Prologue

509 21 7
                                    

Mysterious Encounter

"Masyadong nakakahalata 'tong sinasakyan natin. Bumaba na tayo rito."

"Bababa na?"

"Bakit bababa na?"

"What? Bababa na? Bababa na ba?"

Masamang tingin ang ipinukol sa kanila ng taong tinatawag nilang pinuno dahil sa paulit-ulit nilang tanong.

"Sabi ko nga bababa na, baba na tayo."

Bumukas ang pinto at isa-isa silang bumaba mula sa isang itim na van. Apat na lalaki, nakaporma ng itim na kasuotan mula ulo hanggang paa habang may suot na itim na face mask. Sinabayan pa ng madilim na paligid at kalangitan. Nagmistulang nakakikilabot ang kanilang dating. Dala ang itim na maleta, sabay-sabay silang naglakad sa gitna ng madilim na kalsada.

Samantala...

Nakatayo sa tapat ng convenience store si Eylene habang nag-aalinlangang pumasok sa loob. Nakasuot s'ya ng pajama habang nakalagay sa bulsa ng jacket ang dalawang kamay.

"Papasok pa ba 'ko? Tutuloy pa ba 'ko? Hayst, bakit naman kasi ngayon pa? Napaka-wrong timing mo talaga Eylene!" sa isip-isip n'ya habang kapansin-pansin ang namumula nitong mga pisngi.

"Kaya mo yan self! Kaya mo yan!" Lakas-loob s'yang pumasok sa loob ng convenience store at mabilis na kinuha ang pakay nito. Pagkatapos ay kaagad nang lumapit sa counter at nagbayad.

"Whisper, cotton soft protection, with wings. It's 64 pesos," banggit ng lalaking nasa counter.

Nangasim ang mukha ni Eylene dahil sa kahihiyan. Hindi niya kasi akalain na naging lalaki pa ang nagbabantay sa counter sa pagkakataong 'yon.

"Plastic bag pa, Ma'am?" dadag na tanong ng lalaki.

Namumula na rin ang kan'yang mga pisngi. Sa isip-isip nya'y gusto nang makaalis kaagad sa harapan ng lalaki.

Ilang sandali pa ay napansin n'ya ang mukhang lasing na lalaki ang papalapit sa counter.

"Buy two plus one po ito Ma'am, baka gusto n'yo pang kumuha ng isa pa—"

"Last day ko na ngayon, Kuya!" sigaw naman ni Eylene dito at biglang lumihis. Mabilis n'yang kinuha ang binili n'ya at lumabas ng convenience store. Habang nagkatinginan na lamang ang dalawang lalaki sa inakto n'ya.

Sa parehong oras...

Naglalakad na ngayon si Eylene sa madilim na kalsada pauwi ng bahay. Bigla na lang s'yang nakaramdam ng kaba at pagkabahala nang mapansin ang mga lalaking misteryosong naglalakad sa kan'yang likuran.

"Mananatili tayo rito ng mga dalawang buwan 'di ba?"

"Oo, mangunguna na naman tayo nito sa social media bilang isang hindi magandang balita."

"Tumahimik nga kayo baka may makarinig sa atin. May balak ka pa yatang mag-advertise sa buong mundo eh."

"Then you should have taken care of it."

"Bakit ba ang bigat-bigat nitong si Martin?"

Pag-uusap ng mga lalaki na sapat na para marinig n'ya. Bigla namang nagsitayuan ang mga balahibo nito at lalong kinabahan.

"Martin? Who's that? Is that a child's name? Don't tell me... mga kidnapper tong mga lalaking 'to?"

Nagmadali sa paglalakad si Eylene nang makaramdam ng takot. Mabilis s'yang naglakad hanggang sa bigla na lang s'yang natalisod at napadapa.

Nanghihina ang kaniyang katawan at hindi kaagad s'ya nakakilos nang mapansin nito ang mga lalaki papalapit sa pwesto n'ya.

"No! Lumayo kayo sa 'kin! Wag kayong lalapit! Lord, help me!" nakikiusap niyang sigaw sa isipan.

"Ayos ka lang?"

Bigla na lang s'yang napasigaw nang makitang nakatayo sa kaniyang harapan ang apat na lalaking 'yon. Sa takot ay mabilis s'yang tumayo at hindi na nagawa pang damputin ang binili n'yang napkin.

Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makarating sa bahay at makapasok ng kwarto.

Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makarating sa bahay at makapasok ng kwarto

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

ⓔⓝⓙⓞⓨ ⓡⓔⓐⓓⓘⓝⓖ

Window To Window (SB19)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora