Chapter 46: I love you

326 21 53
                                    

ERIKHA'S POV

Pag pasok namin sa loob ng venue, napatingin samin yung iba, nahiya tuloy ako bigla. Gusto ko nalang mag stay sa kwarto namin ni ate Roxie!

"Who is she?"

"Ngayon ko lang ata sya nakita?"

"Napakagandang bata naman pala."

"Sya ata yung girlfriend ni Rhacks."

Napahinto ako ng marinig ko yun. Gusto ko sanang sagutin ng sana nga po kaso wag na

"May problema ba?" napatingin ako kay ate Roxie at umiling. Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa isang table tsaka kami umupo dun.

Palihim akong tumitingin sa paligid, hinahanap ko si Rhacks. Nasaan na kaya yun? Nakatulog kaya yun? Bakit wala sya dito? May nangyari bang masama sa kanya?"

"Easy ka lang Erikha, I'm sure na-late lang si lil bro." napahinto ako sa kakalingon ng mag salita si ate Roxie. Omygosh, halata na pala ako!

"Hinahanap ko sila tita." palusot ko

"Nasa harapan lang sila wala sa paligid." sabi nya tsaka tumawa kaya yumuko nalang ako. Nakakahiya ka naman self!

Tinap ni ate Roxie ang balikat ko

"Magugulat ka nalang nasa tabi mo na yun mamaya." hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango nalang ako

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila tita habang kumakain. Wala akong ganang kumain ngayon kaya ang kinuha ko lang konting pasta, tsaka nakakahiya naman kung ipapakita ko sa lahat na napaka lakas kong kumain. Ang alam pa naman nila girlfriend ako ni Rhacks so dapat mahinhin tayo

Author: assuming

Tse! Buti pa nga sa tsismis boyfriend ko sya

"Erikha, maiwan muna kita ha." napalingon ako kay ate Roxie

"Sige po." tumango ako at kumain nalang ulit. Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa restroom kaso habang papunta ako nahatak ako nilat tito at tita na nag iikot na pala sa mga table

"This is Erikha Santiago." pakilala sakin nila tita sa mga ka-age nila na couple din

"Hi po." nahihiyang bati ko

"Sya ba ang bagong girlfriend ni Rhacks?" napalunok ako sa tanong nila

"Sya na ang sasagot dun." sabi ni tito lahat tuloy sila napatingin sakin. Huhuhu lord help me!

Pinagpawisan ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko ba ang totoo? Malamang sasabihin ko, alangan namang mag sinungaling ako dito.

Sasagot na sana ako kaso may biglang humagip sa beywang ko. Amoy palang kilala ko na kung sino yun. Hindi ko na kailangan lumingon.

"Yes, she's my girlfriend." para akong natuod sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya. I feel like I'm gonna die! Di ako makahinga! Kailangan ko ata ng cpr ni Rhacks

Author: Ang harot mo!

Tse! Porke't di ka crush ng crush mo

"So the news is true. Welcome to the family ija." bineso ako ng tatlong, I guess kamag anak nila Rhacks?

"Thank you po." sabi ko. Feeling ko namumula na ang buong muka ko dahil sa kilig

"Ingatan mo sya Rhacks, tingin ko mabait na bata yan." sabi ng tito ni Rhacks

"I will tito." sagot ni Rhacks at feeling ko nakangiti sya

"Mabait na bata talaga yang si Erikha kaya nga gusto ko sya para kay Rhacks." mas namula ako sa sinabi ni tita. Ene be yen mge tita, ako lang 'to oh

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon