Chapter 4: Clean And Polish

79 7 1
                                    

EYLENE

On the same day, alas otso ng umaga. Pinapunta ko sa bahay si Lina. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kanina pa ko palakad-lakad rito sa loob ng kwarto ko habang si Lina naman ay nakaupo sa kama.

"Nakakahilo ka gurl, alam mo 'yon? Sasabunutan na kita kapag hindi ka pa tumigil kapabalik-balik mo d'yan," masungit niyang pagsita sa'kin.

Hindi mapakali na lang akong padabog na naupo sa tabi niya. Kapag talaga ako nawala sa katinuan tatalon ako sa labas ng bahay. Kasalanan 'to ng madrasta kong nanay e. Bakit ba kasi lagi na lang niya kong nilalagay sa sitwasyong wala akong pagpipilian? Halatang napakalaki ng galit niya sa'kin. Nagsisisi ba siya ngayong naging anak niya 'ko? Kung may magagawa lang talaga ako, lalayas na lang ako sa bahay na 'to. Lalayas talaga ako!

"Eh ano ba naman kasing problema kung maging katulong ka sa kabilang bahay? Hindi talaga kita maintindihan. Can you imagine? Cleaning their house and doing SB19's laundry! Napakalaking oportunidad n'yon, bakit nag-aalangan ka pa?!" nakakunot-noo niya namang tanong.

Kahit na! Pagkatapos ng mga kahihiyang nagawa ko, ang lakas naman ng loob kong magpakita pa sa kanila.

"Hindi ba't sinabi ko nga sa'yo... Wala na 'kong mukhang maihaharap sa kanila! Hindi mo ba alam kung anong ginawa ko sa mukha ng pinuno nila!" aburido kong paliwanag sa kaniya. Nakakapanghina talaga. Naiiyak ako sa tuwing naaalala ko 'yong pangyayari na 'yon e.

"Eh 'di ba tinanggap na naman niya 'yung paumanhin mo?" singhal niya bago binigyan ako ng nag-uudyok na tingin. Napabuntong hininga na lang ako.

"Para sa kanila naman 'yong gagawin mo. If you're sorry, work harder. Clean and polish, dust your guilt away!" she said cheering me up.

"Give me a break..." I replied in a small voice and sighed again.

Napaisip na lang akong muli. At some point, I really need to show that I am sorry so that I don't need to feel guilty. Papayag na ba 'ko?

Tutal naman walang tao ngayon sa bahay nila, hindi ko naman siguro sila makikita. I will just clean their house and do their laundry for once. Right, ngayong araw lang naman 'to.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa n'yon ang nanay ko. Sa isip-isip ko, ang sarap niyang tanggalan ng buhok sa totoo lang. Kung hindi ko lang siya nanay e.

"Nasa baba na 'yong mga gamit panglinis, kumilos ka na habang walang tao sa kabila," utos naman niya. I just snorted secertly.

"Evil mother,"  I mumble while staring at her.

"Fine!" Walang nagawang pagsangayon ko naman. I chose the latter.

"Dami mong reklamo, papayag ka rin naman pala," Lina said with a low tone and smile indifferently.

Sabay na kaming lumabas ng kwarto at bumaba sa sala. Nadatnan ko pa ro'n ang mga gamit panglinis gaya ng map at mga basahan.

Napansin ko pa si Lina na biglang may kinuha sa dala niyang bag at may inilabas na kulay asul na apron. Ipinakita niya pa sa'kin 'yong printed name ng SB19 na nakalagay doon.

"Tada!" she boasted. Kinindatan niya 'ko na ikinasalubong ng kilay ko. Seriously?

Hindi na 'ko nakaangal nang isuot niya 'yon sa'kin. Seryoso talaga siya? Ipinaghanda niya pa talaga ako ng apron? Napaka-thoughtful naman ng babaitang 'to. Nakakagigil.

Matapos no'n ay tinulungan niya pa 'kong magbuhat ng gamit sa paglilinis at timba papunta sa harap ng bahay na tinutuluyan ng SB19. Nang makarating sa tapat ng pinto ay nagpaalam na siya sa'kin para umalis na.

Window To Window (SB19)Where stories live. Discover now