Chapter 1: SB19 Next Door

231 16 6
                                    

EYLENE

"My tomato sister!"

Nagulat ako nang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya kaagad akong napabangon sa pagkakahiga. Walangyang lalaki talaga 'to. Napakalakas ng saltik sa utak!

"Nand'yan na raw 'yung bagong dating nating kapit-bahay."

"Ang lakas ng topak mo eh 'no? Sisirain mo pa 'yang pinto dahil lang d'yan sa sasabihin mo? Eh ano namang pakialam ko sa kapit-bahay natin?!" naiinis kong sigaw sa kan'ya.

"Sabi ni Mama, mga gwapo raw sila," aniya. Awtomatiko naman akong napangiti sa isip ko. Tama ako nang narinig 'di ba? Mga gwapo ang bagong dating naming kapit-bahay?

"Hoy! Ano na naman 'yang iniisip mo?" pansin niyang tanong.

"Ano? May iniisip ba 'ko?" pagtanggi ko naman.

"Oo! Halata sa namumula mong mukha!" Bigla akong napahawak sa pisngi ko. Mukhang namumula nga dahil nag-iinit ang mukha ko. Hayst, wala talagang pakikisama kahit kailan.

"L-lumabas ka na nga!" naiinis kong utos sa kan'ya bago binato ng unan kaya kaagad na siyang lumabas ng kwarto ko.

That's my brother, Kevin. Ang kapatid kong akala mo'y laging may saltik at katok sa ulo. Pero isa lang ang alam ko, hindi siya normal na tao. Siguro nasobrahan sa talino, epekto ng kababasa ng sandamakmak na libro.

Same goes with me, I don't think I'm normal. Magkapatid nga talaga kami.

Wala pang isang minuto ay muli na namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at muling pumasok si Kevin. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Nakalimutan kong sabihin, kaya nga pala ako pumunta rito ay dahil pinapatawag ka na ng mahal kong ina," habol pa niya. Mahal kong ina... sakalin ko siya eh.

"Bakit daw?" masungit kong tanong.

"Kakain na po senyorita."

"Kakain na?" pag-uulit ko.

"Oo kakain na, kakain na tayo. Ipakain kita sa kapit-bahay natin eh," pagbibiro naman niya.

"Yuck! Kadiri ka, lumabas ka na nga!" reaksyon ko sabay bato muli sa kaniya ng unan.

"Sus, namula ka naman," pang-aasar niya pa habang natatawa.

"Labas na!" Patuloy ang pagtawa n'ya hanggang sa makalabas ng kwarto ko. Sarap talaga niyang sakalin. Nakakairita. Aish, namula na naman tuloy 'tong pisngi ko.

Agad naman akong lumabas ng kwarto at bumaba sa sala. Naupo ako sa tapat ng lamesa na may nakahain ng pagkain. Sa harap ko ay nakaupo na rin si Mama na katabi si Kevin.

Hindi ako napansin ni Mama dahil busy siya sa pag-aasikaso sa bunso n'yang anak. Habang nang-iinggit naman akong dinilaan ng kapatid kong may saltik.

"Ma, kailangan talaga ikaw pa ang maglagay ng pagkain sa plato ng anak mong 'yan?" naiinis kong pagtawag pansin sa nanay ko. Bigla naman s'yang tumingin sa 'kin na pinanlakihan lang ako ng mata bago muling bumalik sa ginagawa niya.

"May kamay naman 'yan at mga daliri, kulang na lang subuan mo na rin eh," reklamo ko sa kan'ya habang nakataas ang kilay.

"Oh my baby, kumain ka ng marami ah," panlalambing naman niya sa anak niya bago sinubuan ng pagkain.

The heck, nakakasawa nang panoorin ang dalawang 'to. Araw-araw na lang silang ganiyan. They're really getting into my nerves!

Sinamaan ko ng tingin si Kevin bago inirapan at nagsimula na lang na kumain. Mapang-asar din 'tong nanay ko eh. Lagi na lang nila akong iniinis. Hobby na yata nila 'yon. Sarap tuloy nilang pag-untugin, kulang na lang magkapalit sila ng mukha dahil sa lagi silang magkadikit eh.

Window To Window (SB19)Where stories live. Discover now