakaalala ko wala pa naman 'yung lock. Sinubukan ko na ring tawagan pero mukhang wala naman dito sa loob ng bahay.

Don't tell me... Naiwan ko sa bahay ng SB19? Saan naman kaya? Naalala kong kumuha pa 'ko ng selfie habang naglilinis ng mga kwarto nila tapos huli kong ginawa ay naglaba ako sa likod-bahay. Then... Pumasok ako sa huling kwarto sa ikalawang palapag... Oh no!

Sa kwarto ni Ken?! Naiwan ko sa kwarto niya? Waaah hindi pwede, hindi niya pwedeng makita 'yung mga litrato ko ro'n!  Naku naman, nakakahiya.

Kinabukasan...

Matamlay akong bumaba ng sala at naupo sa tapat ng lamesa para mag-almusal. Napansin naman ako ng nanay ko at ni Kevin na nasa harapan ko.

"Oh bakit ngayon ka lang bumangon?" tanong ng nanay ko na tiningnan ko lang.

"Nag-message ako sa'yo na maaga kang pumunta sa kabilang bahay para ipaghanda sila ng umagahan, hindi mo ba nabasa?" nagtataka na naman niyang tanong.

Wala akong lakas para makipagtalo sa kaniya ngayon at paano ko mababasa 'yung message niya, wala nga sa'kin 'yung cellphone ko. Pero ano? Ako? Ipaghahanda sila ng almusal? At bakit naman?

"At bakit ko naman gagawin 'yun?" walang ganang balik kong tanong sa kaniya.

"Dahil katulong ka nila," maikli niyang sagot.

"Kailan pa?" dagdag ko.

"Simula kahapon," she responded indifferently.

"Ano?!" Napatayo na lang akong bigla sa kinauupuan ko at napasigaw sa kanila.

Aish, sabing wala akong lakas para makipagtalo sa kaniya e. Susmiyo, binibigyan naman niya ko ng sakit sa ulo.

"Nagustuhan ng SB19 'yung serbisyong ginawa mo kaya pinakiusapan nilang magtrabaho ka para sa kanila bilang katulong," paliwanag niya na hindi tumitingin sa'kin.

Gosh, I can't take this. Ano raw... SB19?!

"Anong ibig mong sabihin? Kilala mo kung sino 'yung nakatira sa kabilang bahay?!" Nanlalaki ang dalawang mata kong tanong sa kaniya.

Sinasabi ko na nga ba na may tinatago 'tong madrasta kong ina e.

"Bakit gan'yan ka naman kung makapag-react? As if namang may sinabi akong hindi ko sila kilala. Malamang kilala ko ang mga 'yun! Kaya nga kita pinayagang maging katulong do'n e," Medyo iritado niya namang sagot sa'kin.

Urgh! I can't believe this! Nanay ko ba talaga siya? Gosh, sumasakit lalo ang ulo ko sa kaniya.

"Esbi—ano? Esbinayntin? 'Yung sinabihan mong panget?"

"Tumahimik ka!" galit kong sigaw kay Kevin. Dadagdag pa e.

Kumilos akong umalis sa harapan nila at lumabas ng bahay. Sumasakit ang buong katawan ko tapos ang sama pa ng pakiramdam ko. Mukhang may sakit pa yata ako. Bahala na muna 'yang katulong thingy na 'yan, kailangan ko munang makuha ang cellphone ko.

SB19_KEN

Nagising ako ng maaga at kinuha ang cellphone ni Eylene sa ibabaw ng table ko. Napansin ko pa' yung message sa cellphone niya na sinend ng Mama niya.

From: Nanay ko!

: Magpahinga ka na tapos maaga kang gumising para ipaghanda sila ng almusal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Window To Window (SB19)Where stories live. Discover now