Chapter XXI (Bad)

Start from the beginning
                                    

Napatigil ako sa paglalakad nang mawala sa paningin ko si Favian. I was about to panic nang makita ko siya mula sa kalayuan. Mabilis akong naglakad para makalapit pero nagulat ako sa nakita. He is beside a unicorn! 

"U-unicorn? Totoong unicorn ba 'yan?" Namamangha kong tanong at halos mangislap ang mga mata ko habang nakatingin sa pink na unicorn. Kulay rainbow ang buhok niya at puti naman ang sungay. Am I really seeing this? "Ang ganda-ganda niya."

Dati pegasus ngayon naman unicorn. For sure, this is going to be our ride. I tried to hold the unicorn pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano. Nakuntento na lang muna ako sa pag-hanga do'n. Buti pa si Favian marunong makisalamuha sa mga hayop, sana all. Maya-maya ay nilingon ako ni Favian then he patted the back of the unicorn. Obviously asking me to ride.

Excited naman akong lumapit at sinubukang sumampa. Favian help me out. Naglikot ang unicorn nang makasakay ako, mabuti na lamang at hawak ni Favian ang bewang ko kaya hindi ako nalaglag. Nang masigurado niyang ayos na ay sumampa na rin siya. Nasa harapan ako samantalang siya ay sa likuran naman habang hawak ang tali.

The unicorn finally move. Sakto lang ang bilis n'on kaya na-enjoy ko ang pag-s-sight seeing sa paligid. We're still on a field at sobrang berde ng buong paligid. My heart warms at the sight. Ang ganda-ganda talaga dito sa Agartha, hindi ko mapagkakaila 'yon. May lugar din namang ganito sa totoong mundo pero bakit feeling ko mas payapa sa lugar na 'to? Parang walang gulo dito kumpara sa pinanggalingan ko eh.

I feel at peace and so safe. Never kong naramdaman 'to noon. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa lugar kung nasaan kami o dahil sobrang lapit sa akin ni Favian. I blushed at the thought. Of course! It's because of the surroundings. Ano ba 'tong iniisip ko?! Bigla tuloy akong nailang at imbes na sa paligid ang atensiyon ay napunta sa lalaking nasa likod ko.

I can feel his hard chest against my back. Feeling ko sobrang liit ko nang dahil do'n. Hindi ko rin mapigilang pansinin ang pagbabangga ang mga braso namin minsan. God, Daphne! Ano ba?! I wonder what is he thinking right now? Naiilang rin kaya siya sa akin o ako lang?!

Okay, I need to stop thinking about this. I'm being weird!

We spent the next few hours like that. Tahimik at ini-enjoy ang buong paligid. Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang kailangan naming lakbayin, hindi naman ako nag-abalang magtanong pa. Sinulit ko na lang ang natitirang panahon na masaya ako. Kasi sa mga susunod na araw, paniguradong hindi na.

Inabot kami ng gabi sa daan. Favian decided that we should take a rest. Halata ko rin na pagod na ang unicorn na sinasakyan namin dahil ang bagal na ng takbo nito. We then decided to stop.

"Dito talaga? I mean, wala kayang matutuluyan na hotel man lang tulad no'ng dati?" Pagbabakasakali ko nang makumpirmang dito nga kami magpapahinga. Sa mismong daan talaga! Feeling ko hindi safe and I doubt makakapagpahinga kami sa ganitong lugar!

It's not like he bring a tent or something!

Hindi pinansin ni Favian ang sinabi ko at tinali ang unicorn sa tabi ng puno. Tumayo lang ako sa isang gilid do'n habang pinapanood abg ginagawa ni Favian. May nilabas siyang maliliit na mga kapsula mula sa bulsa niya. Binato niya ang isa at nagulat ako nang biglang naglabas 'yon ng dilaw na liwanag. Mula sa isang maliit na kapsula ay unti-unti 'yong lumaki at nagkaro'n ng porma hanggang sa maging isang malaking tent.

"Wow!" I exclaimed. He did it once again at naging bonfire naman 'yon. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan. "Is this some kind of magic or science?" I asked. Atsaka ko lang naalala na hindi nga pala nakakapagsalita ang kausap ko.

"Magic?" Umiling siya. "Oh, science then. Ang astig naman! Gusto ko rin ng capsule na 'yan! How does it work? Can you explain—" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang kumalam ang sikmura ko.

