Chapter 3: The Girl Next Door

95 12 2
                                    

SB19_SEJUN

Alas sais ng umaga nang maisipan kong lumabas ng bahay para maghanap ng tindahan dahil may bibilhin ako. Nagpadala ng pagkain ang managers namin pero nakalimutan namang bumili ng hotdog. Sa dami ng pwedeng makalimutan, hotdog pa talaga. Masarap pa namang kumain n'yon sa almusal.

Pahirapan pa para sa amin ang lumabas ngayon ng bahay dahil walang pwedeng makakilala sa amin dito. Kaya ngayon nakasuot ako ng itim na face mask at sumbrero para matakpan ang kalahati ng mukha ko.

Buti nalang at walang masyadong tao ang lumalabas sa village na 'to. Makaraan pa ang saglit na paglalakad ay nakatagpo ako ng isang convenience store kaya napangiti na lang ako. Mabuti't may malapit na convenience store mula sa bahay na tinutuluyan namin.

Agad akong pumasok sa loob at kumuha ng limang pack ng hotdogs. Pagkatapos ay lumapit na 'ko sa lalaking nasa counter para magbayad. Napansin ko pa sya na tinignan ako ng kahina-hinala habang pinag-aaralan ang postura ko.

Iniabot ko na ang bayad ko nang matapos n'yang ilagay sa plastic bag yung binili ko. Kinuha ko na 'yon at mabilis na lumabas ng store. Pagkatapos ay naglakad na 'ko pabalik ngunit bigla na lang napahinto nang dalawang direksyon ng kalsada ang sumalubong sa 'kin. Biglang nawala sa isip ko ang daan pauwi ng bahay. Ano rito ang dinaanan ko kanina? Kanan o kaliwa?

Sa gitna ng pag-iisip ko ay bigla akong napalingon sa kanang gilid ko at nakita ang isang naglalakad na babaeng may bitbit na supot na pinaglalagyan ng pinamili nya. Namumukhaan ko ang itsura niya.

[Flashback]

Magkakatabi kaming nakaupo sa couch na nasa harapan ng malaking bintana habang kausap si Josh sa video call.

"Mukhang umaayos na ang lagay mo d'yan ah," sabi ni Justin kay Josh na ngayon ay nasa hospital.

"Anong ginagawa mo ngayon Kuya Josh?" pagbibirong tanong naman ni Stell na ikinatawa niya.

"Wala akong magawa rito. Actually, gustong-gusto ko na ulit sumayaw. I really miss you all. Kapag pwede na 'kong lumabas, pupunta agad ako d'yan," nangingting sagot ni Josh mula sa kabilang linya.

"'Wag mo kaming alalahanin at magpagaling ka lang d'yan. Kami na ang bahala rito," habilin ko naman dito sa mahinahong boses.

"Sige na, magpahinga ka na. Bye!" Paalam naman namin sa kan'ya bago pinatay ang tawag.

"So ano nang gagawin natin ngayon?" naiinip na untag ni Justin.

"Hey, what the hell is that?" Bigla namang napunta ang atensyon namin kay Stell nang may ituro siya sa labas ng bintana.

"What?" tanong ko sa kan'ya habang nakakunot ang noo Nakakakaba naman ang tono ng boses nito.

Window To Window (SB19)Where stories live. Discover now