Nagkatinginan kaming dalawa at feeling ko namula ang buong mukha ko nang dahil sa hiya. Kanina pa kasi talaga ako gutom, nahihiya lang akong magsabi sa kan'ya. Naglabas ulit siya ng kapsula mula sa bulsa niya at nahulaan ko agad kung anong sunod niyang gagawin. Bago niya pa maibato 'yon ay napigilan ko agad.

"Teka! Pwede bang mag-request?" He stare at me for a moment before nodding. "Uhm. I want a one bucket chicken and uhh. Beer? Hehe. I haven't try that. Napanood ko lang sa k-drama dati pero gusto ko subukan. Don't worry! I'm eighteen. I can already drink that kind of beverage. Atsaka kasi I think perfect din siya ngayong gabi kasi you know, malamig, hehe." Mahaba kong paliwanag.

"Atsaka ano! Libro! Gusto ko rin ng mga libro. Kailangan ko kasing magbasa para antukin ako. Pwede ba 'yon?" Ngumiti pa ako para mapapayag siya.

Hindi naman mahirap kausap si Favian. Ilang sandali lang din ay nasa harapan ko na ang mga gusto ko. Nagpasalamat ako sa kan'ya bago umupo at nagsimulang kumain.

Nakakatatlong chicken na yata ako nang mapansin kong nakatayo lang siya do'n at nakatingin sa akin. Hindi ko namalayan kasi masiyado akong gutom. "Hoy! Anong ginagawa mo diyan?! Kain tayo!"

Umiling siya. Siyempre hindi ako pumayag, kahit ayaw niya ay hinigit ko siya paupo sa tabi ko at inabutan ng pagkain. Tinatanggihan niya pero pinipilit ko. After so many attempts ay tinanggap niya rin. I watch him as he eat, of course still with his mask. That seems hard but okay.

"Kain ka lang. Ay, teka. Nasaan pala 'yong beer?" Tanong ko at chineck ang mga pagkain. He then hand me a can. Napataas ang kilay ko nang may mapansin. "This is not a beer, Favian."

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. "Seriously? Hindi mo ba alam 'yong beer? This is a soda. Umay sa ganito." Reklamo ko pero binuksan pa rin 'yon para uminom. 

Habang ginagawa ko 'yon ay napatingin ako sa kalangitan. Wala man lang mga bituin. Kung may pangit siguro na ikukumpara dito at sa totoong mundo, isa ang langit do'n.

"Favian, alam mo ba ang mga bituin?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingala. "Siyempre, hindi mo alam 'yon kasi wala namang gano'n dito sa lugar na 'to. Silly me. Pero alam mo ba? Isa 'yon sa mga paborito kong bagay sa totoong mundo na wala dito sa Agartha. Iyong mga stars at constellations. Kapag malungkot ako lalo na kapag gabi titingin lang ako sa kalangitan para titigan ang mga bituin tapos gagaan na ang pakiramdam ko."

I sighed. "Share ko lang naman. You don't have to say anything. Sana nakikita mo rin kung gaano kaganda 'yon. Sigurado akong magugustuhan niyo ni Fiona 'yon."

Nilingon ko siya at nagtama ang mga tingin namin. I smiled a bit at nauna ring mag-iwas ng tingin. I can't stare at him for too long because I feel something weird on my chest. Muli akong uminom ng soda para baliwalain 'yon.

"Ahh! I am so full!" Maya-maya'y anunsiyo ko at tumayo na rin para bahagyang dumistansiya sa kan'ya. "Tulog na tayo? Mukhang mahabang araw na naman bukas ah." Sabi ko nang hindi siya nililingon.

Nagkunwari pa akong may tinitingnan sa malayo habang yakap ang sarili. Hinihintay na matapos na din siya sa ginagawa niya. Nagulat na lang ako nang biglang may kung anong pumatong sa balikat ko. Nang lingunin ko ay isang makapal na itim na jacket.

"S-salamat." Gulat kong sabi. Tumango lang siya bilang sagot. He really is a gentleman. Hindi ko mapigilang mapatitig kay Favian at ito na naman 'yong lintek na reaksiyon sa dibdib ko.

"Good n-night!" Naiilang ko pang sabi at walang lingon-likod na pumasok sa tent.

Napahawak ako sa dibdib ko at pibakiramdaman ang abnormal na tibok ng puso ko. Nope. Imposible. Siguro naninibago lang ako dahil kaming dalawa lang ang magkasama. Pinikit ko ang mata ko at pinilit ng sarili ko na makatulog na tanging iisa lang ang nasa isip.

Whatever feeling is this, it need to stop. This is bad.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now